You are on page 1of 3

INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ngayo’y nasa Grade 11 ka na at malapit nang tumuntong sa kolehiyo. Kaya naman, mahalagang mahasa
pang lalo ang kakayahan mo sa pananaliksik at pagsulat ng sulating pananaliksik na inaasahan sa iyo sa
pagtatapos ng yunit na ito. Ito rin ay bilang paghahanda sa higit pang maraming kaugnay na gawain sa susunod
na mga antas ng pag-aaral. Katunayan, sa susunod na semester ng Grade 11 ay isang pananaliksik tungkol sa
napapanahong paksa ang inaasahang mabubuo mo. Hindi lang habang nag-aaral ka mahalaga ang kakayahang
ito sapagkat maraming tranaho at lahat halos ng negosyo ay nangangailangan ng pananaliksik kaya naman,
bilang paghahanda, ating tatalakayin ang introduksiyon sa pananaliksik para sa araling ito. Maikling
introduksiyon lang sa pananaliksik ang pahapyaw na tatalakayiın sa araliıng ito upang maihanda ka sa
inaasahang pagganap para sa yunit na ito. Sa ikalawang aklat ng seryeng ito ay isang buong yunit ang inilaan
upang matalakay nang mas malaliman ang mga hakbang ng pananaliksik tungo sa pagbuo ng sulating
pananaliksik.

Maraming tao ang nagtuturing sa pananaliksik bilang isang mahirap na gawain subalit mapatutunayan mong
mapadadali at mapagagaan ang pagbuo nito kung patuloy kang magsasanay. Maging ang mga taong mahuhusay
at bihasa na sa gawaing ito ay nagsimula rin sa unti-unting pagkatuto. Kakailanganin mo rıg ibayong sipag,
pagsasanay, at kagustuhang matuto o matuto mula sa mga naunang pagkakamali at marahil, ang
pinakamahalaga sa lahat ay ang pagiging matiyaga upang maging matagumpay sa pagbuo ng sulating
pananaliksik.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK

1. Pagpili ng Mabuting Paksa

Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay
na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral kung malinaw sa
kanya ang nais ipagawa ng guro at ang layunin para sa gawain. Huwag mahiyang magtanong kung sakaling
may ilang bagay na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang naunawaan ng mag-aaral ang kanyang gagawin
ay magiging mas madali na ang pagbuo nito at maitutuon na niya ang pansin sa mahusay na paghahanda para sa
paksang tatalakayin sa gawain.

ANG PAKSA

Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik.
Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin. Minsan ay nagbibigay na ang guro ng ilang paksang maaaring
pagpilian ng mga mag-aaral. Ito ay mga paksang inaakala niyang magiging İnteresado at kakayanin ng mga
mag-aaral. Gayumpaman, kung ang naiisip mong paksa ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling
lumapit sa guro at ilahad ang iyong ideya. Dahil baguhan ka pa lamang sa gawaing it0 ay
mangangailangan ka ng gabay mula sa isang taong may malawak nang kaalaman at makapagsasabi kung ang
paksang naiisip mo ay posibleng maisagawa ng isang mag-aaral na tulad mo sa haba o lawak ng panahong
nakalaan.

Naririto ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang
susulatin:

 Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kayå sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng
ukol dito?
 Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?

 Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?

 Kåya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?

 Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak
ang paksang napili ko?

Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na nga ang pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka
nang magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)


Kapag napagpasiyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng
posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang tanong na maaaring
gumabay o magbibigay direksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.

 Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong magpapatunay sa
pinapanigan kong posisyon?

 Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat ko? Sino pa kayå ang
makababasa? Ano kayå ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?

 Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat ang kagamitan o sanggunian
upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking Pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Kakailanganin mong bumisita sa mga akiatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maaari ding
makakuha ng mga impormasyon mula sa Internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga talang
makukuha

materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong cat•d ng bibliyograpiya upang
maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang
kakailanganin sa iyong susulatin. Basahing mabuti at mula sa mga Ito ay magtala ng mahahalagang
impormasyong magagamit sa susulatin.

Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga talå. Gumamit ng index card na mas malaki kaysa sa
ginamit mo sa bibliyograpiya para mapagiba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas
malaking card. Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang talå. Kung kukulangin ang isang index card ay
maaaring magdagdag pa ng ibang card. Maaaring gamitin ang pormat sa ibaba para sa iyong mga talå:

buod.

Tuwirang sinipi kung ang talå ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at
dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito mababasa. Buod kung ito'y
pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito'y maikli subaljt nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang pinakagnadalas garnitin sa pagkalap ng talå.

ve Jjawig kung binago låjnang ang Inga pananalita subalit nananatili ang

pagkakahawig sa orihinal,

6. Paghahanda ng Iwinasiong BajangKas o Final Outline

Dito na susuriing mybuti ang inihandang tentatibong balanglsas upang matiyak kung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin. Maaari
nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng
iyong borador.

Pagsulat ng Borador o Rough Draft

Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng talâ ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong
borador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksiyon na kababasahan ng
mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan ng pinalawig o nalamnan nang
bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa
iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang
na ang wikang gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika;
pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhap.
Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

1-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan. ng
pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsulat, at
angkop na talababa ofootnote. Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda na rin ang
paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.

Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag kalilimutang magbigay ng
pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya. Mahalaga ang
talababa sa pagbibigay-kahulugan sa isang bahagi ng sulating pananaliksik na nangangailangan ng karagdagang
paliwanag.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:

Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan, web site,
at iba pa.

Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang

apelyido bilang basehan.

Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba't ibang.estilo ng nito. Kung ang napiling estilo ay American
Psychological (APA), maaaring sundan ang sumusunod napattern para maisulat ang ginamit na sanggunian.
Para sa Inga Aklat

Apelyido ngAwt0r, pangalan ngAwtor. (Taon ng

Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.


Para sa mga Artikulo sa Payahagan o Magasin

Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o
Magasin, Paglilimbag (Isyu pahina

Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet

Awtor. (Petsa ng Publikasyon) "Pamagat ng Artikulo o Dokumento." Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung
kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa htip://.

Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

Pàgkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng
isang mainam na sulating pananaliksik I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Sungguniun:

Baker, Jack Raymond al Allen Brizee (Pebrero 21, 2013) "JVriting a Research Paper." Online H'riling Lab.
Accessedciugwsl 7, 2015. hltps:howl. englohpurdu e edu/ovcŒresource/658f)l/

You might also like