You are on page 1of 5

Komunikasyon

Ebite, Ren Stephen C.


11 - Cadbury
STEM

Panahon ng espanyol (1565 - 1898) mayroon ng sariling sistemang pangwika ang mga sinaunang
pilipino at mayroon ding sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay bago pa man dumating
ang mga espanyol. May mga diyos din itong sinasamba sa pamamagitan ng paganismo at mayroon
ding sariling teknolohiya at kasangkapan na gamit sa mga iba’t ibang gawain. Sa panahong iyon ang
pinakamayang panitikan ay ang tagalog. Noon pa man ay nabuo na ang sistema ng pagsulat dahil sa
sibilisasyon ng ating mga ninuno. Ang pangunahing layunin ay maipalagap ang kristiyanismo.
Si Haring Carlos I (1516-1556) siya ang nagturo sa pananampalataya ng Katoliko sa wikang
Espanyol. Si Haring Felipe IV (1621-1665) naman siya yung nag utos na ituro ang wikang espanyol
sa mga katutubo at hindi na lamang sa nais na matuto nito.
Si Haring Carlos II (1665-1700) siya yung nagbigay - diin sa atas nina Haring Carlos I at Haring
Felipe IV at pagbibigay ng kaparusahan sa mga hindi susunod dito.
Haring Carlos IV (1788-1808) siya yung nag utos na gamitin ang wikang espanyol maging sa
kumbento, monastery, lahat ng gawaing hudisyal, at ekstrahudisyal, at gawaing pantahanan.
(1867 - 1899) ang espanya ng 14 na atas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang
Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo.
Ayon sa artikulo VII, inakda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho, at nilagdaan noong ika- 1 ng
nobyembre 1897 ang “TAGALOG ANG DAPAT NA MAGING WIKANG OPISYAL NG REPUBLIKA”

Panahon ng Amerikano (1898 - 1946) noong ika-10 ng Disyembre 1898 nagsaad ng mga kinatawang
mula sa espanya at estados Unidos ang kasunduan sa paris na ililipat sa pamamahala ng pilipinas
mula espanya tungo sa estados Unidos. Mula kay William Mckinley “papasok ang mga amerikano sa
pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang kaibigan” at si pangulong mckinley ay nagpadala ng
dalawang komisyong mag aaral ng kanilang pamahalaan. Ayon kay Dr. Jacob Schurman noong
ika-20 ng enero 1899 napag alaman niya na ang mga pinunong pilipino ay mas pinipiling ituro ang
wikang ingles. Ayon kay Willian Howard Taft siya ay bumuo ng batas na hangga’t maaari ay ingles
ang gagamiting wikang pangturo sa lahat ng paaralan. Ika-23 ng Agosto 1901 - nagpadala ng
mahigit 500 gurong amerikano. Ayon kay Newtown W. Gilbert (gobernador heneral ng pilipinas
noong 1913) ang mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay dapat nakasulat sa Ingles. Ang
lahat ng opisyal na naglilingkod sa pamahalaan o pribadong individwal ay dapat nakasulat din sa
ingles. At ang lahat na may kasanayan sa ingles, pasalita at pasulat na komunikasyon ay itataas ang
ranggo. Si Henry Jones Ford ay ipinadala sa isang misyon para pag-aralan ang kalagayan ng
pilipinas. Sa pag aaral niya ay napagalaman niya na walang malinaw na resulta ang pagtuturo ng
ingles sa mga pilipino at napakahirap intindihin ang uri ng ingles na sinasalita ng mga pilipino.
Wikang katutubo parin ang binabasa at sinusulat ng karamihan sakanila. Sa huli, Inirekomenda niya
na gamitin na ang wikang katutubo sa mga
paaralan.

