You are on page 1of 17

WIKANG

PAMBANSA,
WIKANG
PANTURO, AT
OPISYAL NA WIKA
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Panahon ng Kastila- Espanyol ang opisyal na wika at wikang panturo sa
Pilipinas
• Panahon ng Amerikano- Ingles at Espanyol ang opisyal na wika at
wikang panturo sa Pilipinas.
• Kalaunan, Naging Ingles na lamang ang wikang opisyal at wikang panturo
batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
• 1935- halos lahat ng mga kautusan, proklamasyon at mga batas ay
nakasulat sa wikang Ingles.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Sa simula ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga Katipunero ang
wikang Tagalog sa mha opisyal na kasulatan.
• Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato (1897)- itinakda na Tagalog
ang opisyal na wika
• Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899)- itinakdang pansamantalang
gamitin ang ang Espanyol bilang wikang opisyal
• Marso 24, 1934- pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng US
ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan
ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Pebrero 8, 1935- pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng
Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935
• Probisyong pangwika Seksiyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang Asamblea
ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang bats, ang Ingles at Kastila ay
patuloy na gagamiting mga wikang opisyal
• Wenceslao Q. Vinzons
• nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa
• Kinatawan mula sa Camarines Norte
• “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wikang”
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Octobre 27, 1936- ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kanyang plano
na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin na
gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika sa Pilipinas sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat.
• Nobyembre 13, 936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg.
184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
• 1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas
• 2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
• 3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at
panitikang tinatanggap
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Pambansa
wikang
katutubo

WIKANG
FILIPINO
wikang
banyaga/
hiram na
wika
Wikang Pambansa
• Ito ang representasyon ng isang lahi. Kung gayun nararapat lamang na
ating pahalagahan, pagtibayin at pagyamin ito.
• Ang wikang Filipino ay kumbinasyon ng iba‘t ibang wikaing umiiral sa
loob at labas ng ating bansa
• Ang mga wikang bumubuo sa wikang Filipino
• Kabilang na rito ang mga malalaking pangkat tulad ng Tagalog,
Hiligaynon, Ilokano, Bisaya, Bicolano, Kapampangan, at marami pang iba.
• Sa banyagang wika naman ay karamihan na ang wikang kastila, Ingles,
Alemanya, Nihonggo, Mandarin, Thai, at iba pa.
Wikang Pambansa
• Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng Pilipinas ang
Filipino bilang wikang pambansa.
• Ang ating wikang pambansa na Filipino ay batay sa umiiral na mga wika
sa Pilipinas at iba pang wika. Habang ang Filipino‘y nabubuo, patuloy
itong paunlarin ay payayamanin sa tulong ng mga katutubong wika at
maging dayuhan man.
Pambansang Linggwa Franca
• Filipino ang wikang gingamit ng dalawa o higit pang tao na magkaiba ang
katutubong wika at kabilang sa magkaibang etnolinggwistikong grupo
• Sa Pilipinas na binubuo ng maraming wika, sinasabing pambansang
linggwa franka ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mula sa
iba‘t ibang katutubong wika o magkakaiba ang pinaggalingang probinsya
upang magkaunawaan at makipag-ugnayan.
• Halimbawa, ito ang ginagamit ng isang Igorot kapag nakikipag-usap sa isang
Ilokano
Pambansang Linggwa Franca
• Ang lingua franca ay maaaring maging opisyal na wika gaya ng
karaniwang nangyayari sa maraming bansa.
• Karaniwan din lalo na sa tunay nang malalayang bansa na ang lingua
franca na siyang opisyal na wika ang ginagamit na midyum ng pagtuturo
• Ang lingua franca kapag kinikilalang pangkalahatang midyum ng
komunikasyon sa isang bansa ay nagkakaroon ng magandang posisyon
upang mabilis na mapaunlad
• Karaniwan nang isinasabatas ang pagkilala dito at tinatawag na
pambansang wika
Pambansang Linggwa Franca
• Sa Pilipinas, dalawang klase ng lingua franca ang matatagpuan – ang tinatawag
na rehiyonal na lingua franca at ang nasyonal o pambansang lingua franca.
• Makikita ang pagkakaibang ito sa sumusunod na ilustrasyon: Sa Aritao, Nueva
Vizcaya, maaaring sa loob ng isang bahay ay Isinay ang wikang ginagamit dito.
Ito ang tinatawag na ―Una o Inang Wika‖ (First Language o Mother Tongue).
• Ngunit paglabas ng bahay, ang gagamitin na ay Ilokano maliban kung ang
kausap ay marunong din ng Isinay. Kahit na lumayo pa siya sa lugar na ito at
makaabot pa ng Benguet na parte pa rin ng Northern Luzon, Ilokano pa rin ang
kinakailangan niyang gamitin (kung marunong siya ng Ilokano) upang mas
madali ang komunikasyon. Ang wikang ito ang tinatawag na rehiyonal na
lingua franca
Pambansang Linggwa Franca
• Ito ang komon na sa rehiyong ito na iba‘t iba rin ang wikang sinasalita.
Ngunit kung wala na siya sa rehiyong ito, halimbawa ay nagpunta na siya
sa Central Luzon o maging sa Bisaya at Mindanao at hindi siya marunong
ng Cebuano at hindi rin marunong ng Ilokano ang kausap niya, kung hindi
Ingles ay Filipino ang gagamitin niya. Ito ang tinatawag na nasyonal o
pambansang lingua franca
Opisyal na Wika sa Komunikasyon
• Ginagamit ang Filipino sa opisyal na komunikasyon. Nasa Filipino ang liham kapag
sumusulat sa isang sangay o ahensya ng gobyerno o vice versa at kapag nagsusulatan ang
kapwa sangay o ahensya. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa:
• a. deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
• b. pag-isyu ng mga deskrito at kautusang ehekutibo;
• c. pormulasyon ng mga pambansang patakaran;
• d. paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kaugnay ng mga opisyal na programa ng
gobyerno;
• e. pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
• f. pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon;
• g. mga opisyal na form at/o dokumento (lisensiya, sertipiko, pasaporte at iba pa); at
• h. mga tungkulin at gawain ng estado

You might also like