You are on page 1of 3

MONDRIAAN AURA COLLEGE

Senior High School Department


First Semester, A.Y. 2021-2022
H-8931 Former SubCom Area, Subic Bay Freeport Zone

Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Amerikano


Nang nilagdaan ng mga kinatawan mula sa Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris (Treaty of Paris)
noong ika-10 ng Disyembre 1898 na nagkabisa noong ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala sa
Pilipinas mula sa Espanya papuntang Estados Unidos.
Pang. William McKinley
 Inihayag niya ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre 1898 sa
pamamagitan ng proklamasyon ng Benevolent Assimilation.
Benevolent Assimilation – ayon dito, papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang isang mananakop
kundi bilang isang “kaibigang” mangangalaga sa tahanan, hanapbuhay at karapatang pansarili at panrelihiyon
ng mga Pilipino.
Upang mataya ang kalagayan ng teritoryong napasailalim sa kanilang pamamahala, nagpadala si McKinley ng
dalawang Komisyong mag-aaral dito, ang Komisyong Schurman at Komisyong Taft.
Komisyong Schurman
 Binuo noong ika-20 ng Enero 1899
 Pinamunuan ni Dr. Jacob Schurman na noon ay pangulo ng Cornell University.
 Ayon sa konsultasyon at pagdinig ng komisyong Schurman, napag-alaman na higit na pinipili ng mga
pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo.
 Ang Ingles umano ay mahigpit na “nagbibigkis sa mga mamamayan at mabisang instrument sa
pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya.”
 Dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang pagtuturo ng Ingles sa paaralang primary sa lahat ng
pampublikong paaralan.
Komisyong Taft
 Ikalawang komisyon na ipinadala ng dating pangulong McKinley
 Pinamunuan ni William Howard Taft, isang pederal na hukom sa Ohio na itinalaga sa katungkulan noong
ika-16 ng Marso 1900
 Sinusugan nito ang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Komisyong Schurman at agad inirekomenda rin ng
pagkakaroon ng isang wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa bansa gayong may kani-kaniyang
wika ang bawat pangkat sa Pilipinas
Batas Blg. 74
 Inilabas noong ika-21 ng Enero 1901
 Nagtatag ng Department of Public Instruction (ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd)
Department of Public Instruction
 Mangangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon ng bansa na magiging bukas sa lahat ng mamamayan
nito.
 Itinakda rin nito na hangga’t maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan
MONDRIAAN AURA COLLEGE
Senior High School Department
First Semester, A.Y. 2021-2022
H-8931 Former SubCom Area, Subic Bay Freeport Zone

Ayon kay Taft, napili ang Ingles na maging wikang opisyal sa Pilipinas dahil ito ang wika ng silangan, wika ng
isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong ng Espanyol, at wikang
pwersang naamahala sa Pilipinas.
Kapitan Albert Todd
 Pansamantalang tagapamuno ng pagtuturong publiko sa ilalim ng pamahalaang militar.
 Nauna na niyang iniulat ang mga nagging pahayag ni G. Taft kaugnay ng paggamit ng wikang Ingles.
 Iminungkahi ang mga sumusunod:
o Dapat itaguyod sa lalong madaling panahon ang komprehensibong sistema ng makabagong paaralan
na magtuturo ng panimulang Ingles, at gawing sapilitan ang pagpasok dito kung kinakailangan.
o Dapat magtayo ng mga paaralang pang-industriya na magtuturo ng mga kasanayan sa paggawa
kapag may sapat nang kaalaman sa Ingles ang mga katutubo.
o Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralang nasa ilalim ng pamamahala ng mga
Amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng transisyon ang mga wikang katutubo o ang
Espannyol.
o Dapat magpadala sa Pilipinas ng sapat na guro sa Ingles na bihasa sa pagtuturo sa elementarya upang
pangunahan ang pagtuturo kahit muna sa malalaking bayan.
o Dapat magtayo ng isan paaralang normal na huhubog ng mga Pilipino na magiging guro sa Ingles.
Mga Tugon sa mga Rekomendasyon ni Kapitan Todd
 Nagpadala ng mahigit sa 500 gurong Amerikano na lulan ng United State Army Transport (USAT) Thomas
ang dumaong sa Maynila noong ika-23 ng Agosto 1901
 Nagpatayo ng mga paaralang pambayan, pagdaragdag ng mga pasilidad pampaaralan, at pag-aangkat ng
mga materyales na panturo mula Estados Unidos na nagpatatag sa pagtuturo ng Ingles.
Newton W. Gilbert
 Pansamantalang gobernador-heneral ng Pilipinas noong 1913.
 Nagpalabas siya ng mga kautusan upang mapilitan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles, mga kautusang
magbibigay-diin sa halaga ng Ingles sa pamahalaan.
Mga Kautusang Ipinatupad ni Newton W. Gilbert
 Ang mga katitikan ng mga pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay dapat nakasulat sa
Ingles
 Ang lahat ng opisyal na korespondensiya sa mga naglilingkod man sa pamahalaan o sa mga pribadong
indibidwal ay dapat nakasusulat sa Ingles.
 Uunahing itaas ang ranggo ng mga taong may sapat na kasanayan sa Ingles, sa parehonng pasalita at pasulat
na komunikasyon.
Pagsapit ng 1928, naiulat na halos lahat ng sangguniang pambauan at panlalawigan ay nakagagamit na nga
ngIngles. Masasabing nagpapatunay ito na nagtagumpay ang mga Amerikano sa pagpapalaganap ng kanilang
wika.
Henry Jones Ford
MONDRIAAN AURA COLLEGE
Senior High School Department
First Semester, A.Y. 2021-2022
H-8931 Former SubCom Area, Subic Bay Freeport Zone

 Propesor sa Princeton University na itinalaga ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos para sa
isang misyon upang pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas.
 Nagpapahayag ng pagsang-ayon sa naunang pahayag na nagtagumpay ang mga Amerikano sa
pagpapalaganap ng kanilang wika.
 Lumabas sa kanyang pag-aaral na:
o Walang malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na ginastusan nang
malaki ng Amerikano.
o Napakahirap umano unawain ang uri ng Ingles na sinasalita ng mga Pilipino.
o Sa katutubong wika pa rin nagbabasa ang karamihan sa mga Pilipino.
o Patuloy pa ring ginagamit ang Espanyol bilang wika ng Komunikasyon.
o Sa huli, inirekomenda niya ang paggamit ng wikang katutubo bilang wikang panturo sa mga
paaralan.

You might also like