Panahon ng Komonwelt (1935) ang estados unidos ay gumawa ng malaking hakbang para
maipagkaloob sa mga pilipino kalayaang pampolitika. Batas Tydings-Mcduffie senador millard
tydings- congressman john mcduffie. Batas sa kalayaan ng pilipinas Pampublikong batas Blg.
73-127 ito ay naaprubahan noong ika-24 ng marso taong 1934 ay isang batas ng estados Unidos na
nagkaloob ng sariling pamahalaan ng pilipinas at ito ay nilagdaan ni Franklin Roosevelt. Noong ika-8
ng Pebrero 1935 binuo ang Batas Tydings-Mcduffie ang pambasang asemblea na nagpapatibay sa
mamamayang Pilipino noong ika-14 ng Mayo 1935. Inihalal si Manuel L. Quezon bilang pangulo ng
komonwelt na nagsilbi ng sampung taon. Si Sergio Osmeña (1935) ang pangalawang pangulo ng
Pilipinas. ARGUMENTONG PABOR SA PAGGAMIT NG INGLES; Ang| pagtuturo sa katutubong wika ay
maaaring maging suliranin kapag ang isang estudyante ay lumipat sa ibang lugar dahil sa
pagkakaiba-iba ng wika sa bawat lalawigan. Ito'y maaring magresulta sa kawalan ng pagsasanay sa
bagong wikang ginagamit sa bagong paaralan, na maaaring makaapekto sa pag-aaral ng
estudyante. Hindi magiging kaaya-ayang pakinggan kung dalawang wika ay sabay na ituturo sa mga
Pilipino sapagkat maari itong magtulak ng code-switching. 500 milyon ang naipamuhunan ng
pamahalaan sa pagtuturo ng ingles, dahil sinasabi ang wikang Ingles ang susi upang makamit ang
pambansang pagkakaisa dahil kapag natuto ang mga Pilipino ng Ingles makakatulong ito upang
makilahok sa globalisasyong kalakalan. ARGUMENTO PABOR SA MGA KATUTUBONG WIKA. Ayon
dito sinasabing pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag aaral ng ingles sapagkat kapag
humantong na sa ika-5 baitang ang mga mag aaral noon ay humihinto na ito basta't matuto lang sila
ng kailangan nilang matutunan. Tsaka mahirap ituro ang ingles sapagkat banyaga lamang ang
naiintindihan kailangan pang ituro ang wikang ingles na iyon upang maintindihan, at mas madali
kasing intindihan ang wikang tagalog kasi ito na ang nakasanayan ng mga Pilipino at ayon dito hindi
nakakatulong ang wikang ingles sa mga estudyanteng Pilipino maliban na lang kung ito ay
ipagpapatuloy nila sa uniberdad o hindi nama'y mangingibang bansa sila para matuto sa pang araw
araw. PANUKALA UKOL SA PROBISYONG PANGWIKA, dito sinasabi na ang dapat na maging wikang
opisyal ay Ingles, ang iba nama'y sinasabing tagalog ang maging wikang opisyal, mayroon pa na
dapat ang maging wika natin ay ingles at espanyol kayan naman ayon sa Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) naglalayon sila na magsagawa ng pag aaral tungkol sa ating wika sa Pilipinas kung
ano ba talaga ang karapat dapat na maging wikang pambansa natin.
Tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ayon dito kailangan ng kalahating milyong Pilipino
ang gumagamit ng lisang wika upang matukoy kung ano ba talaga ang magiging permanenteng
wika, at pag aaralan ang sistemang ponetika at ortograpiyang Pilipino hanggang matapos ang isang
taon na pag-aaral napagpasiyan na ang Tagalog ang siyang magiging wikang pambansa ng Pilipinas
na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937. Noong ika-19 ng Hunyo 1940|
naman dito iniatas na ng pamahalaan na ang gagamitin sa pagtuturo ay ang wikang pambansa natin
at ito ay walang iba kundi ang Tagalog.

