You are on page 1of 4

(MODULAR DISTANCE LEARNING)

Ang Tekstong Persuweysib

Gawain

Isaliksik ang mga sumusunod at isulat ang kahulugan ng mga ito.

1.Ethos
2.Phatos
3.Logos

Ang Tekstong Persuweysib Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o

mangumbinsi sa babasa ng teksto. Layunin ng tekstong persuweysib o nanghihikayat na
umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad. Layunin ng tekstong nanghihikayat ay naglalayong
manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa. Ang tekstong persuweysib o nanghihikayat ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang kaniyang paniniwalaan at pagkiling tungkol sa isang
isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Inilarawan ng Griyegong
pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang
sumusunod:

1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang ethos
ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang
“Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung
kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang
manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may
pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin. Sa
kasalukuyan, nararapat na ring idagdag ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan
sa paksang kaniyang ipinaliliwanag.

Halimbawa:

Ang isang artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang

Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat
gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may
katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa
ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya
gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive).
Ngunit para sa karaniwang tagapakinig, kung minsan ay hindi gaanong nakahihikayat ang
masyadong siyentipiko o teknikal na pagpapaliwanag, kaya nauuwi ito sa pangangatwirang
retorikal sa halip na lohikal.

Halimbawa:
Ang isang taong naghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay
makakaputi.

3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na

tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao
na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiyang mga
emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Kaya naman marami sa mga
pahayag pampulitika at mga patalastas ay gumagamit ng ganitong paraan upang makuha ang
ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin, o mapabili ng kanilang produkto.

Halimbawa:

Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan
upang mahikayat silang pumanig sa manunulat. Naniniwala si Aristotle na ang wastong
pagkakaroon ng tatlong elemento ng panghihikayat na ethos, logos, at pathos ay mabisang
paraan upang mahimok ang mga mambabasa o tagapakinig namaunawaan at paniwalaan ang
palagay o panig ng mambabasa o tagapagsalita. Sa kabila nito, mahalaga pa ring isaalang-
alang ang etika ng panghihikayat. Hindi wasto na mas pahalagahan ang pathos o ethos at
tuluyang kaligtaan ang logos. Kahit pa ang pangunahing elemento ng panghihikayat ay ang
pag-apela sa emosyon, responsibilidad pa rin ng manunulat o mananalita na ibigay ang wasto
at totoong impormasyon at magkaroon ng kredibilidad.

Gawain:
Sagutin ang bawat sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa bawat
katanungan at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng tekstong persuweysib?

2. Bakit sinasabing subhetibo ang tono ng tekstong persuweysib?

3. Saan karaniwang ginagamit ang tekstong persuweysib?

You might also like