You are on page 1of 2

Batas sa panahon ng COVID-19

ni: Atty. Rudolf Philip Jurado - March 19,2020

Maaari bang magpatupad ang ating estado ng community quarantine? Ano naman ang karapatan
ng mga mamamayan sa ganitong panahon habang ipinatutupad ang community quarantine?

Ano naman ang obligasyon natin bilang mamamayan sa ganitong panahon? May batas ba tayo
laban sa mga nagsasamantala sa ganitong panahon ng COVID-19?

Ang kapangyarihang magdeklara at magpatupad ng isang community quarantine ay nasasakop sa


likas ng kapangyarihan (inherent power) ng estado.

Ito ay ang “police power” o kung saan maaring gumawa ang estado ng mga alituntunin at
patakaran (regulation) para masiguro ang kaligtasan at pangkalahatang kapakanan ng
mamamayan.

Ang “quarantine” ay isang teknikal na salita na tumutukoy sa paghihigpit sa galaw o ang


paglabas-masok ng mga tao at mga bagay sa isang lugar para mapigilan ang paglaganap ng sakit.

Sa community quarantine, umiiral pa rin ang karapatang sibil (civil right) ng mga mamamayan;
ang operasyon at pagpapatupad ng batas sa pangkalahatan ay nananatili at nananaig pa rin. Ang
nililimitahan lang ng 8 quarantine ay ang paglabas at pagpasok sa isang lugar o yung karapatang
pagbyahe ayon sa Konstitusyon.

Ano naman ang ating legal obligation sa panahon ng COVID-19? Ayon sa RA 11332, mayroon
tayong obligasyon na maging “socially and medically responsible”. Ayon sa Section 9 ng RA
11332, sa panahon ngayon ipagbabawal ang pagkakalat ng mga “fake news” sa iba’t ibang social
media platforms kagaya ng Facebook.

Sa mga tao ring nakasalamuha o may alam at kinalaman sa pagkatao ng mga pasyente, sila ay
pinagbabawalan i-disclose ang mga impormasyon tungkol sa mga ito, maliban nalang kung ito
ay bibigyang pahintulot sa pamamagitan ng isang court order. Bawal din ang pinapakalat na mga
litrato ng mga pasyente at mga prosesong medikal na nilalapat sa mga ito.

Ang RA 11332 ay nag-oobliga rin sa mga may alam (kagaya ng mga doktor, medical personnel,
opisina, eskewelahan at iba’t ibang establisimyento) ng may COVID-19 na i-report ang mga ito
sa Department of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau.

Ang mga tao naman na may COVID-19, at institusyon na may COVID19 patient, ang kanilang
facilities ay obligado rin na mag-report sa Epidemiology Bureau ng DOH para sa karampatang
paggamot.

Parusang pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan o multa mula Php20,000.00 hanggang
Php50,000.00 ang hindi pagsunod at paglabag sa legal obligation na ito.
May batas din tayo na umiiral laban sa “profiteering” o “hoarders” sa panahon ngayon ng
COVID-19. Ito ay ang Republic Act 7581 o yung Price Act. Ang batas na ito ay kadalasang
nalalabag ng mga negosyante sa ganitong panahon.

Ayon sa R.A. No. 7581, ang profiteering ay isang sistema kung saan ang tao o negosyante ay
minamanipula ang presyo ng isang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng labis na pag-angat ng
presyo nito, na wala namang katumbas na pagtaas ng mga kostas o kapital nito.

Masasabing minamanipula o labis ang pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin kung ang
pagtaas ay hindi bababa sa sampung porsyento (10%) kumpara sa nakaraang buwan.

Masasabi rin na minamanipula ang presyo pag walang price-tag ang pangunahing bilihin, pag
nagbigay ng maling impormasyon sa bigat o sukat ng bilihin, o kaya naman nagpangiwi o
pinalabnaw ang mga bilihin.

Gawain A: TANONG KO, SAGUTIN MO!


1. Ano ang kabuuang paksa ng artikulong iyong binasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa artikulong iyong binasa? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa artikulong iyong binasa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

You might also like