Panahon ng Hapon (1942-1945), Noong Disyembre 8 1941 binomba ng mga sundalo g hapones ang
pilipinas Pagkaraan ng ilang linggo, umatras sina Heneral Douglas Mcarthur na kasama ang
pamamahala ni Manuel L. Quezon. Enero 2, 1942 pinasok ng militar ng hapon ang maynila. Abril 9,
1942- Sumuko ang bataan sa pwersa ng mga hapones. Pagkaraan ng pagbagsak ng bataan sa
kamay ng hapon nagpunta si macarthur sa Australia. Pinalitan siya ni HENERAL JONATHAN
WAINWRIGHT, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban,hanggang sa mapilitan sumuko ang mga
pilipino at amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Ang mga hapones ay naglatag ng isang
pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.
Jose P. Laurel (1943-1945) siya ang pinili ng mga hapon bilang pangulo ng ikalawang republika ng
pilipinas noong ika-14 ng oktubre 1943. Sa pagsakop ng mga hapon sa pilipinas,unti-unti binura ng
mga pwersang hapones ang anumang impluwensiya ng wikang pamana ng estados Unidos. Ayon sa
ordinansa militar Blg. 13 na ipinalabas noong ika -24 ng hulyo 1942 ng Philippine Executive
Commission na pinamunuan ni Jorge B. Vargas, ang tagalog at nippongo ang magiging mga opisyal
na wika sa pilipinas. Artikulo IX, Seksiyon 2 , “dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan
tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tagalog bilang pambansang wika”. Ika-30 ng
Nobyembre 1943 si pangulong laurel ay naglabas ng kautusang tagapagpaganap blg. 10 na
nagtatakda ng pagtuturo ng pambansang wika. Noong Ika-3 ng Enero 1944 binuksan ang isang
surian ng tagalog, gaya ng surian ng niponggo, upang ituro ang tagalog sa mga gurong di-tagalog
na pagkaraan ay ipadadala sa mga lalawigan upang magturo ng pambansang wika. Ang mga
pinunong militar ng puwersang hapones ang naging mga tagapagturo ng nippongo. Noong Oktubre
1944 muling bumalik ang pwersa ni Douglas Macarthur at nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya
sa pilipinas. Sergio Osmeńa (1944-1946) siya ang naproklama bilang bagong pangulo ng pilipinas
nang mamatay si Manuel L. Quezon. At noong pebrero 1945 malakas na nabomba ng mga sundalo
ng estados Unidos ang maynila dahil dito napilitan sumuko ang mga hapon.

Panahon ng Ikatlong Republika hanggang Kasalukuyang Panahon, noong ika-4 ng Hulyo 1946 ay
kasabay ng pagdiriwang ng estados Unidos ng sarili nitong araw ng kasarinlan, idineklara rin ang
Kalayaan ng pilipinas mula sa kanila. At dito nabuo ang mga batas. Proklamasyon blg.12, s. 1954
naglabas si pangulong Ramon Magsaysay noong ika-26 ng marso 1946 na pagdiriwang ng linggo ng
wikang pambansa mula ika-29 ng marso hanggang ika -4 ng abril taon taon. Proklamsyon blg.186,
s.1955 inilipat ang petsa ng linggo ng wikang Pambansa sa ika -13 hanggang ika-19 ng Agosto
bilang paggunita sa kapanganakan ni pang. Manuel L. Quezon na kinikilalang “ama ng pambansang
wika”. Kautusang tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963 ipinatupad ni pang. Diosdado Macapagal noong
ika-19 ng disyembre 1963 na nagtatakda ng pag-awit ng pambansang awit ng pilipinas. Kautusang
tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967 ay ipinatupad ni Pang. Ferdinand E. Marcos noong ika -29 ng
oktubre 1967 na nagtatakda ng pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng edipisyon, gusali, at ahensiya
ng pamahalaan. Memorandum sirkular Blg. 172, s. 1968 ay iniaatas nito ang pagbigkas sa Pilipino ng
panunumpa sa tungkulin ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at paglalagay ng salin sa Pilipino ng
mga katawagang ingles. Kautusang tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 ay ipinalabas ni pang. Marcos
noong ika- 6 ng Agosto 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggang maaari sa linggo ng wikang
Pambansa. Memoramdum sirkular Blg. 277, s. 1969 ipinalabas ni kalihim tagapamagpaganap
Ernesto M. Maceda noong ika-7 ng Agosto 1969 na nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang
pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod ng bansa upang
paigtingin ang kamalayang maka-Pilipino ng mamamayan. Memorandum sirkular Blg. 368 s. 1970 ay
ipinalabas ni pansamatanlang kalihim tagapagpaganap Ponciano G. A. Mathay noong ika-2 ng hulyo
1970 na nag-aatas sa lahat ng pinuno ng mga kagawaran. Kautusan tagapagpaganap Blg. 117, s.
1987 ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong ika-30 ng enero 1987 na nag-aatas ng
reorganisasyon ng kagawaran ng edukasyon, kultura at isports (DECS, Deparatment of education,
culture and sports) ayon sa seksiyon 17 nito, ang SWP ay kikilalanin LINANGAN NG MGA WIKA SA
PILIPINAS o (LWP). Kautusang pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng
DECS ay ipinalabas ni kalihim Lourdes R. Quisumbing ng DECS noong ika-12 ng marso 1987 na
nagtatakda ng paggamit ng salitang FILIPINO kailanman tutukuyin ang pambansang wika ng
pilipinas.ito ang pagsunod sa isinaad sa artikulo XIV seksyon 6-7 ng saligang batas ng 1987 na ang
pambansang wika ng pilipinas ay FILIPINO. Kautusang pangkagawaran Blg. 81. s. 1987 ng
DECS ay ipinalabas ng kalihim Quisumbing na
nagpapakilala sa alpabeto at patnubay sa
ispeling ng wikang filipino na binuo ng LWP.ayon sa dokumento, ang alpabetong filipino ay binubuo
ng 28 titik. Batas republika Blg. 7104 ay ipinasa ng kongreso at ipinatupad noong ika-14 ng Agosto
1991 na lumilikha sa komisyon sa wikang filipino(KWF). Proklamasyon Blg. 10, s. 1997 ay ipinalabas
ni Pang. Fidel V. Ramos noong ika-5 ng hulyo 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng
buwan ng pambansang wika tuwing Agosto. Ito ay pagpupugay na rin sa kinikilalang “ama ng wikang
pambansa”na isinilang noong ika-19 ng Agosto 1878. Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF ay
ipinasa ni tagapangulo Virgilio S. Almario noong ika- 12 ng abril 2013 na nagpapasiya ng pagbabalik
ng opisyal na pangalan ng bansa mula“PILIPINAS” tungong “FILIPINAS” at pagpapatigil sa paggamit
ng una upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa
kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito.

