You are on page 1of 17

WIKANG

PAMBANSA,
WIKANG
PANTURO, AT
OPISYAL NA
WIKA
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Panahon ng Kastila- Espanyol ang opisyal na wika at
wikang panturo sa Pilipinas
• Panahon ng Amerikano- Ingles at Espanyol ang opisyal
na wika at wikang panturo sa Pilipinas.
• Kalaunan, Naging Ingles na lamang ang wikang opisyal at
wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong
Schurman noong Marso 4, 1899.
• 1935- halos lahat ng mga kautusan, proklamasyon at mga
batas ay nakasulat sa wikang Ingles.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Sa simula ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga
Katipunero ang wikang Tagalog sa mha opisyal na
kasulatan.
• Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato (1897)-
itinakda na Tagalog ang opisyal na wika
• Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899)- itinakdang
pansamantalang gamitin ang ang Espanyol bilang wikang
opisyal
• Marso 24, 1934- pinagtibay ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng US ang Batas Tydings-McDuffie na
nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
• Pebrero 8, 1935- pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon
ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935
• Probisyong pangwika Seksiyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang
Asamblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang bats, ang
Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal
• Wenceslao Q. Vinzons
• nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa
• Kinatawan mula sa Camarines Norte
• “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wikang”
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
• Octobre 27, 1936- ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kanyang
plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na may
tungkulin na gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika sa
Pilipinas sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang
wikang panlahat.
• Nobyembre 13, 936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt
Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
• 1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas
• 2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang
Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
• 3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas,
mekanismo at panitikang tinatanggap
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Pambansa
wikang
katutub
o
WIKAN
G
FILIPIN
wikang
banyag
O
a/
hiram
na wika
Wikang Pambansa
• Ito ang representasyon ng isang lahi. Kung gayun nararapat
lamang na ating pahalagahan, pagtibayin at pagyamin ito.
• Ang wikang Filipino ay kumbinasyon ng iba‘t ibang wikaing
umiiral sa loob at labas ng ating bansa
• Ang mga wikang bumubuo sa wikang Filipino
• Kabilang na rito ang mga malalaking pangkat tulad ng
Tagalog, Hiligaynon, Ilokano, Bisaya, Bicolano, Kapampangan,
at marami pang iba.
• Sa banyagang wika naman ay karamihan na ang wikang
kastila, Ingles, Alemanya, Nihonggo, Mandarin, Thai, at iba pa.
Wikang Pambansa
• Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng
Pilipinas ang Filipino bilang wikang pambansa.
• Ang ating wikang pambansa na Filipino ay batay sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika. Habang
ang Filipino‘y nabubuo, patuloy itong paunlarin ay
payayamanin sa tulong ng mga katutubong wika at
maging dayuhan man.
Pambansang Linggwa Franca
• Filipino ang wikang gingamit ng dalawa o higit pang tao
na magkaiba ang katutubong wika at kabilang sa
magkaibang etnolinggwistikong grupo
• Sa Pilipinas na binubuo ng maraming wika, sinasabing
pambansang linggwa franka ang Filipino dahil ito ang
ginagamit ng mga tao mula sa iba‘t ibang katutubong
wika o magkakaiba ang pinaggalingang probinsya upang
magkaunawaan at makipag-ugnayan.
• Halimbawa, ito ang ginagamit ng isang Igorot kapag nakikipag-
usap sa isang Ilokano
Pambansang Linggwa Franca
• Ang lingua franca ay maaaring maging opisyal na wika
gaya ng karaniwang nangyayari sa maraming bansa.
• Karaniwan din lalo na sa tunay nang malalayang bansa na
ang lingua franca na siyang opisyal na wika ang ginagamit
na midyum ng pagtuturo
• Ang lingua franca kapag kinikilalang pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa isang bansa ay nagkakaroon
ng magandang posisyon upang mabilis na mapaunlad
• Karaniwan nang isinasabatas ang pagkilala dito at
tinatawag na pambansang wika
Pambansang Linggwa Franca
• Sa Pilipinas, dalawang klase ng lingua franca ang matatagpuan – ang
tinatawag na rehiyonal na lingua franca at ang nasyonal o pambansang
lingua franca.
• Makikita ang pagkakaibang ito sa sumusunod na ilustrasyon: Sa Aritao,
Nueva Vizcaya, maaaring sa loob ng isang bahay ay Isinay ang wikang
ginagamit dito. Ito ang tinatawag na ―Una o Inang Wika‖ (First
Language o Mother Tongue).
• Ngunit paglabas ng bahay, ang gagamitin na ay Ilokano maliban kung ang
kausap ay marunong din ng Isinay. Kahit na lumayo pa siya sa lugar na ito
at makaabot pa ng Benguet na parte pa rin ng Northern Luzon, Ilokano
pa rin ang kinakailangan niyang gamitin (kung marunong siya ng Ilokano)
upang mas madali ang komunikasyon. Ang wikang ito ang tinatawag na
rehiyonal na lingua franca
Pambansang Linggwa Franca
• Ito ang komon na sa rehiyong ito na iba‘t iba rin ang
wikang sinasalita. Ngunit kung wala na siya sa rehiyong
ito, halimbawa ay nagpunta na siya sa Central Luzon o
maging sa Bisaya at Mindanao at hindi siya marunong ng
Cebuano at hindi rin marunong ng Ilokano ang kausap
niya, kung hindi Ingles ay Filipino ang gagamitin niya.
Ito ang tinatawag na nasyonal o pambansang lingua
franca
Opisyal na Wika sa Komunikasyon
• Ginagamit ang Filipino sa opisyal na komunikasyon. Nasa Filipino ang liham
kapag sumusulat sa isang sangay o ahensya ng gobyerno o vice versa at kapag
nagsusulatan ang kapwa sangay o ahensya. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa:
• a. deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
• b. pag-isyu ng mga deskrito at kautusang ehekutibo;
• c. pormulasyon ng mga pambansang patakaran;
• d. paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kaugnay ng mga opisyal na
programa ng gobyerno;
• e. pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
• f. pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon;
• g. mga opisyal na form at/o dokumento (lisensiya, sertipiko, pasaporte at iba pa);
at
• h. mga tungkulin at gawain ng estado

You might also like