You are on page 1of 4

BULI HIGH SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit


sa Filipino Grade 7
SY: 2019-2020

Pangalan: _______________ Iskor: _____/50_


Petsa: __________________ Taon at Pangkat: _______________

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang tamang sagot.

Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan


batay sa mga pangyayaring o usapan ng mga tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang
_____1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan.
Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay…
a. Mas maunlad at mas may malaking palengkeng dinarayo ng mga tao
b. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
c. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman
_____2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi
man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na…
a. Malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. Kinatatakutan ang makapangyarihang sultan
c. Mayaman at maraming ari-arian ang sultan
d. Masipag at mapagmalaki ang sultan
_____3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito.
Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay…
a. Matigas ang kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi d. matalino
____4. Sinusubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking
labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na…
a. Matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok
b. Matalino siya at laging umiisip ng paraan
c. Mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
d. Malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko
_____5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang isip sina Usman
at Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay
ipinagbunyi sila ng taumbayan . Mahihinuhang ang taumbayan ay…
a. Nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno
b. Nag-aalala na baka ang susunod na pinuno ay malupit ding tulad ng nauna
c. Namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura
d. Nagbabakasakaling makatagpo na sila ng pinunong makatutulong upang maging mayaman ang
bawat isa sa kaharian.
Para sa bilang 6 at 8- Panuto: Kilalanin ang pangungusap na nagbibigay ng patunay.
_____6. Ang mga sumusunod ay mga pangungusap na nagbibigay ng patunay. Alin ang hindi kasama?
a. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-
pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kayang pangakong pagbabago
b. Umaasa ang marami na may pagbabago nga sa kani-kanilang buhay
c. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine
Area of Responsibility
d. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang
pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.
_____7. a. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapinsalang bagyo.
b. Unti-unting nabibigyang pansin ang ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay
rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president at speaker of
the house) ay pawang mga taga Mindanao.
c. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang
minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa minahang ito ay ipinasara ng DENR o
Department of Environment and Natural resources
d. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa
mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito sa at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang
dala ng mga bagyo.
_____8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng patunay?
a. Ang mga Meranao ay kilala sa pagiging malikhain. Makikita sa kanilang kagamitang
panseremonya at iba pang mga kagamitan ang mga ukit na tinatawag nilang okir.
b. Mapalad ang mga Meranao sa pagkakaroon ng magandang klima.
c. Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay sa lugar na ito.
d. Wala sa nabanggit
Panuto: Maghinuha batay sa nabasa o napakinggang akda.
_____9. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya
hayop
a. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
b. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya
c. Pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop.
d. Magiging tanyag si Pilandok sa kanilang lugar
_____10. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na magkrus
uli ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya.
_____11. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng
kanyang mga kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’y nagipit
b. Iiwas na si Pilandok na manlilang o manloko ng ibang hayop
c. Hindi na ipakikita o ipaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya
Panuto: Kilalanin ang mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____12. Maaari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng
pilandok?
a. Kaya b. nga c. maaari d. nang
_____13. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na
ito?
a. May posibilidad kayang b. para maisalba c. kayang makatulong d. ang mga hayop
_____14. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga
hayop na ito para hindi na sila pamarisan?
a. sa tingin mo b. posible kayang c. para hindi na sila pamarisan d. ang mga taong
