You are on page 1of 10

 




































ALINSUNOD SA CMO 57, SERYE MH 2017 AT


SILABUS NG BAGONG ASIGNATURANG


FILIPINO SA KOLEHIYO NA INIHANDA NG

 TANGGOL WIKA
DESKRIPSYON
 NG KURSO:
 Ang KONKOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa

kotekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga

kumunidad sa particular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa

makrokasanayang

pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyon at
modernong
 midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.


KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Ang KOMFIL o KONKOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga
komunidad sa particular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at
modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Ang modyul ay nahahati sa limang mahahalagang yunit:

Yunit 1. Introduksyon: Ang pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas Mataas na Antas ng Edukasyon
at Lagpas pa;
Yunit 2. Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon;
Yunit 3. Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino;
Yunit 4. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyunal;
Yunit 5. Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

YUNIT V
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

Mga Layunin

Ang konstektwalisasyon ng wikang Filipino ay mahalagang, maipakita sa mga tiyaknagawaing


pangkomunikasyon sa bahaging ito ng pag-aaral. Espisipikong layunin ng bahagingitong aklat ang mga
sumusunod.

1. Napaghahambing ang kaniya-kaniyang kakanyahan ng mga tiyak na gawaingpangkomunikasyon katulad


ng lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap, pantas-ara o seminar.

2. Natatalakay ang mga tiyak na hakbang upang makabuo ng mga agwaingpangkomunikasyon katulad ng
lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap, pantas-ara o seminar.

3. Nakapaglulunsad ng alinman sa mga sumusunod na gawaing pangkomunikasyonnglektyur o lecture,


simposyum o symposium, worksyap, pantas-ara o seminar sa paksangmapagpapasyahan ng klase.

A. Lektyur o Lecture
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karununganna kailangan
ng tao para sa isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang lecture tuladngsermon ng pari sa kanilang
homiliya, pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target namamimili. Karaniwang nakatayo sa harap ng
maraming tao sa isang silid o tiyak na lugar upangmaisagawa ang pagatatalakay ng paksa.

Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay sa pamamgitanng walang tigil
na pagsasalita ng dalubguro. Ang nasabing gawain ay maaaring maging onewaylearning o active learning na
nakadepende sa estratehiya ng guro sa isang klaseng pangwikakungkaya nabuo ang konsepto na hindi dapat
ikahon sa apat na sulok na lamang ng silid-aralanangklase.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Mahalagang salik na kailangang isaalang-alang ng lektyurer sa pagbuo ng lektyur ayLayunin,
Nilalaman at Istruktura at Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang lektyur.

Mungkahi sa epektibong lektyur ay ang pagkakaroon ng kahandaan, pagkakaroonngpokus,


pakikilahok ng mga tagapanood/tagapakinig at pagkuha ng komento o pidbak.

Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur o Lecture

Inilahad sa https://teachingcommons.stanford.edu/resources (nd) ang isang talaan upangmagingepektibo


ang lektyur o lecture.

Pagkakaroon ng kahandaan
2. Pagkakaroon ng pokus
3. Pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig
4. Pagkuha ng komento o feedback

Pagkakaroon ng Kahandaan

Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lectyur ay ang pagkakaroon ng


layuninngisinasagawang pagtatalakay. Ito ang bahagi na siyang magbibigay ng direksyon sa gawainat siyang
magdidikta sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kasali sa lektyur o lecture at kungbakit ito dapat na
matutunan.
Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at mga katulongnaaudiovisuals na
any pagsasaalang-alang sa inetres ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanoodupang makuha ang kanilang
atensyon sa isasagawang lektyure o lecture.
Kung sakali man na ang magsasagawa ng lektyur o lecture ay madalas na kabahansatuwing
humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong paghahanda upangmapaglabanan ang kaba at takot.
Maaring isulat ang inyong panimula at gawanitongpagsasanay bago ang itinakdang araw ng lektyur o lecture.

Pagkakaroon ng Pokus

Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisaktuparananggagawing lektyur


o lecture. Maaring mapagtagumpayan ang layuning ito kung isasaalang-alangang mga sumusunod na
mungkahi.

