OPISYAL AT PANTURO KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KUTURANG FILIPINO EFREN B. MANACOB, JR. GURO NG/SA FILIPINO MGA LAYUNIN
• Natatalakay ang pagkakaiba ng Wikang Pambansa,
Opisyal at Panturo • Naibabahagi ang talab at alab sa pagkakaroon ng wikang pambansa sa bansang nilalamon ng mga mamamayang may utak kolonyal. UNANG UNAT: LABAN SA YAMAN NG LAMAN NG GRAMATIKANG FILIPINO
• Ano ang salitang ugat ng salitang Pambansa at Panturo?
• Anong pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa salitang Pambansa at Panturo? • Naniniwala ka ba na hiram na salita ang salitang OPISYAL ? • Kung naniniwala ka na hiram ito, saan hango? IN THE MAKING
• 1934- dahil sa napakaraming wika sa Pilipinas naging paksa
ito ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1934 kung ano ang magiging wikang Pambansa ng Pilipinas. Isa sa naging panukala na dapat na ang magiging wikang pambansa ay galing sa umiiral na wika sa Pilipinas. • May mga tumututol dahil mas makakabuti raw sa Pilipinas kung magiging mas matatas sa Ingles ang mga Pilipino. • Pero, matatag si Lope K. Santos at ang kaniyang grupo na dapat ibatay ito sa wikang umiiral sa Pilipinas. PAGSUSOG NI M. QUEZON SA MUNGKAHI NI SANTOS GAMIT ANG SALIGANG BATAS 1935
• “ Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling wikang opisyal na wika.” PAGSUSOG NI M. QUEZON SA MUNGKAHI NI SANTOS GAMIT ANG SALIGANG BATAS 1935
• Tandaan: ang probisyong ito ng 1935 ay
pagpapatibay sa pagbuo ng SWP o Surian ng Wikang Pambansa na siyang pipili at mag-aaral kung alin sa mga wika sa Pilipinas ang magiging Wikang Pambansa ANG KRAYTERYA NG SWP SA PAGPILI NG MAGIGING WIKANG PAMBANSA
• Wika ng sentro ng pamahalaan
• Wika ng sentro ng edukasyon • Wika ng sentro ng kalakalan • Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan TAGUMPAY ANG TAGALOG! PASOK SA BALDE NG SWP
• Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong
Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa batay na rin sa rekomendasyon ng SWP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at magkakabisa lamang ito pagkaraan ng dalawang taon. • 1940 dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimula ng ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampublliko at pribado. • 1946 matapos ang pagbibigay ng pormal na kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ng mga Amerikano ay kasabay rin ang pagproklama sa Tagalog at Ingles bilang wikang opisyal ng bansa sa ilalim ng Batas Komonwelt Bilang 570. • 1959 Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitang ang tawag sa wikang pambansa na Tagalog tungo sa Pilipino mula sa isang Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose Romero, ang Kalihim ng Edukasyon. • 1972 naging mainit muli ang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyonal nang 1972 kaugnay sa usaping pangwika. Kaya gumawa ulit ng probisyong pangwika sa saligang batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3 Blg. 2: “ Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang wikang panlahat na kikilalaning Filipino. Dito unang nagamit ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Subalit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa. SA 1987 KONSTITUSYON…
• Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyonal na binuo ng dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. • Artikulo XIV, SEKSIYON VI— “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” ANG WIKANG OPISYAL AT PANTURO WIKANG OPISYAL
• Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal
ay itinadhana ng batas na maging wikang opisyal na talastasan ng pamahalaan. • Ibig sabihin ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay ahensiya ng gobyerno. WIKANG PANTURO
• Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang
ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa silid-aralan. BATAYANG KONSTITUSYONAL NG WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL
• Atikulo XIV, Seksiyon 7-
“ Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinasay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.” MTB-MLE MULA KINDER-GRADE 3
• Sa pagpasok ng K-12 kurikulum, ang Mother
Tongue o Unang Wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kinder hanggang Grade 3 sa pampubliko at pribadong paaralan. MTB-MLE MULA KINDER-GRADE 3
• Ayon kay dating DepEd secretary Bro. Armin Luistro, “ang
paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makakatulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural. • Ang MTB ay ginagamit sa dalawang magkahiwalay na paraan: a. Asignatura b. Wikang Panturo.