katangian ng mga personalidad na ito? Anong uri ng impluwensya mayroon ang mga personalidad na ito lalo na sa mga kabataang tulad mo? Tekstong Nanghihikayat Ang tekstong nanghihikayat ay… - naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa. -nakabatay ito sa opinyon at ginagamit upang maimpluwensiyahan ang paniniwala, pag-uugali, intensiyon, at paninindigan ng ibang tao. - isanguri ng di piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. -ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Halimbawa: Mga patalastas TALUMPATI Nilalaman ng Tekstong Nanghihikayat 1.Malalim na pananaliksik 2.Kaalaman sa posibleng paniniwala ng mambabasa 3.Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu Mga Elemento ng Tekstong Nanghihikayat
Aristotle – isa sa mga
pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat. Tatlong Elemento ng Panghihikayat 1. Ethos: Karakter, Imahe o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita *ethos (Griyego)- nauugnay sa salitang etika ngunit angkop sa salitang imahe. *magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita o ng mambabasa ang manunulat. 2.Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/Tagapagsalita logos- tumutukoy sa pangangatwiran nangangahulugan ding panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. 3. Pathos: Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig Elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig Naniniwala si Aristotle na ang wastong pagkakaroon ng tatlong elemento ng panghihikayat na ethos, logos at pathos ay mabisang paraan upang mahimok ang mga mambabasa o tagpakinig na maunawaan at paniwalaan ang palagay o panig ng usapin, o mapabili ng kanilang produkto. Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat Kredibilidad ng may-akda Nilalaman ng teksto Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat Bisa ng panghihikayat ng teksto Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat 1. Pag-aralan ang target na tagapakinig o mambabasa. 2. Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na teksto. 3. Magsaliksik. TANDAAN Kahit pa ang pangunahing elemento ng panghihikayat ay ang pag-apela sa emosyon, responsibilidad pa rin ng manunulat o mananalita na ibigay ang WASTO at TOTOONG impormasyon at magkaroon ng KREDIBILIDAD. Maraming Salamat sa Pakikinig!!!