You are on page 1of 28

Filipino sa Piling

Larangan
(Akademik)
Christian George C. Francisco at Mary Grace H. Gonzales 2017 (Rex BooksStore)
Pagsulat ng Iba’t ibang
uri ng Paglalagom At
Pagsulat ng Abstrak
LAYUNIN:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang
mga kasanayang pampagkatuto:

1.Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng


pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
2.Nasusuri ang kahulugan at kalikasana ng pagsulat
ng iba’t ibang uri ng Paglalagom.
3.Naibabahagi ang dating kaalaman sa Paglalagom.
4.Nakikilala ang iba’t ibang uri ng paglalagom at
nakasusulat ng maayos.
Isa sa mga kasanayang dapat
matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang
kakayahang bumuo ng isang paglalagom o
buod. Ang Lagom ay ang pinasimple at
pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinnumang
bumabasa o nakikinig ang kabuoang
kaisipang nakapaloob sa paksang
nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa
nahuhubog ang kasanayang maunawaan at
makuha ang pinakanilalaman ng isang
teksto ay marami pang ibang kasanyan ang
nahuhubog sa mga mag-aaral habang
nagsasagawa ng paglalagom.
Una, Natutuhan ang pagtitimbang – timbang ng
mga kaisipang nakapaloob sa binasa. Natutukoy niya
kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob
ditto at gayundin ang mga pantulong na kaisipan.
Tandaan sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy
ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.

Pangalawa, Natutuhan niyang magsuri ng


nilalaman ng kanyang binasa. Natutukoy niya kung alin
sa mga kaisipan omga detalye ang dapat bigyan ng
malalim na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung alin
naman ang hindi gaanong importante.
Pangatlo, Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa
pagsulat particular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa
talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad
nang malinaw, hindi maligoy, o paulit-ulit.

Pang-apat, Ito rin ay makatutulong sa pagpapaunlad o


pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay
importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong ibubuod.

Bukod sa kasanayang ito ay magiging kapaki-


pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang
Malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon.
Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa
kasalukuyan, at ang marami ay laging parang
nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o
puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa
ng maiikling sulatin na kalimitan ng pinakabuod ng
isang mahabang babasahin, teksto, o pag-aaral.
Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at
pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang
paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas
gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba’t ibang
uri ng propesyon.
Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matutuhan
pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak,
sintesis o buod, at bionote.
Base sa aklat naman ni Dr. Imenda P.
De Castro et. Al (1999) sa kanilang Filipino
sa iba’t ibang disiplina, binanggit nila na ang
paggamit ng buod ay mainam na
pangongolekta ng ng datos. At ang
paobubuod o tinawag din nilang
pagkokompres ay maaaring makita sa mga
sumusunod na paraan na hindi nawawala
ang diwa.
1. Lagom
Sinusulat sa sariling pangungusap ang
kalamnan ng bahagi ng babasahin. Maikli ngunit
hindi kailangang mabawasan ang tunay na
kahulugan ng orihinal. Pinaikli lamang ito upang
ang diwang tinataglay ay mapanatili pa ring
naroroon.
2. Tuwirang Sipi

Ito ay tiyak at tuwirang pagkuha ng


mga pahayag o salita ng awtor.
Ikinukulong ito sa panipi.
3. Hawig
Ang hawig ay Isang malayang
pagpapahayag ng mga kaisipan at pananalita ng
iba upang ipaliwanag ang nilalaman ng orihinal.
Binibigyan ng pakahulugan ang gawa ng iba.
Nagpapaliwanag ito ng isang may kahirapang
bahagi ng isang akda. May mga pagdaragdag
ditto upang maliwanagang mabuti ang nilalaman
ng orihinal. Kailkangan gumamit ng magagaan
at madaling maunawaang pananalita sa
pagsulat ng hawig.
4. Presi
Pinananatili unahing kaisipan at
pananaw ng sumulat ng orihinal na teksto.
Hindi pinapasukan ng sariling opinyon o
palagay ng naglalagom. Sa presi ay kailangan
ang maingat nap ag-unawa sa binasa.
5.Pagpapakahulugan
Ibinibigay ang sariling pang-unawa sa binasang teksto.

