bansang Cuba at paglilipat ng pamumuno sa Estados Unidos sa mga bansang Puerto Rico at Guam at ang pagbili sa Pilipinas sa halagang 20,000,000 dolyares. : ayon sa mga Amerikano papasok sila sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang isang “kaibigang” mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay, at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino. Upang mapasailalim ng kanilang pamamahala nagpadala si Pangulong McKinley ng 2 komisyon 1.Komisyong pinamumunuan ni Dr. Jacob Schurman -ayon sa konsultasyon ng komisyon pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol dahil ang Ingles ay… . –“mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya.”
–dahil dito inirekomenda ng komisyon ang
agarang pagtuturo ng Ingles sa mga paaaralang primarya 2. Komisyong pinamumunuan ni Wiliam Howard Taft -sinusugan ang komisyong Schurman at inirekomenda ang pagkakaroon ng wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa bansa gayong may kanya-kanyang wika ng bawat pangkat sa Pilipinas Dept. of Public Instruction(kasalukuyang DepEd): mangangasiwa sa libreng edukasyon sa bansa. *Itinakda rin ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan •INGLES: opisyal na wika sa bansa dahil ito ang wika ng silangan, wika ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong mag-Espanyol at wika ng pwersang namamahala sa Pilipinas at dahil mas madali rin daw matutuhan ang Ingles kaysa sa Espanyol. Mahigit 500 gurong Amerikano(Thomasites) ang ipinadala lulan ng USAT: United State Army Transport
dahil sa mga mungkahi ni ALBERT TODD:
1. Pagtuturo ng panimulang Ingles at gawing sapilitan ang pagpasok dito kung kinakailangan. 2. Pagtatayo ng mga paaralang pang-industriya na magtuturo sa mga kasanayan sa paggawa kapag may sapat ng kaalaman sa Ingles ang mga katutubo. 3. Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralang nasa ilalim ng pamamahala ng mga amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng transisyon ng mga wikang katutubo o Espanyol. 4. Dapat magpadala sa Pilipinas ng sapat na guro sa Ingles na bihasa sa pagtuturo sa elementarya upang pangunahan ang pagtuturo kahit muna sa malalaking bayan. 5. Dapat magtayo ng isang paaralang normal na huhubog ng mga Pilipno na magiging guro sa Ingles : isang propesor sa Princeton University na itinalaga ni Woodrow Wilson ng EU, ayon sa kanya ang puspusang pagtuturo ng Ingles ay walang malinaw na resulta, dahil ang uri ng Ingles ay mahirap intindihan kung kaya wikang Espanyol ang ginamit bilang wika ng komunikasyon. Sa huli inirekomenda ni Ford ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan. Panahon ng mga Kastila- Ipinagamit ang wikang katutubo. Hindi ipinagamit ang wikang espanyol, sa halip, ang mga Kastilang mananakop ang nag-aral ng wika ng mga katutubo. Panahon ng Amerikano-Malayang ipinagamit ang wikang Ingles. Itinuro ang Ingles sa mga paaaralan at ginamit ang Ingles bilang wika sa pagtuturo. Maraming Pilipino ang natuto at nagsalita sa wikang Ingles. Panahon ng Hapon- Tinawag na “Gintong Panahon ng Tagalog.” Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Kastila at Ingles. Naging puspusan ang pagpapagamit ng Tagalog sa mga paaralan.