You are on page 1of 9

WIKANG PAMBANSA

• Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.
• Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.

• AYON SA SALIGANG BATAS NG BIAK NA BATO

• Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika sa Pilipinas.


• Naghangad na magkaroon ng isang wika na mag uugnay sa lahat ng mamamayan.
• Itinatag ang KOMITE SA WIKANG OPISYAL upang maresulba ang isyo sa pagpili ng wikang panlahat
• Inimungkahi na dapat wikang katutubo at hindi dayuhang wika ang maging wikang pambansa
• KONSTITUSYON 1935, ARTIKULO XIV, SEK. 3

• Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pagpapatibay batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi
nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.

• WIKANG PANGUNAHING WIKA SA BANSA

• TAGALOG SAMAR-LEYTE o WARAY


• CEBUANO PAMPANGO o KAPAMPANGAN
• ILOKANO PANGASINAN o PANGALATOK
• HILIGAYNON
• BIKOL
• PAGPILI

• SURIANG WIKANG PAMBANSA (SWP)

• Itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng
Saligang Batas Pambansang Asamblea)
• Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.

• Disyembre 30, 1937


• Pinili at iprinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong
pambansang wika.
• 1940
• Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan sa buong bansa
• BAKIT PINILI ANG TAGALOG BILANG WIKANG PAMBANSA

• Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at


marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
• Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng
bisaya.
• Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka
maunlad at malawak. Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog
kakysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
• Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa
buong bansa.
• At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginagamit noon rebolusyon at ng
mga katipunero kung saan ang salik na ito ay mahalagang element o sa
kasaysayan ng Pilipinas.
• HUNYO 4, 1946
• Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili
ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at
Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.

• 1959

• - Ibinaba ni Kalihim JOSE B. ROMERO ng Kagawaran ng Edukasyon ang


KAUTUSANG PANGKAGAWARAN
• - Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
PILIPINO ang gagamitin.
SALIGANG BATAS ng 1973
-Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.

1987
-Pinalabas ni Lourdes QUISUMBING ng Departamento ng Edukasyon, Kultura
at Isports ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng edukasyong bilinggwal.

SALIGANG BATAS ng 1987


-Filipino ang ngalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
ARTIKULO 14 SEKSYON 6 NG SALIGANG BATAS NG 1987
-Ang Wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at iba pang wika.

WIKANG OPISYAL
1. Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
2. Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga
mamamayan at ibang bansa sa daigdig.
3. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinasagawa
upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa.
Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at
nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat ibang salik.
4. Ayon kay Virligio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
• GROUP 1 WIKANG PAMBANSA

• RESEARCH AND THE ONE WHO MADE THE PPT: Faith Alpar
• Reporter : Arlyn Aguirre
Angelo Ancit
Member: Daniela Santolon
Raven Mia Dato-on
Joy Ann Dela China
Richmond Segumpan
Coleen Andalecio
Vincent Carl Bato
John Carlo Aguilar

You might also like