Ito ay pagbibigay ng kahulugan sa kung paano naiintindihan ang


orihinal. Walang hustung-hustung pagpapakahulugan. lalong
walang maling pagpapakahulugan lalo’t kung ang pagbabatayan
ay ang kakayahan ng utak. Iba ang pagpapakahulugan ng bata
sa matanda, ng aral at di-aral, ng edukado o mal-edukado.
Maaaring ang pagpapakahulugan ay malalim o mababaw,
depende sa tanaw, isip, natutunan, naobserbahan, nadama,
naranasan, nabasa ng tao. Alalaung-baga, sa tayog ng kanyang
– isip.
Paraan ng pagbubuod:

1. Kung ikaw ay 2. Pagkatapos mo


magbubuod itong basahin ay
basahin mo muna alamin mo kung
pakinggang ang ano ba ang
isang teksto na pinaka paksa ng
nais mong gawan iyong nabasa,
ng buod. napakinggang o
napanood.
Paraan ng pagbubuod:

3. Pagkatapos na 4. Iwasan ng
matipon lahat ng maglagay ng
mahahalagang mga detalye
impormasyon ay
katulad ng mga
maari mo ng
pasimulan ang
halimbawa at
paggawa ng ebidensya
buod,
Paraan ng pagbubuod:

5. Mainam na 6.Gayunpaman,
gumamit ng at bilang
mga salita na pangwakas.
nagbibigay 7.Huwag ka ring
transisyon sa magsisingit ng
mga ideya mga opinyon.
katulad ng Kung
gayon,
Abstrak
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyemtipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatos ng title page o pahina ng
pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod
ng buong akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman sa
kanyang aklat na How to Write an
abstract (1997), bagama’t ang abstrak
ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahalagang elemento bahagi ng
sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na
literature, metodolohiya, resulta, at
kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon
sapagkat ito ay naglalaman ng
pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin
o ulat.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak

Bilang bahagi ng alituntunin


ng pagsulat ng mga akdang pang-
akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na
01 makikita sa kabuuan ng papel: ibig
sabihin, hindi maaaring maglagay
ng mga kaisipan o datos na hindi
binanggit sa ginawang pagaaral o
sulatin.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak

Iwasan din ang paglalagay


ng mga statistical figures o table sa
abstrak sapagkat hindi ito
02 nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging
dahilan para humaba ito.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak

Gumamit ng mga simple,


malinaw, at direktang mga
03 pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak

Maging obhetibo sa
pagsulat. Ilahad lamang ang
04 mga pangunahinh kaisipan at
hindi dapat ipaliwanag ang mga
ito.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak

Higi sa lahat ay gawin


lamang itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan
05 mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral na
ginawa.
Mga mahalagang hakbang sa
pagsulat ng abstrak

Ang abstrak ang bahagi ng


akademikong papel o ulat na
pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga
propesor o mga eksaminer ng panel.
Kaya naman, napakahalagang maging
maingat sa pagsulat nito. Narito ang
mga hakabang na maaaring gamitin sa
pagsulat ng abstrak.
Mga mahalagang hakbang sa pagsulat ng
abstrak

2. Hanapin at isulat 3. Buoin, gamit ang


1. Basahing ang mga mga talata, ang
mabuti at pag- pangunahing mga pangunahing
aralan ang kaisipan o ideya ng kaisipang taglay ng
papel o bawat bahagi ng bawat bahagi ng
akademikong sulatin mula sa sulatin. Isulat ito
sulatin na introduksyon, ayon sa
gagawan ng kaugnay na pagkasunud-sunod
literature, ng mga bahaging
abstrak. metodolohiya, ito sa kabuoan ng
resulta, at papel.
kongklusyon.
Mga mahalagang hakbang sa pagsulat ng
abstrak

4. Iwasang 5. Basahing muli


maglagay ng ang ginawang 6. Isulat ang
mga abstrak. Suriin pinal na sipi
ilustrasyon, kung may
graph, table, at
nito.
nakaligtaang
iba pa maliban mahalagang
na lamang kaisipang dapat
kung sadyang isama rito.
kinakailangan.
TANDAAN
Maraming uri ang mga sulatin na ating
nababasa, isa na rito ay ang abstrak na
sulatin. Ang abstark na sulatin ay
kadalasang tinatawag na akademikong
sulatin..Kadalasan ito ay ginagawa ng mga
mag-aaral bago sila matapos ng kanilang
mga asignatura. Thesis paper ang madalas
na itawag dito. Mababasa sa mga thesis na
ito ang mga pag-aaral, pananaliksik at
pagkakalap ng mga datus at mga tala na
kapakipakinabang para sa napiling
diskusyon.
Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na
sulatin sa paglilimbag ng mga datus na kanilang
nakakalap mula sa kanilang mga
pananaliksik.Ginagamitan pa itong mga
dokumentaryo para mas maipahiwatig ng mga
siyentipiko ang aral na g a mga sumusulat ng
kanilang mga personal na journal, at mga , abstrak
rin ang uri ng sulatin na kanilang ginagamit.Ang
mga personal na journalay gumagamit lamang ng
mga maiiksi ngunit may kompletong inpormasyon
sa kanilang mga sulatin.Samantalang ang mga
mananaliksik ay gumagamit ng mga kompletong
detalye at tala para sa kabuuan ng kanilang mga
pag-aaral. (https://takdangaralin.ph/abstrak/)

You might also like