You are on page 1of 18

Rebisyon ng Papel-

Pananaliksik
Alucema, Lian g.
Stem c301
LAGRO HIGH SCHOOL
“Rebisyon”
Rebisyon ang pinakahuling
proseso sa produksiyon ng papel-
pananaliksik. Muling
tinatanggap ang posibilidad na
ang isang bahagi ng papel o
maaaring ang buong papel-
pananaliksik ay kailangang
muling pagisipan.
✣Sa pamamagitan ng rebisyon,
matutukoy kung may mga
pagkakamali sa datos na
inilahad o kaya’y makatutuklas
ang mananaliksik ng mga
mabisang paraan ng
presentasyon ng mga ito kung
uli’t muling babalikan at
babasahin ang pananaliksik.
iba’t ibang uri ng rebisyon ayon sa
Odegaard Writing and Research
Center
• Ang malawakang rebisyon ay may
kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng
kabuuang papel. Maaaring may
kinalaman ito sa pagdaragdag ng mas
matibay na mga ebidensya o kaya’y
pagpapatibay ng mga pangangatuwiran.
Sa uri ng rebisyong ito, maaaring
magdesisyon ang mananaliksik na
muling isulat ang buong papel kung
mas epektibo ang estrukturang naisip.
• Maaaring hindi malawakan ang uri ng
rebisyon at mangailangan laman ng
kaunting pagbabago kung isang bahagi
lamang ang makitaan ng suliranin. Sa
uri ng rebisyong ito, mahalagang muling
basahin ang papel upang makita kung
nakakonteksto sa kabuuan ang
ginawang pagbabago.
Editing at
Proofreading
✣Ang editing ay ang paghahanap ng
maliliit na suliranin sa teksto na madaling
masolusyonan gaya ng pag-aalis o
pagdaragdag ng salita o pangungusap,
pag-aalis o paglilipat ng talata, at iba pa.
Sa bahagi ring ito nirerebisa ang wika ng
papel upang maging mas malinaw, maikli
ngunit malaman, at madaling basahin
para sa mga mambabasa.
✣Ang proofreading naman ay may
kinalaman sa mga pagkakamaling
gramatikal, tipograpikal, at pagbabantas.
Kailangan maging maingat sa pagbasa ang
mananaliksik sa bahaging ito dahil
tinitingnan ang baybay at tamang gamit ng
bawat salita. Kadalasang nagkakamali
ang mga mag-aaral sa gamit ng “ng at
nang” at “dito”, “doon at roon”, at iba pa.
Mga Gabay sa Pagsasagawa ng
Rebisyon
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng
papel-pananaliksik.
Ano ang pangunahing nais sabihin ng
inyong papel? Subuking ibuod ang
pangunahing tesis ng papel at ang mga
ebidensyang ginamit upang mapatunayan
ito. Malinaw ba ang tesis ng papel at may
tiyak ba itong pinatutunguhan?
2. Tukuyin kung sino ang mga
mambabasa ng pananaliksik at kung
ano ang mga layunin nito.
Nakamit ba ng papel-pananaliksik ang
mga tinukoy na layunin? Kung para ito sa
tiyak na populasyon o grupo ng kalahok,
magbibigay-linaw ba ang pananaliksik sa
paksang tinalakay?
3. Tasahin ang iyong mga ebidensya.
Sinusuportahan ba ng kabuuang papel ang
tesis ng iyong pag-aaral? May sapat bang
ebidensya at datos upang mapanindigan
ang mga argumento ng papel? Kung
gumamit ka ng mga sipi mula sa kaugnay
na literature at pag-aaral, maayos mo bang
natukoy at kinilala ang pinagmulan nito?
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang
punto ng pananaliksik.
Lahat ba ng ideya ay may kinalaman sa
pangunahing tesis ng papel? May mga
ideya bang walang kinalaman sa paksa o
tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man,
kailangan mo bang baguhin ang tesis ng
pag-aaral o alisin na lamang ang ideya?
5. Pakinisin ang gamit ng wika sa
kabuuan ng papel- pananaliksik.
May mga malabong ideya at pangungusap
ba dahil sa hindi maayos na gamit ng
wika? Basahin nang malakas ang iyong
papel at pakinggan kung may hindi
akmang mga salita at malabong ideya.
Alisin ang mga salitang may malabong
kahulugan at maling paggamit.
6. Alisin ang mga pagkakamaling
gramatikal.
May mga pagkakamali ba sa gramatika,
pagbabantas, at pagbaybay? Kung may
pagkakamali, tiyakin ang maayos na
pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak
sa tamang ginamit, maaaring komunsulta
sa mga dalubhasa sa wika.
7. Baguhin ang punto de bista mula sa
pagiging mananaliksik tungong
mambabasa.
Magkunwang binabasa mo ang
pananaliksik ng ibang tao. Ano sa tingin
mo ang punto ng kalakasan at kahinaan ng
papel? Bakit? Ano sa tingin mo ang mga
magagawa upang mapabuti pa ang iba’t
ibang bahagi ng papel? Madali bang
maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?

You might also like