Pambansang Wika at Opisyal na Wika


Ang pambansang wika ay isang wikang sama-sama na tinataguyod ng mamamayan sa isang bansa
na nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan. Nadadama ng mamamayan ang kanilang
pagkamamamayan, gaya ng pag-awit ng pambangsang awit o panunumpa ng katapatan sa watawat.
Artikulo XIII Sekysiyon 3 ng saligang batas ng 1935 ang kongreso ay dapat gumawa ng mga
hakbang upang magkaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa umiiral na katutubong wika.
Batas Komonwelt blg.184 ay ang surian ng wikang pambansa na may karapatan pumili ng
katutubong wika na gagamiting batayan sa ebolusyon at adapsiyon ng pambansang wika ng
pilipinas. Ika-9 ng nobyembre 1937 tumibay ang isang resolusyon na nagrerekomenda sa tagalog
bilang batayan ng pambansang wika. Kautusang tagapagpaganap blg.134(1937) inihayag na ang
tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa sa pilipinas. Kautusan Pangkagawaran
blg.7 s.1959 ito ay sa pamumuno ni kalihim Jose E. Romero iniatas na kailanman tutukuyin ang
pambansang wika, ang salitang Pilipino ang gagamitin. Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng saligang batas ng
1987 ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino, samatalang nililinang, ito ay dapat payabungin
pa salig sa umiiral na mga wika ng pilipinas. Opisyal na wika ito ay wikang itinatalaga ng tiyak na
institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan, halimbawa ay ang pamahalaan o
isang kompanya o isang organisasyon. Sa panahon ng amerikano, ingles ang naging opisyal na wika
bilang iyon ang wika ng mga dayuhang nagpapatakbo ng pamahalaan. Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng
saligang batas ng 1935 na habang walang ibang tinatadhana ang batas, ang ingles at espanyol ay
ang mga opisyal na wika. Pinalitan ang Espansyol ng PILIPINO dahil sa may matatag itong gramatika,
hindi mapapasubaling ito ang wikang ginagamit ng mas nakararaming mamamayan. Artikulo XV,
Seksiyon 3 ng saligang batas ng 1973 na habang walang tinatadhana ang batas ay ang ingles at
pilipino ang magpapatuloy na mga opisyal na wika ng bansa. Hanggang ngayon nanatili ang gayong
katayuan ng Filipino at Ingles hanggang sa kasalukuyang panahon.

You might also like