1. Pagbibigay ng lima o mababa pang puntos ng pagtatalakay sa lektyur o lecture.


2. Pagsasagawa ng masining biswal na gabay at mga halimbawa upang bigyan ng diinangmga puntos na
tinatalakay.
3. Ang pamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o participant ng lektyur ay maari ringmakatulong sa
makabuluhang pagtatalakay.
4. Pagbibigay ng diin sa layunin at mahahalagang puntos sa panimula ng pagtatalakayat
maging sa pagbubuod nito.

Pakikilahok ng Tagapakinig o Tagapanood

Tungkulin ng nagsasagawa ng panayam o lecture na pahalagahan ang kanyang mga tagapakinig,


manood, at lahat ng participant upang maging makabuluhan ang anumang kaniyang gagawing pagtatalakay.
Masasabi na hindi napagtatagumpayan ng tagapanayamang kanyangtungkulin kung ang karamihan sa mga
participant ay uuwi na hindi nakuntento sa lektyur o lecture.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Upang mapagtagumpayan ang layuning ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

1. Kilalanin kung sino ang participant o kalahok sa lektyur upang maiangkopangkahandaan ng


makikipanayam o lecturer sa interes o bagay na makapupukawng kanilangatensyon.

2. Maaring lagyan ng drama ang pagtatalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota, at iba pang mga
material na mag kaugnayan sa paksa.

3. Maaring gumamit ng niba’t ibang estratehiya upang mapukaw ang atensyon ngbawat
participant sa pakikiisa sa lektyur o lecture katulad ng mga sumusunod: paggamit ngmultimedia,
pakikipagbaliktaktakan, maliit na pagpapangkat o small- group techniques, at marami pang iba.

4. Iugnay ang pagtalakay sa mga bagay na makatotohanan para sa mga participant bataysakani-kanilang mga
karanasan.

5. Gawing aktibong participant ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakangpagtawag sa kanilang


atensyon o kaya ay pagtatanong.

B. Simposyum o Symposium
Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan angmgapartisipant ay mga
paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Dito tinatalakay angmgaopinyon ng mga paham sa isang
partikular na paksa na maaaring magkaroon ng malayangtalakayan matapos makapagsalita ang isang
indibidwal.

C. Pantas-aral o Seminar

Pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng isang pamantasan o kolehiyo, komersyal


o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang mga maliit na pangkat para sa mahalagang pag-
uusap sa isang paksa. Ang magsasagawa ng seminar ay lagginghandaupang maisguro ang pagiging epektibo
sa iniaatas na paksa at sa madla.

Upang mapagtagumpayan ang naturang seminar, kinakailangan ang mga sumusunodnasangkap


tulad ng Layunin, Paksa, Tagapagsalita, Manonod/Tagapakinig o dadalo at Pagdarausan.

D.Worksyap o Workshop

Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay nakapokussa“hands-on-


practice” na idinisenyo upang aktwal a magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwaang mga partisipant sa
pagbuo ng isahang output na bahagi ng pagtalakay.

Ayon nga kay Jolles (2005), ang training workshop ay mayroong dalawanganyo: General workshop na
ibinibigay sa magkakaibang partisipant at closedworkshop na inihandabatay sa pangangailangan ng
espisipikong pangkat ng tao.

3. Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng partisipant, orasnalaan, mga gawaing
nakahanda, mga kagamitan at presentasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


2. Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan na kailangansaaktwal na worksyap,
pagkain para sa partisipant at tagapagsanay, dokumentasyonat
ebalwasyon.
3. Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.

E. Kumperensya o Conference

Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan ang partisipant aybibigyan ng pagkakataon
na makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksasaiba’t ibang larangan. Mas malawak ang
delegado ng kumperensiya kaysa simposyum.

Sa pagpaplano ng kumperensiya, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Pagpapasya sa tema;
2. Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
3. Ihanda ang plano para sa budget at paggugulan nito;
4. Paghahanap ng sponsor para sa mga gastusin;
5. Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan;
6. Pagpapatala at promosyon; at
7. Pagpapasya sa mangangasiwa sa iba’t ibang komite;

Ang mga komite ay nahahati sa pito at ito ang mga sumusunod:

1. Komite para sa Pagpaplano


2. Komite para sa Administrasyon
3. Komite para sa Promosyon ng gawain
4. Komite para sa mga mamamahala sa isponsor
5. Komite para sa Dokumentasyon
6. Komite para sa Ebalwasyon
7. Komite para sa Seguridad

F. Iba pang Gawaing Kinasasangkutan ng Komunikasyon

1. Taunang Pangkalahatang Pagpupulong (Annual General Meeting).


Ito ay pagpupulongng mga shareholder ng isang korporasyon kung saan ang bawat isa ay
binibigyanngpagkakataon na alamin sa mga Board o Directors o Board of Trustees kung anoangprogreso ng
organisasyon. Sa pagkakataong ding ito karaniwang ginaganap ang eleksyonpara sa mga bagong Board of
Directors.

