You are on page 1of 2

Briones, Jomel S.

BSMA – 1A
Reaksyong Papel Ukol sa
Karapatan sa Panahon ng Lockdown
Ni Neil Ambion

Ang Pilipinas o ang mundo ay sumasailalim sa pandemyang


coronavirus disease 2019 (Covid-19). Upang maiwasan ang
mabilisang pagkalat nito sa buong bansa ay agarang ipinatupad
ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagkakaroon ng Executive
Community Quarantine (ECQ).
Sa tulong ng mga military, mga Local Government Units
(LGU), mga opisyales ng bawat probinsya kabilang na din ang
mga pinuno ng bawat barangay. Ibinaba ng Pangulong Duterte
ang pagiging awtoridado ng bawat pinuno ng barangay upang
pagbawalan ang bawat mamamayang makaalis sa kanilang mga
tahanan, makapunta sa mga mataong lugar at mapanatili ang
social distancing. Gayunman, sa kabila ng pagkakaroon ng
kakayahan ng militar na pamunuan ang kaayusan at panatilihin
ang nais na proteksyon ukol sa kumakalat na sakit ay may ilang
pangbabatikos pa ding natatamo ang mga nagpapatupad nito.
Katulad na lamang ng pagsasawalang bahala ng mga awtoridad
sa karapatan ng mga mamamayan. Sa aking palagay, sa mga
ganitong klase ng sitwasyong kinakaharap ang ating bansa,
mangyaring isang tabi muna ang mga karapatang nakapatong sa
bawat tao. Ngunit, nakapende pa din ang pagiisang-tabi ng ating
karapatan kung ito ay nagiging kalabisan na lamang. Sabihin na
natin, kaligtasan ng bawat mamamayan ang iniisip ng gobyerno
ngunit kahit pilitin nating mag-ingat at malayo sa kapahamakang
dala ng covid-19 ay hindi maiiwasang napupunta tayo sa
panganib. Dahil ito sa mga opisyales o awtoridad na
nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan. Hindi tama na
lumabas ang mga tao kung hindi kinakailangan, marapat lamang
na magkaroon ng curfew para sa mga mamamayan, marapat
lamang na maging mahigpit sa mga tao at hindi din masamang
sumunod sa nais na pagkakaroon ng distansya. Pero tama ba ang
Briones, Jomel S.
BSMA – 1A
kalabisang panga-abuso? Tama ba ang walang pasubaling paga-
akusa? Tama din ba ang pagpapataw ng hindi makatarungang
parusa? At tama ba ang hindi makatwirang pagpatay? Maaaring
nabigyan ang mga awtoridad ng matinding kapangyarihang
panatilihin ang kaayusan pero sana naman ay ginagamit nila ito
sa makatwiran at tamang paraan. Ang pagmamalabis sa
kapangyarihan ay walang kapatawaran. Ang mga awtoridad ba na
makakalabag o makagagawa ng bagay na hindi tama ay kanilang
bang pananagutan ang mga kawalang dangal nilang gawain? Ako
ay sang-ayon sa kung paano nila nais panatilihin ang kaligtasan
ng bawat tao ngunit hindi ako sang-ayon sa kung ano ang hindi
nila dapat ginagawa. Mga bagay na nakakapagdulot sa karapatan
ng tao na kahit sabihing ipagsasawalang bahala sa ganitong
pandemya ay mabigyang pansin. Ayon nga sa sinabi ni Atty.
Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng Commission on Human
Rights (CHR), ang paghihigpit ay dapat dinig sumunod sa
pamantayan ng karapatang pangtao upang ito ay naaayon sa
batas. Na sa aking persepsyon ay aking sinasang-ayunan para sa
ikaaayos ng ating lipunan.
Sa mga nangyayari sa ating bansa o mundo, mangyaring
tayong mga tao lalo na ang gobyerno ang syang mamuno sa
ikauunlad ng lahat. Walang sino man ang dapat nakalalamang at
walang sino man ang syang dapat nakaaangat. Sa ganitong
sitwasyon, pagkakaisa at pagtutulungan ang syang dapat
nangunguna. Kasabay ng lahat ng ito ay ang pagiisang tabi ng
sariling interes at pagnanasang makagawa ng masama.

You might also like