You are on page 1of 5

MODYUL SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Quarter 1 Week 6 STRAND: ABM/HUMSS/ STEM


TIME: 9:30-10:45/11:00-12:25/1:00-2:15 LEVEL: G12

ARALIN 6: Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin

Abstrak
Ito ay maikling lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya, o anumang may
lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina.

Akademikong Literatura
Ito ay gumagamit ng abstrak sa halip na kabuuan ng komplikadong pananaliksik.

Apat na Elemento ng Akademikong Abstrak:


1. Ang tuon ng pananaliksik (Paglalahad ng Suliranin
2. Ang metodolohiya ng pananaliksik na ginamit (palarawang pananaliksik, kasong pag-aaralan)
3. Ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik
4. Ang pangunahing konklusyon at mga rekomendasyon
Nirestrukturang Abstrak
Ito ay madalas na lohikal ang pagkakaayos at may mga kaugnay na paksa na: Kaligiran,
Introduksyon, Layunin, Metodolohiya, Resulta at Konklusyon.

Di-nerestrukturang Abstrak
Ito naman ay binubuo ng isang talata na di gumagamit ng mga kaugnay na paksa.

URI NG ABSTRAK
 Impormasyon (Informative) o Abstrak(Complete)
Ito ay may lagom ng nilalaman kasama ang mga kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at
konklusyon.
 Deskriptibong abstrak (descriptive) o Indikatib Abstrak
Ito ay nagbibigay ng deskripsyon sa saklaw nito pero hindi nagtutuon sa nilalaman nito.
SENTISIS
 Ito ay nangangahulugang pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t-ibang pinanggalingan
sa isang sanaysay o presentastyon.
 Ito ay resulta ng integrasyon ng iyong narinig, nabasa at ang kakayahan mong magamit ang
natutuhan upang madebelop at masuportahan ang iyong pangunahing tesis o argumento.
Paano Sumulat ng Sentisis
1. Pumili ng paksa sa talaan na pinagsama-sama.
2. Bumuo ng tesis. Kung nagbigay ng tanong, magbigay rin ng pansamantalang sagot.
3. Magbigay ng di bababa sa tatlong aklat na binasa sa klase at bigyang pansin ang tema o
tanong na ibig mong bigyang tuon.
4. Basahin nang Mabuti ang bawat sanggunian at lagumin ang mga pangunahing ideya.
5. Suriing Mabuti ang sanggunian para matukoy ang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
6. Suriing Mabuti ang sanggunian para matukoy ang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
7. Bigyang-pansin ang mga ideya at hindi ang manunulat ng mga ideya.
8. Inererekomendang gumamit ng mga tuwirang sipi. Siguruduhin na isinaalang-alang ang
nilalaman at pagsulat.
9. Hangga’t maaari gumagamit ng makatotohanang halimbawa na sumusuporta sa iyong
pangkalahatang argumento.
10. Sa konklusyon, lagumin ang iyong pangunahing tesis at mga binabalangkas na tanong na
mananatiling bukas o isyu na maaari pang saliksikin.
Kaayusan
1. Ang haba ng iyong papel ay lima hanggang pitong pahina na may palugit. Hindi
kasama rito ang iyong bibliyograpiya.
2. Maging consistent sa paggamit ng bibliographic references: isama ang bilang ng
pahina para sa tuwirang-sabi. Itala ang lahat ng mga binanggit sa katapusan ng iyong papel.
3. Huwag susulat ng palimbag. Alalahanin ang gamit ng bantas. Pahalagahan ang
gamit ng malaki at maliit na titik. Sumulat nang malinaw at malinis.
4. Sa paggamit ng tuwirang-sabi para suportahan ang iyong ideya, siguraduhin
na hindi naman ito masyadong marami. Kung ang tuwirang-sabi ay tatlong linya lamang o mas
mababa pa, huwag nang gawing indented manapa, isama na
lamang ang teksto ng iyong papel.
5. Huwag gumamit ng unang panauhan.
6. Pag-ugnayin ang mga ideya sa pamamagitan ng mga pangatnig at pang-ukol.
7. Gumamit ng panahon sa pagbabalangkas, pagbubuo at pag-eedit ng iyong papel.
Maaari rin namang humanap ng gagawa nito para sa iyo.

Ang balangkas ay talaan ng mga aytem na isinaayos batay sa consistent na simulain. Ang bawat
aytem ay maaaring hatiin sa karagdagang mga kaugnay na aytem.
Maaari ring sabihin na ito ay talaan na isinaayos upang ipakita ang hirarkikal na ugnayan at tipo ng
estrukturang parang puno.
Ito ay ginagamit upang ilahad ang mga pangunahing puntos o paksa ng isang asignatura. Ang
paghahanda ng balangkas ay pangunahing hakbang sa proseso ng pagsulat ng iskolarling papel pananaliksik,
rebyu, tesis, o disertasyon.

