You are on page 1of 10

Rebisyon ng Papel-

Pananaliksik
Aralin 15
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan ng rebisyon


• Matukoy ang dalawang uri ng rebisyon
• Maunawaan ang mga gabay sa rebisyon
Daloy ng Talakayan

• Halaga ng Rebisyon
• Dalawang Uri ng Rebisyon
• Mga Gabay sa Rebisyon
Halaga ng Rebisyon
• Rebisyon ang pinakahuling proseso sa
produksiyon ng papel-pananaliksik.
• Kailangang maunawaan ng isang
mananaliksik na ang pananaliksik at
pagsulat ay nagpapatuloy na proseso.
• Sa rebisyon, mulat na tinatanggap ng
isang mananaliksik ang posibilidad na ang
isang bahagi ng papel o maaaring ang
buong papel-pananaliksik ay kailangang
muling pag-isipan, baguhin, at isulat.
Halaga ng Rebisyon
• Sa pamamagitan nng rebisyon, natutuklasan ng
mananaliksik ang mga kahinaan sa kaniyang
pagsulat at nakadidiskubre ng mga padron ng
pagkakamali sa gramatika o kaya’y
sistematisasyon ng ideya. Kung matutukoy ito ng
isang mananaliksik, mababago niya ang mga
pagkakamaling ito sa susunod na pagkakaton at
sa proseso ay mas magiging mahusay at
episyenteng manunulat.
• Gayundin, sa rebisyon, nahahasa ang analitikal na
kakayahan sa pagbasa ng isang mananaliksik.
Natututuhan sa proseso ang kinakailangang
pagpapalit ng ilang ideya na nagpapalakas at
nagpapalalim sa mga argumento ng pananaliksik.
Mga Uri ng Rebisyon
• Ang malawakang rebisyon ay may • Maaaring hindi malawakan ang uri ng
kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng rebisyon at mangailangan lamang ng
kabuuang papel. Maaaring may kaunting pagbabago kung isang bahagi
kinalaman ito sa pagdaragdag ng mas lamang ang makitaan ng suliranin.
matibay na mga ebidensiya o kaya’y
pagpapatibay ng mga pangangatuwiran. Maaaring may kakulangan lamang sa
Nagiging suliranin din kung mali ang introduksiyon, pagpapaliwanag ng ilang
tinahak ng kabuuang papel- termino. Sa uri ng rebisyong ito,
pananaliksik at hindi nasagot ang mga mahalagang muling basahin ang papel
layunin o suliranin ng pananaliksik. Sa upang makita kung nakakonteksto sa
uri ng rebisyong ito, maaaring kabuuan ang ginawang pagbabago
magdesisyon ang mananaliksik na
muling isulat ang buong papel kung
mas epektibo ang estrukturang naisip.
Mga Uri ng Rebisyon
• Ang editing ay ang paghahanap ng maliliit na suliranin sa teksto na madaling
masolusyonan gaya ng pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap, pag-aalis o
paglilipat ng talata, at iba pa. Sa bahagi ring ito nirerebisa ang wika ng papel upang mas
maging malinaw, maikli ngunit malaman, at madaling basahin para sa mga mambabasa.
Kadalasang ginagawa ito kung ipapasa ang pananaliksik sa isang journal na may tiyak
na mga kahingian sa pormat.
• Ang proofreading naman ay may kinalaman sa mga pagkakamaling gramatikal,
tipograpikal, at pagbabantas. Kailangang maging maingat sa pagbasa ang mananaliksik
sa bahaging ito dahil tinitingnan ang baybay at tamang gamit ng bawat salita.
Kadalasang nagkakamali ang mga mag-aaral sa gamit ng “ng at nang,” “rito at dito,”
“doon at roon,” at iba pa.
Mga Gabay sa Rebisyon
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel-pananaliksik. Ano ang
pangunahing nais sabihin ng inyong papel? Subuking ibuod ang pangunahing tesis
ng papel at ang mga ebidensiyang ginamit upang mapatunayan ito. Malinaw ba ang
tesis ng papel at may tiyak ba itong pinatutunguhan?
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at kung ano ang
mga layunin nito. Nakamit ba ng papel-pananaliksik ang mga tinukoy na layunin?
Kung para ito sa tiyak na populasyon o grupo ng kalahok, magbibigaylinaw ba ang
pananaliksik sa paksang tinalakay?
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya. Sinusuportahan ba ng kabuuang papel ang
tesis ng iyong pag-aaral? May sapat bang mga ebidensiya at datos upang
mapanindigan ang mga argumento ng papel? Kung gumamit ka ng mga sipi mula sa
kaugnay na literatura at pag-aaral, maayos mo bang natukoy at kinilala ang
pinagmulan nito?
Mga Gabay sa Rebisyon
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik. Lahat ba
ng ideya ay may kinalaman sa pangunahing tesis ng papel? May mga ideya bang
walang kinalaman sa paksa o tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man, kailangan mo
bang baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang ang ideya?

5. Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik. May mga


malabong ideya at pangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika?
Basahin nang malakas ang iyong papel at pakinggan kung may hindi akmang mga
salita at malabong ideya. Alisin ang mga salitang may malabong kahulugan at
maling paggamit.
Mga Gabay sa Rebisyon
6. Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal. May mga pagkakamali ba sa
gramatika, pagbabantas, at pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang
maayos na pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak sa tamang gamit, maaaring
komunsulta sa mga dalubhasa sa wika.

7. Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong


mambabasa. Magkunwang binabasa mo ang pananaliksik ng ibang tao. Ano sa
tingin mo ang mga punto ng kalakasan at kahinaan ng papel? Bakit? Ano sa
tingin mo ang mga magagawa upang mapabuti pa ang iba’t ibang bahagi ng
papel? Madali bang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?

You might also like