You are on page 1of 34

Mabuhay!

Unang Pangkat

ABISANG AGBIGKAS
M P
MGA LAYUNIN

Introduksyon sa Limang Pamantayan Paglalahat


Mabisang Pagbigkas sa Mabisang
Pagbigkas
Icebreaker
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?

Halimbawa
apo, mayon, taal
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
Halimbawa
apo, mayon, taal
mga bulkan sa Pilipinas
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
One More Chance
She’s Dating the Gangster
Four Sisters and a Wedding
Sagot: Mga sikat na pelikula sa Pilipinas
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
One More Chance
She’s Dating the Gangster
Four Sisters and a Wedding
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
Chat
Tawag
Text
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
Chat
Tawag
Text
Sagot: Mga modernong paraan ng komunikasyon
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
Interbyu
Pakikipagchikahan
Paglalahad ng opinyon
ANO ANG PANGKARANIWAN SA
MGA SALITANG ITO?
Interbyu
Pakikipagchikahan
Paglalahad ng opinyon
Sagot: Pakikipagtalastasan
TRODUKSYON
IN
Kaligiran ng Mabisang Pagbigkas
INTRODUKSYON:
Depinisyon ng Mabisang Pagbigkas

Pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad nang


maayos at maliwanag ang isang kaisipan at
damdamin hinggil sa paksa. Ito ay may malaking
impluwensya sa proseso ng komunikasyon
HALIMBAWA
Limang
Pamantayan
Linaw - Wasto - Ugnay - Kulay - Ginhawa
LINAW
Isa sa mga pamantayan ng Mabisang
Pagbigkas ay ang linaw nito.

Mahalaga na bigyang pansin ang linaw ng


pagbigkas sapagkat susi ito sa mabisang
pagpapahayag ng mga mensahe. Sa
pamamagitan rin ng linaw ng pagbigkas ay
mas nauunawaan ng madlang tagapakinig
ang mensahe pati na rin ang mga
kahulugang nais iparating ng tagapagsalita.
WASTO
Dapat tama ang mga salitang gagamitin at tama ang paraan ng 'yong
pagbigkas ng mga salita.

"Tayo'y magbasa ng libro!" "Tayo'y nabasa ng ulan!"


WASTO
Mga hakbang:
Una: Basahin mo sa unang pagkakataon ang teksto. (Magkakamali-mali ka pa
rito.)
Ikalawa: Intindihin ang teksto. Alamin ang kahulugan ng mga salita.
Dapat tama ang mga salitang gagamitin at tama ang paraan ng 'yong pagbigkas ng
mga salita.
Halimbawa:
basa(read) vs. basa. (wet)
buhay (life) vs. buhay (alive)
baka(cow) vs. baka (maybe)
WASTO
Pangatlo:
Magsanay! Mag-ensayo sa pagbasa. Bigkasin paulit-ulit bago mag record.
UGNAY
Ang ugnay ay isa sa mga importanteng pamantayan sa Mabisang Pagbigkas. Sa
Ugnay, mahalaga na Ikaw ay kumonekta sa iyong kausap sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga mata ng iyong kausap. Nakakatulong ito upang makuha ang
atensyon ng iyong kausap hanggang sa matapos ang ang iyong pagbigkas.

Ang pakikipag ugnayan ay nakakapagpakita ng:


Paggalang
Pagtitiwala
Pagiging tapat
Komunikasyon
UGNAY
Ang hindi pagtingin sa mga mata ay nagpapahiwatig ng impersonal na pag-uusap
at nawawala ang koneksyon sa iyong nakakausap.

Ang Ugnay ay maaaring mabuti o hindi mabuti: maaari mong ipakita ang iba’t
ibang emosyon na nais mong ipahiwatig sa iyong kausap
KULAY
Ang kulay ang nilalapat na
nakatutulong sa pagpapabisa ng
pagbigkas.

Dinamiko Tono
Ang dinamiko ay tumutukoy sa bagal at bilis EMOSYON Ang tono ay ang tinis at mababang tunog ng
ng ating pagbigkas. boses sa pagbigkas.

