You are on page 1of 2

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Panahon ng mga Kastila

 Bago dumating ang mga kastila sa bansa mayroon ng alpabeto ang mga
ninuno natin. Ito ay tinatawag na Alibata o baybayin.
 Ang baybayin ay binubuo ng 17 titik. Tatlong patinig at labing-apat na katinig.
 Noong Marso 16, 1521 sinakop ng mga kastila ang bansa natin sa
pamumuno ni Ferdinand Magellan.
 Layunin ng mga Kastila na ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang
Kristiyanismo
 Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko o di-sibilisado ang mga
katutubo kaya’t dapat lamang gawin silang sibilisado sa pamaamgitan ng
kanilang pananampalataya
 Ngunit malaking usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng
Kristiyanismo kaya sila’y naniniwala na mabisa ang paggamit ng katutubong
wika sa pagpapatahimik sa mga mamamayan .
 Ang mga Prayleng Espanyol ang nagging institusyon ng mga Pilipino.

Panahon ng mga Amerikano

 Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga


Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Kung saan nagsimula naman
ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng
Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking
kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
 Ginagamit ang Ingles bilang wikang panturo sa panahong iyon. Sa dinarmi-
rami ng wika’t wikain sa bansa wikang dayuhan ang naging wikang panturo at
pantalastasan.
 Sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting
pakikipag-ugnayan, nagkaroon ng pambansang sistema ng edukasyon sa
kapuluan.
 Ang komisyong pinamumunuan ni Schurman ay naniniwalaang kailangan ang
Ingles sa edukasyong primary.
 Ipinahayag ng baong director na wikang Ingles lamang ang gagamitin bilang
wikang panturo at ipinagbabawal ang paggamit ng bernakular.
 Naniniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad
sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga
Pilipino at mga Amerikano. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at
sumunod ang grupong kinikilala sa tawag na THOMASITES.

PANAHAON NG MGA HAPONES

 Sa panahon ng mga Hapones, nagkaroon ng pagsulong ang wikang


pambansa.
 Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano,
ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay
ng mga Pilipino.
 Maging ang paggamit ng aklat, peryodikotungkol sa Amerika ay
ipinagbabawal din.
 Ipinagamit nila ang wikang katutubo partikular ang wikang Tagalog sa
pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
 Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
 Sa panahong ito, ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-utos na
gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nohonggo)
 Binuksan ang paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang
Nihonggo ngunit binigyang diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na
ang paggamit ng ingles.
 Sa panahong ito isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas. Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na henerasyon
pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng
Imperyong Hapones

Panahon ng Pagsasarili Hanggang Kasalukuyan

 Hulyo 4, 1946 panahon ng liberasyon pinagtibay rin na wikang opisyal sa


bansa ang Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
 Agosto 13, 1959 pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog ito
ay nagging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni dating Kalihim Jose B. Romero.
 Sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ay ipalimbag na sa wikang Pilipino.
 1963, ipinagutos na awitin ang pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
 Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas, bumuo ng
bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay
nilinaw ang kailangang gawin upang maitaguyod ang wukang Filipino. Ayon
sa kanya isulong ang wikang Filipino
 Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksyon 6 nagsasaad
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
 Sa kasalukuyan marami paring sagabal ang pagsulong ng wikang
Filipino.

You might also like