2. Ang Conclave ay karaniwang inuugnay saa eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit, hindi ito
nangangahulugan na ito ay para lamang sa okasyong ito. Maaaring dinggamitinang conclave sa mga
sikretong pag-uusap o closed door meetings na kinasasangkutanngmga indibidwal na makapangyarihan at
maimpluwensya.

3. Ang Galas ay tumutukoy sa glamorosong okasyon na kinabibilangang ng malakinghapunang piging (dinner


party) na may kasamang kasiyahan at paggawad ng parangal. Ang kasuotan ng mga kalahok ay pormal at
magarbo.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


4. Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit ng mga kalahokat lugar na
pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang inihahanda ng malalakingkumpanya para iangat ang
moralidad ng kanilang mga manggagawa.

5. Paglulunsad ng mga produkto (product launching). May mga industriyanaisinasagawa ang malawakang
paglulunsad ng kani-kanilang mga produktoupangmakakuha ng mataas na antas pagkilala ang kanilang mga
produkto. Karaniwansilangnagbibigay ng halimbawa o sample ng mga produkto ng kanilang ipinakikilala.

6. Pabilog na talakayan(round table discussion). Ang bilog na hapag ay naglalarawanngpagkakapantay-


pantay ng mga partisipant sa gawaing ito. Bawat isa sa kanila aykani-kanilang karapatan na mapakinggan at
maging bahagi ng pagtalakay bagamat mayroongisang pangunahing tagapagsalita (key note speakers).
Malaking bahagi ng gawaingitoang talakayan o diskusyon.

7. Small Group Communication. Ang komunikasyong ito ay kinasasangkutan ngtatloohigit pang kasapi ng
pangkat na ang layunin ay impluwensyahan ang iba gamit angberbal at di-berbal na komunikasyon. Ito ay
kadalasang makikita sa simbahan, tindahan, palengke o umpukan.

8. Pampublikong Komunikasyon. Isang konteksto na nangangailangan ng paghahandadahil sa pormal


nitong kakanyahan na kung ikukumpara sa komunikasayon sa isangmaliit na pangkat. Kadalasan itong
nagaganap sa mga bulwagan, silid-aralan at ballrooms.

9. Konggreso. Ito ay karaniwang ginagawa taun-taon sa bawat disiplina, binibigyanngpagpapahalaga ang


mga tagumpay at mga nakamtan ang isang larangan. Karaniwanitongdinadaluhan ng mga pinuno sa larangan,
at nagtatampok sa mga serye ng pagtalakay.

10. Break out session. Ito ay bahagi ng isang malaking konperensya na dinisenyo oinayosupang gumawa ng
mas maliit na pangkat na laan lamang para sa mga indibidwal nanaismakibahagi sa mga espisipikong
pagtalakay sa sesyon na ito.

11. Press Conference. Ang press conference ay inoorganisa o binubuo ng isang taonglamanng mga balita
upang linawin ang usapin hinggil sa kanya, magbigay ng tiyaknaimpormasyon, at bigyan ng pagkakataon ang
media na makapagbigay ng mga kaugnaynakatanungan sa usapin hinggil sa kanya.

12. Komunikasyong Social Media. Isa sa mga gamiting uri ng komunikasyon angsocial media tulad ng
Facebook, Instagram, Twitter, Youtube at marami pangibasapamamagitan ng pagpapaaskil ng larawan,
artikulo, impormasyon o mga balita nahindi nakikita o naririnig sa mga telebisyon at radyo.

13. Video Conferencing. Ang interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang taongnasamagkaibang lokasyon
sa pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamangvideo. Kadalasang ginagamit ito ng mga kumpanya para
sa mga satellites sa ibang lokasyon, mga OFW at sa mga negosyante.

