You are on page 1of 10

Aralin 4:

Tekstong Persuweysib
Ano ang tekstong persuweysib?
Ang tekstong persuweysib ay nagpapahayag ng may layuning mahikayat ang mambabasang makiayon
o tanggapin ang pananaw ng manunulat. Mabibilang dito ang advertisement, sanaysay na political,
editoryal, brochure, catalog, at mga kauri nito.

Tekstong Nanghihikayat- ito ay naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha


ng damdamin o simpatya ng mambabasa. Nakabatay ito sa opinion at ginagamit upang
maimpluwensiyahan ang paniniwala,pag-uugali, intensiyon, at paninindigan ng ibang tao. Kung minsan
ay hindi isinasaalang-alang ang kasalungat na pananaw. Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at
ang karakter ng nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebidensiya at katwiran.

● Ilang halimbawa ng mga akdang gumagamit ng tekstong nanghihikayat:


● Talumpati
● Mga patalastas
Mga Elemento ng Tekstong Persuweysib
Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong
angkop ngayon sa salitang “imahe.” Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang
karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig.

Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/Tagapagsalita

Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatuwiran. Nangangahulugan din


itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal
ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.

Pathos: Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig


Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon
dahil mayroon siyang pag-iisp at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-
iisip.
“naniniwala na ang wastong pagkakaroon ng tatlong elemento ng
panghihikayat na ethos, logos, at pathos ay mabisang paraan upang
mahimok ang mga mambabasa o tagapakinig na maunawaan at paniwalaan
ang palagay o panig ng mamababasa o tagapagsalita. ”

—Aristotle
May dalawang anyo ang Tekstong Persuweysib:

Commercial Noncommercial
ang anyong ito ang ginagamit ito naman iyong higit
ng mga kompanya upang i- na pormal na
promote ang kanilang mga panghikayat tulad ng
produkto tulad ng mga mga manipesto,
advertisement. editorial, mga
adbokasiya at iba
pang kauri nito.
Ilang mga babasahin ang
maituturing na epektibong paraan
upang makapanghikayat ng
mambabasa.

● Editoryal- isang uri ng babasahing persuweysib na matatagpuan sa mga pahayagan Ito


ay isinusulat ng patnugot upang hikayatin ang mambabasa na maniwala sa mga kuro o
pananaw na kaniyang inilahad batay sa isang napapanahong isyu.

● Talumpati- isinulat upang bigkasin sa madla, ay halimbawa rin ng teksto na ang


pangunahing layunin ay makapanghikayat.

● Kolum sa magasin at pahayagan- nagbibigay ng payo sa mga mambabasa ay


mabibilang din sa babasahing persuweysib .
● Anunsyong pasulat o adbertisment- ay popular ding halimbawa
ng babasahing persuweysib. Mahalaga ang ganitong teksto sa
isang produkto, serbisyo o anumang gawain.

● Rebyu ng aklat, pelikula, pananamit(fashion), pagkain at iba


pang kaugnay na halimbawa- Naipamamalas ng sumusulat ng
ganitong akda ang talas ng kanilang kaisipan at sensibilidad sa
pagbibigay ng puna sa mga kahinaan at kalakasan ng kanilang
binibigyan ng rebyu.

● Akdang pampantikan- gaya ng tula at sanaysay na nililikha ng


manunulat upang makapanghikayat batay sa personal niyang
saloobin ukol sa isang paksa, ay halimbawa rin ng mapanghikayat
ng teksto.
Pagbubuod
● Mayroong tatlong element ang tekstong nanghihikayat; Ethos, Logos at Pathos.

● Ang tekstong nanghihikayat ay naglalayong manghimok o mangumbinsi sa


pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya ng mambabasa.

● Ilan sa halimbawa ng mga akdang gumagamit ng tekstong nanghihikayat ay ang


talumpati at patalastas.

● Ang pangunahing katangian ng tekstong persuweysib ang mahusay na paglalahad ng


opinion ukol sa isang paksa upang makahikayat.

You might also like