_____15. Baka mahirap iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating mga kagubatan.
a. baka mahirap iyan b. dahil wala c. ating mga kagubatan d. mahirap iyan
Panuto: Kilalanin kung anong katangian ng tauhan batay sa kanyang sinabi sa akda.
_____16. “Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Allah at hindi ko kayo pababayaang
magutom” (Tulalang)
a. Matapang na kapatid b. Mapagmahal na kapatid c. mapagpanggap na kapatid
_____17. Simula sa araw na ito ay huwag kayong mag-alala sa inyong pagkain. Simula ngayon ay hindi
na kayo magugutom. Anumang bagay ang inyong gugustuhin ay mapapasainyo. (mahiwagang matanda)
a. Makapangyarihan b. mayabang c. masipag d. maramot
_____18. “Tulalang, nais naming manirahan sa iyong kaharian. Handa kaming magpasakop sa iyong
kapangyarihan” (mga tao)
a. Pagsasamantala b. pagbubunyi c. pagpapakumbaba d. pagmamalaki
_____19. “Tulalang, papayag akong pakasal sa iyo upang magkaroon ng mga bagong hari sa aming
kaharian” (Macaranga)
a. Mapagmahal sa kaharian b. mapagmahal sa sarili
c. mapagmahal sa kalikasan d. mapagmahal sa kapwa
Para sa bilang 20-24. Tukuyin ang pang-unay na ginamit sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang
_____20. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa
a. Sapagkat b. tunay c. ng d. sila
_____21. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya alintana para sa kapakanan ng kanyang bayan.
a. Para b. bagama’t c. kanya d. hindi
_____22. Maligayang nanirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang isang mayabang na kaaway.
a. Sa b. subalit c. isang d. mga
_____23-24 Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga kalaban dahil sa
kanyang angking talino
a. Sa aking hinuha b. kanyang kalaban c. dahil sa d. hinuha
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga pangungusap sa akdang PAG-ISLAM.
_____25. Ang makisig na ama ng sanggol
a. Abdullah b. Allah c. Ibrah d. Aminah
_____26. Ang nanguna sa seremonya ng penngunting at bang sa sanggol
a. Imam b. Tarhata c. kambing d. Ibrah
_____27. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baru-baruan sa silid ng sanggol
a. Abdullah b. Allah c. Ibrah d. Aminah
_____28. Ang pangalang ibingay sa sanggol
a. Abdullah b. Allah c. Ibrah d. Aminah
_____29. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangalan at paggupit sa buhok ng sanggol at paglalagay nito
sa mangkok na may tubig
a. Imam b. PAG-ISLAM c. Tarhata d. Penngunting
_____30. Ang katawagan ng mga Muslim para sa Diyos o Panginoon.
a. Allah b. Abdullah c. Ibrah d. datu
Para sa bilang 31-33. Panuto: Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.
_____31. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang kanyang mga naging pasya
a. Alinsunod sa b. kanya c. kalooban d. sa
_____32. Dahil sa sipag at tiyaga’y umunlad siya sa buhay
a. Dahil sa b. siya c. sipag at tiyag d. siya
_____33. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taumbayan.
a. Matapat na pinuno b. mahal ng taumbayan c. ang matapat d. taumbayan
Para sa bilang 34- 42. Kilalanin ang mga pangungusap na walang paksa
_____34. Eksistensyal
a. Puwede bang sumali? b. bilis! c. Naku! d. Wala pang nanonood
_____35. Modal
a. Maari ba? b. Grabe! c. Ginoo! d. Laban!
_____36. Padamdam
a. Aray! b. ay! c. Hoy! d. Kuya!
_____37. Maikling sambitla
a. Aray! b. ay! c. Hoy! d. Kuya!
_____38. Panawag
a. Aray! b. ay! c. Hoy! d. Kuya
_____39. Pamanahon
a. Lumilindol! b. Pasukan na c. Salamat d. makikiraan
_____40. Penomenal
a. Maalinsangan ngayon b. alas-dose na c. sabado ngayon d. pasukan na
_____41. Ang mga sumusunod ay pangungusap na walang paksa . Alin ang di-kasama?
a. Ang galing niyang umarte b. wala pang pera c. Puwedeng makatawad? d. Ay!
_____42. a. Tisoy! b. Pumayag ka na sa usapang ito c. Ang bait! d. Salamat.
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang initiman sa pangungusap.
_____43. Madarama ang bigat ng suliraning dinadala ng dalaga kanyang tahimik na paghikbi
a. Pagsimangot b. pag-irap c. pag-ismid d. pagluha
_____44. Ang kalungkutan ng dalaga ay tunay na nakaantig ng aking damdamin.
a. Nakasaling b. nakasanggi c. nakapagpaalala d. nagunita
_____45. Ginugol niya ang kanyang oras sa habihan upang makalimot sumandali sa kanyang kasawian.
a. Binigay b. inilaan c. inubos d. lahat ng nabanggit
_____46. Ipinadala ng hari ang kawal upang mamuno sa isang digmaan
a. Sundalo b. utusan c. pulis d. katulong
Para sa bilang 47. 50. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin
upang maisakatuparan ang proyekto. Ilagay ang a-d bago ang bilang.
_____47. Pagpili ng mga larawang Isasama sa Travel Brochure
_____48. Pagbuo ng aktwal na Travel Brochure
_____49. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
_____50. Pananaliksik at pagsulat ng Nilalaman ng Iyong travel brochure.

_____________________
Lagda ng Magulang
MGA SUSING SAGOT (FIL 7 UNANG MARKAHAN) SY: 2019-2020

1. A
2. B
3. A
4. D
5. A
6. B
7. A
8. A
9. A
10. A
11. B
12. C
13. A
14. B
15. A
16. B
17. A
18. C
19. A
20. A
21. B
22. B
23. C
24. C
25. C
26. A
27. Tarhata
28. A
29. D
30. A
31. A
32. A
33. A
34. D
35. A
36. Bonus
37. A at B
38. C at d
39. A at B
40. A
41. A
42. B
43. D
44. A
45. B
46. A
47. B
48. C
49. D
50. A

You might also like