You are on page 1of 3

MODYUL 5: ARALIN 5

Tekstong Persuweysib o Nanghihikayat

ABSTRAKSIYON

Uumpisahan natin ang ating talakayan sa pagtukoy ng mga kahulugan, uri at


elemento ng tekstong Persuweysib o nanghihikayat.

TEKSTONG PERSUWEYSIB O NANGHIHIKAYAT

KAHULUGAN

Sa tekstong perweysib o panghihikayat mayroong dalawang nagtatalaban sa


paraan at proseso nang paggamit ng tekstong ito. Una, nagbibigay ang may-akda ng sapat
na pagpapatunay o katibayan sa paksang tinatalakay upang mahikayat ang mambabasa
na paniwalaan o tangkilikin ito. Layunin ng tekstong ito na kumbinsihin, hikayatin, o
himukin ang mambabasa na suportahan o sang-ayunan ang paksa.

Pangalawa, sa tekstong perweysib o panghihikayat hindi isinasantabi ang pagkuha


ng emosyon, damdamin o simpatya ng mambabasa. Ang paraan ng ibang may-akda ay
nangungumbinsi batay sa opinion at ginagamit upang maimpluwensyahan ang
paniniwala, ugali intensiyon at paninindigan ng mambabasa.

Mga Elemento ng Tekstong Perweysib o Nanghihikayat

Si Aristotle sa sa mga pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.


Ayon sa kaniya may tatlong element ang panghihikayat- ethos o karakter; logos o lohika;
at pathos emosyon.

Sa pamamagitan ng grapo sa ibaba masasalamin ang element ng tekstong perweysib o


panghihikayat na kinakailangan ng may-akda sa pagbuo ng akda.

Bilang manunulat o tagapagsalita, ikaw ba ay eksperto sa larangan na paksang iyong


tinatalakay? May kredibilidad ka bang magsulat o magsalita tungkol ditto?

Bilang manunulat o tagapagsalita, ikaw ba ay eksperto sa larangan na paksang


iyong tinatalakay? May kredibilidad ka bang magsulat o magsalita tungkol dito?
Ethos

NANGHIHIKAYAT

Pathos
Logos

Bilang manunulat o tagapagsalita nailahad mo - Bilang manunulat o tagapagsalita mapupukaw


ba nang malinaw at lohikal ang iyong mensahe? mo ba ang damdamin ng mga nakikinig o
mambabasa?

1. Ethos: ang karakter , imahe o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita


Ang salitang ethos ay na Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa
salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe. Tumutukoy
sa kredebilidad ng manunulat/tagapagsalita batay sa paningin ng
tagapakinig/mambabasa. Madaling mahikayat ang mga
tagapakinig/mambabasa kung ang tagapagsalita/manunulat ay kilalang may
magandang pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban at
maganda ang hangarin.
2. Logos: ang opinion o lohikal na pagmamatuwid ng manunualt at tagapagsalita
Ang salitang Logos ay na Hango sa salitang Griyego na tumutukoy sa
pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang
lohikal na kaalamanan. Tumutukoy ito sa katuturan ng sinasabi ng
manunulat/tagapagsalita. ngunit sa karaniwang tagapakinig, kung minsan ay
hindi gaanong nakahihikayat ang masyadong siyentipiko o teknikal na
pagpapaliwang, kaya nauuwi ito sa pangangatwirang retorikal sa halip na
lohikal.
3. Pathos: emosyon ng mambabasa/tagapakinig
Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon
kay Aristotle karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang paggamit ng kanilang paniniwala at pagpapahalaga
ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi. Kaya naman marami sa
mga pahayag pampulitiko at mga patalastas ay gumagamit ng ganitong
paraan upang makuha ang ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng
usapin o mapabili ng kanilang produkto.

Halimbawa ng Tekstong Perweysib o Nanghihikayat

MAHALAGA ANG VAT sa Ekonomiya ng Bansa

Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung


bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para
sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t
hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na
siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa
iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang
makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na
industriya.

Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking


salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine
Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.

At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng


pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.

Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang
takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o
tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng
lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.

Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga
mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang
EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na
naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.

Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais
ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa
ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao.
Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema.
Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating
magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Halaw mula sa isang artikulo: http://edtechbest.wordpress.com

You might also like