You are on page 1of 13

MODYUL 4

Tekstong Nanghihikayat

o Persweysib
Iba’t Ibang Uri ng Teksto
• Tekstong Impormatibo
• Tekstong Deskriptibo
• Tekstong Nanghihikayat
• Tekstong Naratibo
• Tekstong Argumentatibo
• Tekstong Prosidyural
Tekstong Nanghihikayat
• may layuning umapela o mapukaw ang damdamin ng
mambabasa upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na
umayon sa ideyang inilalahad
• may layuning manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng
pagkuha ng damdamin o simpatya ng mambabasa
• nakabatay sa opinyon at ginagamit upang maimpluwensya ang
paniniwala, pag-uugali, intensiyon, at panindigan ng ibang tao
• mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at ang karakter ng
nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebidensya at katwiran
Mga Halimbawa ng Tekstong Nanghihikayat
• Talumpati
• Patalastas
Pilosopong
naniniwala sa Ethos
kahalagahan ng (karakter)
panghihikayat

Elemento ng Logos
Aristotle
Panghihikayat (lohika)

Pathos
(emosyon)
Mga Elemento ng Panghihikayat
1. Ethos (ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng
Manunulat/Tagapagsalita)

- salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na


itong angkop ngayon sa salitang imahe
- ginamit ni Aristotle upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig
- magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng
tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat
Ethos
Tandaan:

Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang


tagapagsalita ay kilalang may magandang pag-uugali,
maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda
ang hangarin.
Mga Elemento ng Panghihikayat
2. Logos (ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng
Manunulat/Tagapagsalita)

- salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran


- nanganghulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na
kaalaman (tumutukoy sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung
may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala
ang tagapakinig na ito ay totoo)
- retorikal na pangangatwiran (pabuod/deductive, at
pasaklaw/inductive)
Logos
Tandaan:
Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa
lohika at pagiging makatwiran.
Ngunit para sa karaniwang tagapakinig, kung
minsan ay hindi gaanong nakahihikayat ang
masyadong siyentipiko o teknikal na
pagpapaliwanag, kaya nauuwi ito sa
pangangatwirang retorikal sa halip na lohikal.
Mga Elemento ng Panghihikayat
3. Pathos (ang Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig)

- tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o


tagapakinig
- emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang
isang tao (kaya naman marami sa mga pahayag pampulitika at
mga patalastas ay gumagamit ng ganitong paraan upang makuha
ang ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin, o
mapabili ng kanilang produkto)
Pathos
Tandaan:
May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling
desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng
ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang
impluwensiya ng mga emosyon kagaya ng galit, awa,
at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga.
Elemento ng Panghihikayat
Tandaan:
Mahalaga ang pagsasaalang-alang ng etika ng
panghihikayat. Hindi wasto na mas pahalagahan ang
pathos o ethos at tuluyang kaligtaan ang logos. Kahit
pa ang pangunahing elemento ng panghihikayat ay
ang pag-apela sa emosyon, responsibilidad pa rin ng
manunulat o mananalita na ibigay ang wasto at
totoong impormasyon at magkaroon ng kredibilidad.
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat

• Kredibilidad ng May-Akda
• Nilalaman ng teksto
• Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat
• Bisa ng panghihikayat ng teksto

You might also like