You are on page 1of 19

Panahon ng

Komonwelt
Panahon ng Komonwelt
•Ito ang tawag sa Pilipinas noong 1935-1946
•Pinahintulutan ang Pambansang Asamblea
ng Pilipinas na maghalal ng mga kinatawan
na mag-aakda ng saligang batas ng bansa
•Pamumuno sa bansa habang nasa transisyon
ng pagiging ganap na malayang bansa
Philippines Independence Act
•Mas kilala bilang Batas Tydings-McDuffie (mula kay Sen.
Millard Tydings at Kinatawan John McDuffie ng Estados
Unidos)
•Ipinasa sa Kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay
noong Marso 24,1934
•Ipinasa sa Pambansang Asamblea noong Pebrero 8,
1935 at pinagtibay sa pamamagitan ng plebisito noong
Mayo 14, 1935.
Ayon sa Seksiyon 10(a)

Anim na buwan matapos mapagtibay, inihalal


na unang pangulo si Pang. Manuel L. Quezon
at ikalawa si Pang. Sergio Osmena na kapuwa
mula sa Partido Nacionalista.

Ayon sa Seksiyon 2(a)(8)


Pabor sa Ingles dahil:
1. Magiging suliranin ng estudyante kapag lumipat siya sa paaralan
ibang lalawigan dahil sa katutubong wika.
2. Magbubunsod ng rehiyonalismo at hindi nasyonalismo,
magdudulot din ng sentimentalismo dahil sa pangibabawan sila
ng wika ng ibang pangkat.
3. Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante sa mga
estudyante na hindi kaaya-aya pakinggan.
4. Malaki ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo nito na
umabot ng 500 milyong piso.
5. Susi ito sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa.
6. Makatutulong ito kung nais lumahok ng Pilipinas sa
globalisasyon dahil ito ang gamit sa pambansang kalakalan.
7. Mayaman ang Ingles sa Agham at sining na
magpapaunlad sa Pilipinas.
8. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga nito
dahil ayon sa Estados Unidos ay natagalan din sila sa
pagtamo ng bunga ng Ingles.
Pabor sa Katutubong Wika dahil:
1.Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng wikang Ingles
dahil sa mababang paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante.
2.Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang
konsepto at mas madaling matututunan ang katutubong wika dahil nasa
kamalayan na agad ito ng bata.
3.Kung kailangan talaga ng iisang wika, mas madaling linangin ang Tagalog
dahil 1% lang ng mga pamilyang Pilipino ang gumagamit ng wikang
Ingles sa tahanan.
4.Hindi natutulungan ng Ingles na harapin ang pang-araw-araw na
realidad sa kanilang karanasan. Magagamit lamang ito sa hinaharap
kung tutuloy ang estudyante sa mga unibersidad o mangingibang-bansa.
Panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kay
Catacataca at Espiritu (2005):
1.Ingles ang dapat maging wikang opisyal.
2.Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal.
3.Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang
wika.
4.Tagalog ang dapat na maging pambansang wika.
5.Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa
na may mandatong pangunahan ang pag-aaral at
pagrerekomenda ng isang pambansang wika.
Panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kay
Catacataca at Espiritu (2005):

6. Dapat magmula ang pambansang wika sa mga umiiral na katutubong


wika sa Pilipinas na pipiliin sa pamamagitan ng referendum.
Referendum = isang tuwid na halalan kung saan ang kabuuang elektorado ay
nasangguni kung tanggap o tutol sa kanila ang bukod na panukala. Ito ay
maaaring ang pagpapatibay ng bagong saligang-batas. Ang reperendum o
plebisito ay isa ring uri ng tuwid na demokrasya na tinuturing pabor ng mayorya.
7. Dapat bumuo ng isang pambansang wika na nakabatay sa Tagalog.
Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV, Seksiyon 3
-Napagpasyahan ng Komite sa Opisyal na Wika na ibatay ang
pambansang wika at hindi dayuhang wika, ngunit panatilihin ang
Ingles at Espanyol bilang mga wikang opisyal.

-Ayon kay Roberto Anonuevo, ang probisyong ito ay ipinaglaban


ng mga delegadong di-Tagalog na sina Felipe R. Jose, Wenceslao
Vinzons, Tomas Confesor, Hermenegildo Villanueva at Noberto
Romualdez.
Nobyembre 13, 1936
• Ipinasa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na pinamagatang “An Act to
Establish a National Language Institute and Define its Powers and
Duties.”

National Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang


Pambansa (SWP)
• Itinatag ito upang piliin ang katutubong wika na gamiting batayan
ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng
Pilipinas.
• Ang Pangulo nito ay si Jaime C. De Veyra
Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937 ay
pinamagatang “Proclaiming the National Language of the
Philippines Based on Tagalog Language” na nilagdaan ni
Pang. Quezon noong Disyembre 30, 1937.

• Tagalog ang wikang pinakamalapit na nakatutugon sa batas.


• Nagkakaisa ang mga Pilipinong iskolar at makabayan.
Noong ika-41 na anibersaryo ng kamatayan ni Rizal ay
bumigkas ng talumpati si Pang. Quezon sa radyo na nagbibigay
pugay. Sinabi din niya na ilang ulit na siyang nakadama ng
malaking kahihiyan dahil kapag napunta sya sa ibang lalawigan
ay kumukuha pa siya ng tagasalin makausap lamang ang mga
tao roon. At isinaad niya,

“Dapat na sa lalong madaling panahon


ay makapag-usap tayo ng tuwiran sa
pamamagitan ng isang wika.”
Ang Tagalog ay batayan lamang ng pambansang wika ngunit
hindi ito kalahatan o kabuuan. Ang pambansang wika ay
umpukan din ng mga salita muka sa iba’t ibang wika ng
Pilipinas.

• Noong Abril 1, 1940, ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 263, s. 1940, na ayon sa atas ay pinahihintulutan ng
Pangulo ang paglimbag ng dalawang publikasyon – A Tagalog-
English Vocabulary at ang Bararila ng Wikang Pambansa.

• Noong Hunyo 19, 1940, iniatas ang pagtuturo ng pambansang


wika sa lahat ng paaralang publiko at pribado sa bansa.

You might also like