You are on page 1of 13

TULA

Ang panulaan o tula ay isang uri


ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't
ibang anyo at estilo. Pinagyayaman
ito sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay.
Mga Elemento ng Tula
•Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng
isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
•Sukat - bilang ng pantig ng tula.
•Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga
taludtod.
• Hindi buong rima (assonance) - paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
•Kaanyuan (conssonance)
- paraan ng pagtutugma ng tunog na
kung saan ang salita ay nagtatapos
sa katinig.
•Nagpapaganda sa diwa ng tula ang
alin mang paraan ng pagtutugma:
•Mga salitang nagtatapos
sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang
dulumpatig
•Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
•Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng
matatalinhagang salita at tayutay.
• Tayutay - paggamit ng pagwawangis,
pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
•Anyo - porma ng tula.
•Tono/Indayog - diwa ng tula.
•Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula;
una, ikalawa o ikatlong panauhan.
•Anyo - porma ng tula.
•Tono/Indayog - diwa ng tula.
•Persona - tumutukoy sa nagsasalita
sa tula; una, ikalawa o ikatlong
panauhan.
Oh, Pag-ibig
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan
ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo
Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.
Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.
At ang minamahal kungmakakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.
Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y
nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang
pinanggalingan!

You might also like