Uri ng Balangkas
Ang balangkas na pangungusap ay binubuo ng mga pangungusap. Ang bawat isa nito ay maaaring
panimula o payak na pangungusap tungkol sa paksa ng balangkas.
Madalas na ito ay ginagamit sa pagpaplano ng pagbuo ng aklat, kuwento, at sanaysay. Ang
papaksang balangkas ay binubuo naman ng mga paksa. Ang bawat isa ay kaugnay na paksa ng tinatalakay sa
balangkas.
Ang mga madalas paggamitan nito ay ang pangkalahatang pananaw sa kurso sa kolehiyo na
naglalarawan sa lawak ng kurso. Ganoon din ang balangkas sa paksa sa encyclopedia. Mayroon ding
balangkas na patalata kung saan gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling buod
upang ipaliwanag ang bawat paksa.
Ang balangkas ay maaaring pinangungunahan ng roman numerals, malaking titik, arabic numerals,
at maliit na titik.
Paano Gumawa ng Balangkas
1. Base sa lohikal na pagkakaayos ng ideyang ginagawa sa sintesis, hatiin ang mga ideya ayon sa
kanilang paksa. Maaaring magsimula sa tesis.
2. Ang mga nahating ideya ay magiging mga pangunahing paksa ng papel. Ang mga ito ay
ginagamitan ng roman numerals o malaking titik.
3. Magbigay ng mga ideyang sumusuporta sa bawat pangunahing paksa. Siguraduhing ang mga ito
ay nakatutulong maintindihan ang pangunahing paksa. Ang mgasuportang ideya ay ginagamitan ng arabic
numeral o maliit na titik.
4. Ang mga suportang ideya ay maaaring lagyan ng mga espesipikong ideya sa ilalim nito, kung
kinakailangan.
Layunin ng Pagbabalangkas
Ginagamit ang pagbabalangkas:
1. Upang malaman kung naunawaang mabuti ang aralin
2. Upang maisaayos nang mabuti ang mga ideya
3. Upang makatulong sa pagtuklas ng mga kailangan pang impormasyon/tala
4. Upang maging patnubay sa pag-aaral
5. Upang makatulong sa paghahanda at pagbibigay ng mga ulat

Inihanda ni:
Bb.Aiza Serrano Oreta
Guro sa Filipino

Isinuri ni:
Fruit Roberts Godoy, R.N., MA.ED.
Punong-Guro ng Senior High School/Tagapamahala ng Pananalapi

MODYUL 6
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Quarter 1 Week 6 STRAND: ABM/HUMSS/ STEM


TIME: 9:30-10:45/11:00-12:25/1:00-2:15 LEVEL: G12

ARALIN 6: Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin

PANGALAN: _______________________________________

INDIBIDWAL NA AKTIBIDAD 6
Masid-Danas: Pumili mahalaga at kawili-wiling paksa. Manaliksik ng mahalagang impormasyon
ukol dito. Gumawa ng balangkas base sa napiling paksa. Pumili lamang ng isang paraan ng
pagbabalangkas. Gawin ito sa isang malinis na papel. Tingnan ang halimabawa ng pagbabalangkas
sa ibaba hanggang sa susunod na bahagi.
I. _____________________________________________________________________________________
A. ______________________________________________________________________________
B. ______________________________________________________________________________
C. ______________________________________________________________________________
II. ____________________________________________________________________________________
A. ______________________________________________________________________________
B. ______________________________________________________________________________
C. ______________________________________________________________________________
1. ________________________________________________________________________
1.1__________________________________________________________________
1.1.1________________________________________________________________
1.1.2________________________________________________________________
1.1.3 _______________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
2.1__________________________________________________________________
2.1.1________________________________________________________________
2.1.2________________________________________________________________
2.1.3 _______________________________________________________________

KASUNDUAN:
PAGSASANAY 8
Suri-Lapat: Magsaliksik ukol sa mga kaugnay ng sining, kababaihan, ekonomiya, edukasyon, at iba
pa. Gawan ito ng abstrak at sentesis.

Abstrak:
Sentesis:

Inihanda ni:
Bb.Aiza Serrano Oreta
Guro sa Filipino

Isinuri ni:
Fruit Roberts Godoy, R.N., MA.ED.
Punong-Guro ng Senior High School/Tagapamahala ng Pananalapi

You might also like