You are on page 1of 2

KALIKASAN AT DEPINISYON NG RETORIKA

 Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga


diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay
na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa.
 Tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pag papahayag upang
maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at mambabasa.
 Galing sa salitang “Rhetor” na mula sa Griyego na ang ibig saihin ay “guro” o “isang
taong magaling mananalumpati o mahusay na orador”.

Sangkap ng Mabisang Pagpapahayag

1. Ethos - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad” ng tagapagsalita ay


nakaiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang
sinasabi. Kung ang tagapagsalita ay kilala bilang isang awtoriti sa paksang kanyang tinatalakay
tulad ni Al Gore na isang awtoriti sa Global Warming dahil sa kanyang pag-aaral sa nasabing
paksa na prenesenta niya sa mundo.

2. Pathos - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang


tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita
gamit ang emosyon. Nagagawa ito sa pamamagitan nang paggamit ng metapora, amplifikasyon
ng boses, pagkukuwento at pagrerepresenta ng paksa na nang-aakit ng damdamin ng kausap.

3. Logos - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga argumento. Ang
apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa paggamit ng istadistika/istatistiks,
matematika, lohika (logic) at objectivity.

You might also like