You are on page 1of 16

Wika sa Panahon ng

mga Amerikano
Ni: KRISALVE T. CHIN
LAYUNIN:
-matatalakay ang mga mahahalagang
pangyayaring humubog sa wikang
pambansa sa panahon ng mga
Amerikano

-maipapaliwanag ang sitwasyong


pangwika sa Pilipinas sa panahon ng
Amerikano
William Howard Taft
Pangulong William McKinley
Dr. Jacob Schurman
Kasunduan sa Paris
 -ay kasunduang nilagdaan noong ika-10 Disyembre at nagkaroon ng
bisa noong ika-11 ng Abril 1899.
 -napapaloob dito na nailipat na ang pamamahala ng Pilipinas mula
Espanya tungo sa Estados Unidos

 Pangulong William MCKinley- inihayag ang magiging bisa sa Pilipinas


ng Kasunduan sa Paris sa pamamagitan ng Benevolent Assimilation.

 Benevolent Assimilation- ayon dito, papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop
kundi bilang “kaibigan” na mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay at karapatang pansarili at
panrelihiyon ng mga Pilipino.
 Upang mataya ni Pangulong McKinley ang kalagayan
ng Pilipinas ay nagpadala ito ng dalawang komisyong magsasagawa
ng pag-aaral dito at ito ay ang mga sumusunod:
 1. Komisyong Schurman- ito ay pinamumunuan ni Dr. Jacob Schurman
na siyang pangulo ng Cornell University.
 -ayon dito, napag-alaman na higit na pinipili ng mga pinunong
Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga pampublikong
paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol. Ito ay dahil ang
Ingles umano ang “mahigpit na nagbibigkis sa mamamayan at
mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng
demokrasya.” ( Cataraca at Espiritu, 2005)
 Kaya inirerekomenda ang agarang pagtuturo ng Ingles sa
mga paaralang primarya.
2. Komisyong Taft- ito ay pinamunuan ni William Howard
Taft, na isang pederal na hukom sa Ohio at dating pangulo ng
US.
- sinusugan nito ang inihayag ng Komisyong Schurman at
nagrerekomenda rin ng pagkakaroon ng isang wika na
gagamiting midyum ng komunikasyon sa Pilipinas gayong
may kani-kaniyang wika ang bawat pangkat ng bansa.
Batas blg. 74 (Philippine Commission Act no. 74)-
- batas na binuo ng ikalawang komisyon(Komisyong Taft) dahil sa
kapangyarihang ipinagkaloob dito
- itinatag noong ika-21 ng Enero 1901 na nagtatag ng Department of Public
Instruction (kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon)na mangangasiwa sa
libreng pampublikong edukasyon sa bansa.
-itinakda rin na hanggat maari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa
lahat ng paaralang bayan dahil ayon kay Taft ay ito ang wika ng silangan, wika
ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipino na hindi
marunong ng Espanyol, at wika ng puwersang namamahala sa Pilipinas.
- (Di natagalan ay isinama sa Administrative Code noong 1917 sa Ilalim ng
Article IV, Section 22)
 Kapitan Albert Todd- nagtayo bilang pansamatalang pinuno ng pagtuturong
publiko sa ilalim ng pamahalaang military at iminungkahi ang mga sumusunod:
 1. Dapat agad na itaguyod ang komprehensibong Sistema ng makabagong
paaralan na magtuturo ng panimulang Ingles, at gawing sapilitanan ang pagpasok
dito kung kinakailangan.
 2. Dapat magtayo ng mga paaralang pang-industriya na magtuturo ng mga
kasanayan sa paggawa kapag may sapat na kaalaman na sa Ingles ang mga
katutubo.
 3. Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralan na nasa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng transisyon
ang mga wikang katutubo o Espanyol.
 4. Dapat magpadala ss Pilipinas ng sapat na guro sa
Ingles na bihasa sa pagtuturo sa elementarya upang pangunahan ang pagtuturo at
magsisimula ito sa malaking bayan.
 5. Dapat magtayo ng isang paaralang normal
na huhubog sa mga Pilipino na magiging guro ng Ingles.

 Thomasites- grupo ng 600 na gurong sumakay sa barkong Thomas mula sa


Amrerika at magtuturo sa mga batang Pilipino.
 -ginampanan nila ang iba’t ibang tungkulin mula sa
pagiging paramedikong nagtuturo ng mga modernong
paggamot sa mga sakit hanggang sa pagiging karpintero na
tumulong sa mga gawaing konstruksiyon.(Catacata at
Espiritu, 2005)
 Newton W. Gilbert- pansamantalang gobernador-heneral ng Pilipinas noong 1913
 -nagsaad ng kautusang nagbigay-diin sa halaga ng Ingles sa pamahalaan

 Mga Nilalaman ng Kautusan


1. Ang mga katitikan ng pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay dapat nakasulat
sa Ingles.
2. Ang lahat ng Opisyal na korespondensiya, sa mga naglilingkod man sa pamahalaan o sa mga
pribadong indibidwal ay dapat nakasulat sa Ingles.
3. Unahing itaas ang mga ranggo ng mga indibidwal na may sapat na kasanayan sa Ingles, parehong
sa pasalita o pasulat na komunikasyon.

 Pagnilayan:
Sa iyong palagay, may itinatago bang interes ang mga Amerikano sa pagtuturo ng kanilang wika sa
katutubo? Ipaliwanag.
 Propesor Henry Jones Ford ng Princeton
University-
 itinalaga ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados
Unidos upang magsagawa ng pag-aaral sa bansa.
 ayon sa kanyang pag-aaral,, napag-alaman na walang
malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng Ingles sa
mga Pilipino na ginastusan ng malaking halaga ng
Pamahalaang Amerikano.
-napakahirap umanong intindihin ang uri ng Ingles na
sinasalita ng mga Pilipino at sa katutubong wika pa rin
nagbabasa at nagsusulat ang karamihan sa kanila.
-Sa huli, inirekomenda ni Ford ang paggamit ng wikang
katutubo sa mga paaralan ngunit ipinagpatuloy pa rin ang
pagtuturo dito.
 Pagkatapos magawa ang educational survey noong 1925, nagkaroon ng alinlangan tungkol sa bisa ng
wikang Ingles kaya pinasa ng gobyerno ang Concurrent Resolution No. 17.
 Concurrent Resolution No. 17–inulit dito ang suportang ibinigay sa mga paaralang pampubliko para
mapadali ang pagtatag ng isang bayang nagsasariling namamahala, malaya, at demokratiko, at nakasalalay
sa mga mamamayang nakapag-aral at napakikinabangan. Sa wari, ang literasiyang nilalayong matamo ay
ang sa Ingles dahil ang Ingles lamang ang ginagamit sa mga paaralang pampubliko.

 Noong itinatag ang Commonwealth Constitution, walang indikasyon sa Constitutional Convention na


gawin ang Ingles bilang wikang pambansa. Itinakda ang isang probisyon para sa pagdebelop ng isang
wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na mga katutubong wika. Binanggit ang Ingles, kaugnay ng
paggamit nito, bilang isa sa mga opisyal na wika.
 Disyembre, 1937-prinoklama ang wikang pambansa batay sa Tagalog at itinuro ito sa mga paaralan mula
noong 1940.
Maraming Salamat!!!!!!!

You might also like