You are on page 1of 30

ANEKDOTA

Ang anekdota ay isang maikling


pagsasalaysay ng isang makatawag-
pansin o nakatutuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao na kadalasa’y kilala
o tanyag.
Ang pagsasalaysay ay karaniwang
maikli at ang mga pangyayari ay
maaaring totoong nangyari sa buhay
ng nasabing tao o maaari ding mga
likhang-isip lamang subalit
nahahawig sa katotohanan.
Ang anekdotang hango sa tunay na
buhay ng isang tao ay nagbibigay ng
pagkakataon upang lalo pang
makilala ng mga mambabasa o
tagapakinig ang totoong pagkatao o
ang personal na buhay ng taong
pinatutungkulan nito.
Ang anekdota naming likhang isip at
hindi batay sa tunay na buhay ay
madalas na may paksang katawanan
subalit may taglay na mensaheng
kapupulutan ng aral ng mga
tagapakinig o mambabasa.
Madalas nagagamit ang
anekdota sa pagsulat lalo na
kapag may isang bagay na nais
bigyang-diin ang manunulat
kung saan angkop na angkop
ang mensahe ng anekdota.
Nagagamit ang anekdota
upang makapagbigay
aliw,makapagturo o
makapagbigay aral patungkol
sa isang paksa.
Ang anekdota ay maaari ding
personal na pangyayari sa
buhay ng manunulat o
mananalumpati.
Sa pamamagitan nito maipapasilip
nila ang isang bahagi ng kanilang
buhay na maaaring kapulutan ng
aral o pagnilayan ng mambabasa o
tagapakinig at maiugnay rin sa
paksang tinatalakay.
Naririto ang ilang paalala sa
pagsulat ng sariling
anekdota:
 Alamin mo ang layunin o
paksang paggagamitan
mo ng personal na
anekdota.
Mula rito’y piliin mo ang
isang pangyayari sa iyong
buhay na angkop na angkop
para sa iyong layunin o
paksa.
 Pakaisiping mabuti ang
mga detalye sa
pangyayaring ilalahad mo
bilang personal nna
anekdota.
Itala ang lahat ng naalala o
natatandaan mo kaugnay ng
ankedota.Balikan bilang isang
larawan ang lahat ng
pangyayari,kung mainit ba noon
o malamig.
Kung nasa loob o labas ka ba ng
mangyari ito,balikan din sa
alaala kung ano ang naging
reaksiyon ng mga taong
nakapaligid sa iyo nang
mangyari ito.
Sa pagsasalaysay nito’y huwag
agad sasabihin ang kasukdulan
dahil mawawala ang pananabik
ng mambabasa o tagapakinig sa
kabuoan nito.
Sa halip na simulant sa “Isasalaysay ko
sa inyo ang pagkawala ng
pinakamamahal kong iPhone4s,” maaari
mong sabihing “Mayroon akong iPhone
4s na ibinigay ng aking ate pagkatapos
ng halos dalawang taon kong
paghihintay na ipasa na niya sa akin at
mag upgrade nna siya.
Sa wakas ay naibigay rin ito
sa akin bilang espesyal na
regalo sa aking
kaarawan.Subalit isang araw
…”
Kapag ibinitin nang ganito ang
kasukdulan o ang tinatawag na
punchline ay tiyak na
mapapanatili ang interes ng mga
mambabasa o tagapakinig na
sundan ang pangyayari.
Tiyakin lang na ang
pangyayaring ilalahad ay
talagang makakukuha sa
atensiyon at magagamit sa
layunin ng pagsulat o pagbigkas.
Iwasang gumamt ng
mabibigat na salitang hindi
agad mauunawaan ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Ang pagsasalaysay ng anekdota ay para
lang pakikipagkwentuhan sa isang
kaibigan tungkol sa isang hindi
pangkaraniwang pangyayari sa iyong
maghapon kaya gumamit ng mga payak
na salitang madaling maunawaan.
Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang
dahilan kung bakit mo inilahad ang
anekdotang ito.Dito nila mauunawaan
at mapahahalagahan kung bakit mo
isinama ang anekdota sa iyong
paglalahad.
Gawin Natin!
Nakapag-iisip ng mga
pangyayari sa buhay na
maisusulat bilang anekdota
Ngayong batid mo na kung anu-ano ang
mga hakbang sa pagbuo ng sariling
anekdota ay isagawa mo ang hakbang
nito,ang pag-alam sa layunin o paksang
paggagamitan nito,at ang pagbabalik
tanaw sa mga detalye ng pangyayari.
Mag-iisip ka ng mga pangayayari
sa iyong buhay kung saan
nakagawa ka ng hindi
inaasahang kabutihan o naging
isa kang accidental hero.
Pakaisipin ang iba’t ibang
sitawasyong nagawa mo ito at
saka isulat ang mga detalye
tulad ng kung kalian
nangyari,saan nangyari ano ang
ibinunga at iba pa.

You might also like