You are on page 1of 26

TAGAPAMAGITAN:

(Introduksyon)
Magandang araw, mga
tagapakinig.
Ating tunghayan ang
usaping sigasig.
Makinig at sa amin lang
ilaan ang titig.
Dahil sa oras na ito ay may
Ako ang mamamagitan sa
dalawang magkalaban.
Ang ngalan ko’y ______ wag
ninyong kalilimutan.
Usaping trabaho at pagaaral ay
ating pakinggan.
Halina’t simulan na natin ang
ating balagtasan.
(UNANG TINDIG): TRABAHO
Sa lahat ng mga naririto,isang
mapagpalang araw ang bati ko.
Sa ganitong klaseng bangayan,
wala nang dapat pang pag-
usapan.
Mas malinaw pa sa araw,
trabaho ang kailangan.
Makaahon sa hirap? Tiyak
ako ang kailangan.
_________, panig sa
pagtatrabaho,
Upang buhay ay umasenso.
Trabaho ay nariyan,
Nang buhay ay yumaman.
PAG-AARAL:
Sa aking paglaki, ako’y nahubog sa
silid aralan.
Buong pagkatao ko’y naniniwala na
mayroong patutunguhan.
Maling-mali ang inyong
hinuhusgahan.
Pag-aaral? Ang siyang dapat nasa
isipan.
Paaralan ang siyang
humubog,
Upang utak ay mabusog.
Dapat na bigyang pansin
kaysa sa pagkakakitaan,
Dahil sa panahon
ngangayon,
Ako si _______,
ang inyong butihing lingkod.
Pag-aaral ay itataas, sa
bandera ng silanganan.
Ngayon, ako’y iyong samahan
Nanghuhusga’y ating labanan.
TAGAPAMAGITAN:
Ngayon sila’y ating nakilala,
Ang lakambini at
lakandiwa.
Sama-samang pakinggan,
Ang usaping
pinagtatalunan.
Buksan ang isipan, pakinggan
kanilang kaalaman.
Nang sa gayon ay ating
maramdaman,
Ang bawat mambabalagtas na
may ipinaglalaban.
Trabaho o pag-aaral? Tara na’t
saksihan.
(IKALAWANG TINDIG): TRABAHO
Ako! Ako ang tagapagtanggol ng mga
masisipag na tao.
Sa tulong ng trabaho, natutugunan
ang pangangailangan mo.
‘di hamak na mas may dulot kaming
mga nagtatrabaho.
Sa usaping ekonomiya pa lang, hindi
mo na kami maloloko.
Ang pag-aaral ay
makapaghihintay,
Pero ang pangangailangan
ay nakamamatay.
Lalo na kung walang
nagtataguyod sa iyong
buhay.
Sa ganang akin, pagtatrabaho ay unahin.
Sa bansang kahirapan ay daing,
Pag-aaral ay isa lamang dagdag
gastusin.
Mabigat na mga gawain, daragdag sa
sakit ng ulo natin.
Para saan ang pag-aarl na ito?
Kung sa pagtatrabaho rin ang diresto?
Dagdag lamang sa oras ang
kinokonsumo.
PAG-AARAL:
Para sa akin ang pag-aaral ay
marapat na unahin.
Dapat nating pagsikapan at tiyagain,
Dahil ito’y aksyong babangon para sa
ating mga hangarin.
At tiyak marangyang buhay sa
hinaharap ang naghihintay sa atin.
Pag-aaral ang siyang nagiging
pundasyon.
Lumalawak din ang kaalaman
hindi lang sa imahinasyon.
Ika nga ng mga matatanda, ang
yamang hindi makukuha ay ang
edukasyon.
Isaalang –alang ang
edukasyon.
Gawin din natin itong misyon.
Upang bawat isa’y may dunong
sa paglaon.
Ito ang mag-aangat sa ating
nasyon.
TAGAPAMAGITAN:
Teka! Teka! Mukhang umiinit na
ang talakayan,
Hayaan muna natin sila’y
magtitigan.
Paalisin sa silid na ito ang init na
nanahan.
Upang maipagpatuloy ang
balagtasan.
Trabahong hindi papatalo,
Huminahon ka muna at
bawasan ng init ng ulo.
Ikaw naman Pag-aaral,
Huminga ka muna nang
maluwag at ipagpatuloy na
natin ito.
Sa dalawang nagtatalong dila,
Hindi mawari ang kanilang sigla.
Pati na rin sa mga nanunuod na
madla,
Tara na at umpisahan natin muli
ang laban ng dalawa.
Sapagkat sila ngayon ay nag-
aalab na.
(IKATLONG TINDIG): TRABAHO
Hindi pag-aaral ang mgpapa-unlad
sa bayan.
Hindi lang edukasyon ang kailangan,
Kung dito panga lamang ay
nagkakaroon na ng kakulangan.
Paano pa mapupunan ang ibang
pangangailangan?
Abilidad ng tao sagot sa
kaunlaran.
Aanhin ang kaalaman kung hindi
mapapakinabangan?
Sa ganitong paraan, mapapa-
unlad ang ekonomiya ng bayan.
Kaya nararapat na trabaho ang
pag-ukulan.
PAG-AARAL:

Edukasyon ang dapat na unahin,


Sapagkat dapat may dunong bago
pagtrabahuin.
Paano magiging maganda ang
kalalabasan,
Kung walang sapat na alam at
karanasan?
Sa pag-aaral, ang mga to ay
hinuhulma
Nang sa pagsabak ng gyera ay
maging handa.
Kaya’t ano pa ng msasabi mo sa
edukasyong mayroon ang ating
bansa?
Tiyak matutulungan ka.
Talinong bigay ng Diyos
Ama,
Ibahagi at gamitin sa tama.
Upang ang bansa ay
sumama,
At magkaroon nang
pagkaka-isa.
TAGAPAMAGITAN:
Talagang napakaganda ng
laban,
Ngdalawang nagtutunggalian.
Ano nga ba ang dapat unhin?
Trabaho o ang pag-aaral natin?
Isa lamang ang aking hatol.
Trabaho at Pag-aaral,
Opinyon ninyo ay hindi
masama,
At parehas kayong tama.
Tunay nga na kayo’y
Kahanga-hanga.
Iba’t iba ang pananaw
ang bawat tao sa mundo.
Kaya buo na ang pasya
ko.
Parehas kayong nanalo
sa balagtasang ito.

You might also like