14. Panayam o interview. Ito ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pangtaoupang makakuha ng
mga kinakailangang impormasyon para sa espisipikonglayuninkatulad ng pangangalap ng balita at
paghahanap ng posibleng empleyado sa isangkumpanya. Mainam na gumamit ng interview protocol o talaan
ng mga taongnamaaaring ipukol sa isag indibidwal upang makakuha ng kinakailangang impormasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Ang katanungan ay maaaring ikategorya sa: (1) pangunahing katanungan, at (2)sekondaryang katanungan.

Ang pangunahing katanungan ay mga panimulang katanungan tungkol sa pangunahingpaksa ng


panayam, samantalang ang sekondaryang katanungan ay ang mga kasunodnakatanungan nakabatay sa mga
naunang tanong.

Ang katanungan ay maaari ring bukas (open) o sarado (closed). Malawak ang sakopngbukas o open
na katanungan sap unto na higit nitong binibigyan ng kalayaan ang bawat isanatumugon sa tiyak na
impormasyon, opinyon, at nararamdaman. Ang tanong ay sarado oclosedkung ang dapat tumugon ay walang
opsyon liban sa oo o hindi na kasagutan.

Bukod sa kategoryang nabanggit, ang katanungan ay maaari ring walangpinapanigan(neutral) o


nagtuturo (leading) na mga katanungan. Ang walang pinapaniganoneutral na katanungan ay hindi nagdidikta
ng kasagutan sa mga tinatanong samantalangangnagtuturo o leading na mga katanungan ay mga
katanungan na sinasabi sa mga kapapanayaminkung ano ang nararapat nilang kasagutan sa tanong.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Pangalan: ____________________________ Taon/Seksyon: ____________
Petsa: __________ Iskor: __________

YUNIT V MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

PAGSASANAY 1
Tiyak na Gawaing Pangkomunikasyon. Basahing mabuti ang sitwasyon at pagkataposayibigay ang hinihingi
nito.

Sitwasyon 1. Nais maglunsad ng isang kumperensiya hinggil sa wikang Filipino ang Mindoro State University.
Isanlibong katao ang nagbigay ng kumpirmasyon na dadalo sa nasabing kumperensiya ngunit isang araw
lamang ang inilaan ng mga nag-organisa para ito ay magkaroonng iplementasyon. (Magsisilbing takdang
aralin at iimprenta sa buong short bond paper)

1. Ano kayang pamamaraan ang maaaring gamitin ng mga namamahala ng kumperensiya upang hindi
kabagot-bagot ang kumperensiya?

2. Ano-ano kaya ang dapat na isaalang-alang ng mga namamahala upang maayos na maisakatuparan ng mga
tagapagsalita ang kanilang tungkulin?

3. Paano kaya kung ang budget na laan sa pinakamahusay na tagapgsalita ay hindi tumugma sa hinihinging
presyo nito, ano kaya ang dapat na maging solusyon dito?

A. Pagsasagawa ng Simulasyon. Idaraos ngayong buwan ang ikatlong pagpupulong ng inyong Regional
Development Committee na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at advocacy groups. Naatasan ka
bilang kinatawan ng isa sa mga ahensya ng pamahalaan/advocacy groups. Mamili sa mga sumusunod na
ahensya. (Pagpangkatinangklase sa lima)

1. Sektor ng Edukasyon
2. Opisina ng Gobernador
3. National Economic Development Authority
4. Department of Social Welfare and Development
5. Department of Health
6. Gender and Development Advocacy Groups
7. Department of Environment and Natural Resources
8. Department of Interior and Local Government

Magkakaroon ng pagpupulong ang bawat ahensya/pangkat at bibigyan ng isang oras na pagpupulong at


ilalahad sa klase ang nais isagawang proyekto na magagamit o maaaring maimplementa sa Mindoro State
University. Gawan ng powerpoint presentation at bibigyan lamang 15 minuto upang ilahad ang proyekto.
Narito ang mga kinakailangan mailahad:

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Background at Budgetary Time Frame EbalwasyonngPrograma
Pangangailangan Requirement
na isagawa ang
Proyekto

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC


Sanggunian:

/toaz.info-kontekstwalisadong-komunikasyon-sa filipinopr_77db7cbedb93d684b08fe9ce9c225d71.pdf
Ctto: Prop. Christie T. Tanalgo, LPT,MAT at mga kasama.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KonKomFil)------------------------------------------ MBC

You might also like