You are on page 1of 15

Mga Tauhan:

Ibrah -> ama ni Abdullah at asawa ni Aminah


Aminah -> babaeng Muslim at asawa ni Ibrah
Tarhata -> kapatid na babae ni Ibrah at
tumulong sa panganganak ni Aminah
Abdullah -> sanggol na lalaki sa kuwento
Imam -> tawag sa paring Muslim
Pandita -> guro na dalubhasa sa pagbabasa
ng Koran
ABDULLAH ->
nanggaling sa dalawang salita: ABD at
ALLAH na nangangahulugang SERVANT at
GOD, sa tahasang sabi "servant of God" ang
ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay iknakabit
madalas sa mga pangalan ng kalalakihang
Muslim. Samantala, ang katumbas naman
nito sa mga pangalan ng kababaihang
Muslim ay AMATULLAH.
BANG ->
ito ang unang seremonya sa pagbibinyag
ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras
pagkapanganak ng sanggol at sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng
isang dasal mula sa Koran sa kanang tenga ng
sanggol upang maikintal sa isipan nito ang
pangalan ni Allah.
PENGGUNTING ->
ikalawang seremonya na ginagawa sa
ikapitong araw mula nang maipanganak ang
sanggol. Ito ay ginagawa sa paraang gugupitan
ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob ito sa
mangkok na may tubig sa paniniwalang kapag
lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay
mamaging maganda ang kapalaran ng bata at kung
lumubog naman ito ay mamalasin ang bata.
PAGISLAM -> ikatlong seremonya ng
pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa
naman sa ikapito hanggang ikasampung taon
ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa
lalaking Kristiyano.
SUNNAH ->
ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga
babaeng Mulim kung saan tinatanggalan ng
clitoris ang babae sa paniniwalang ito ang
dahilan ng pagkalibog ng babae para
makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki.
MAULIDIN NABI ->
Pasko ang katumbas nito sa mga
pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore
o kaarawan ni Mohammad, ang kauna-
unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.

You might also like