HALIMBAWA: "Tulong! Ninakawan ako!"


Ito ang pamantayan na dapat Ilan sa mga rason kung bakit ang ginhawa sa pagbigkas ang
isaalang-alang upang masigurado na isa sa pinakamahirap isagawa ay ang sumusunod:
maiintindihan ang mensaheng nais Kakulangan ng kaalaman at
nating ipahayag sa kabihasnan sa paggamit ng wikang
pakikipagtalastasan Filipino
Kinakabahan o nakakaramdam ng
nerbyos
Pagkabulol sa mga salita

GINHAWA
Ang tanging paraan upang
maisagawa ang ginhawa sa
pagbigkas ay ang pag-eensayo.
Mag-ensayo sa harap ng salamin
Mag-ensayo sa harap ng ibang tao
Mag-ensayo nang mag-isa
PAGLALAHAT
Ang mabisang pagbigkas ay mahalaga lalo’t
higit sa mga mananalumpati at nagsasagawa ng
pampublikong pagsasalita o public speaking.
Ilan sa mga dahilan kung bakit ito mahalaga ay ang mga sumusunod:

Koneksyon Linaw
Kailangang maunawaan ng isa’t-isa ang Mayroong mga salita na may dalawang
nais na iparating at kailangang kahulugan depende sa kung paano ito
magkaroon ng tiwala ang tagapakinig bigkasin o gamitin sa pangungusap. Ang
sa tagapagsalita upang mabuo ang maling pagbigkas nito ay maaaring
kanyang kredibilidad at maging magdulot ng kalituhan at hindi
kapani-paniwala ang mga nais nitong pagkakaunawaan sa pagitan ng
sabihin. tagapagsalita at tagapakinig.
Pagbabago Pag-unlad sa Propesyon
Ang isang epektibo/ mabisang Ang pagiging epektibo sa pagbigkas
pagsasalita ay nagbibigay motibasyon o pagsasalita ay ilang indikasyon ng
sa mga tagapakinig upang magkaroon pagiging malikhain, mahusay na
ng pagbabago sa mga aspeto na pamumuno, kritikal na pag-iisip,
iyong binabanggit. propesyunalismo at iba pang mga
katangian na nagpapakita ng iyong
kagalingan sa iyong larangan.
Palaging tatandaan kung bakit mahalaga ang mabisang
pagbigkas sa pamamagitan ng 4C:

Career
Connection Clarity Change Development
KONKLUSYON
Bakit kailangan nating matuto tungkol sa isang
bagay na napakasimpleng gawin?
Ito ay dahil mahalagang malaman natin kung paano ito mahahasa hindi lamang para
sa talumpati sa paaralan o sa ating mga panayam sa trabaho, kundi para na rin sa
mahusay at malinaw na pagbabahagi natin ng makabuluhang kaalaman sa ating
paligid sa pamamagitan ng ating pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Ang pananalita ay nauugnay hindi lamang sa ating panlipunan at pisikal na
mundo, kundi pati na rin sa ating sariling espirituwal at mental na aspeto.

Upang tayo ay maging kakaiba at mahuhusay na tao, dapat nating pangalagaan


pamamaraan ng ating pakikipag-usap.

Samakatuwid, ang mabisang pagbigkas ay maituturing din na isang


pangangailangan na dapat nating gamitin sa pakikisalamuha at pamumuhay
sa ating lipunan.
Sanggunian:

Effective Speaking | SkillsYouNeed. (n.d.). Skills You Need. Retrieved November


9, 2022,
from https://www.skillsyouneed.com/ips/effective-speaking.html

Jesus Joseph D. Ignacio. (2021a, August 26). Mabisang Pagbigkas [Video].


YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=0Y8qAfI1e34

Jesus Joseph D. Ignacio. (2021b, September 29). Mabisang Pagbigkas - Wasto at


Kulay [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=hIKtl4z5pcA
Salamat!

You might also like