You are on page 1of 4

URI NG MGA SALITANG GINAGAMIT SA PAGPAPAHAYAG

Explanation:
Ang aking tatalakayin ay ang mga uri ng mga salitang ginagamit sa pagpapahayag.
Bago tayo dumako sa talakayin, ano nga ba ang pagpapahayag?
- Ang pagpapahayag ay nagbibigay daan o instrumento upang maipahayag
ang ating mga ideya at opinyon sa gamit ang mga salita na may mga sariling
kakayahan at kahulugan kaya’t ang mga ito ay mga sariling gamit batay sa
pinagmulan ng mga salita.
- Ang mga salitang ito ay mga sal ita na karamihan ay ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kapwa tao.

Ngayon dumako naman tayo sa mga uri ng mga salitang ginagamit sa


pagpapahayag.

Isa na dito ang LIKAS. Ito ay ang mga salitang Katutubo na alam o kinagisnan na ng
mga ating ninuno bago pa tayo pinanganak. Ang uri na ito ay likas na sa atin at sa
ating bansa sa paraan na tayo mismo ang lumikha, tumuklas, at nagbansag sa mga
salita na nakapaloob dito. Sa paraang ito napapakita ang kahalagahan ng mga
salita na ginagamit natin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa ibang tao,
na kung saan nasasanay natin ang pagbikas nito at tamang pagbaybay sa mga
salita na ito.
- Ang mga halimbawa na salita na nakapaloob dito ay ang mga sumusunod:
1. Dagat
2. Aso
3. Paaralan
4. Aklat
5. Ama
6. Nanay
7. Yungib
8. Lawa
9. Isla
10. Bulkan

Ang pangalawa ay ang LIKHA. Ito naman ang mga salita na sadyang ginawa o
nilikha. Batay sa salitang likha ay ang ibig sabihin ay lumikha sa pangangailangan
ng pagkakataon at pag-aaral. Ang uring ito ay hindi lang basta lumilkha ng isa
pang salita kundi ito’y kinakailangan na pagbabasehan na kahulugan dahil
kadalasan sa mga likhang salita ay binabago lamang ang baybay o pagbigkas ng
salita ngunit iisa parin ang kahulugan. At may pagkakataon din na ang mga likhang
salita ay napapalitan o nadadagdagan ang mga lapi o letra na kung saan na binuo
o inaayos ito gayon din ang kahulugan nito.
- Ang mga halimbawa ng likhang salita ay ang mga;
1. Tapsilog
2. Silid-Aklatan
3. Linalaki
4. Binabae
5. Kapitbahay
6. Salinlahi

Dumako naman tayo sa pangatlo, ito ay INANGKIN. Mga salitang inangkin mula sa
ibang wika, karamihan sa ginagamit na wika o mga salita ng mga Filipino ay
nanggagaling sa iba't ibang lenggwahe katulad ng espanyol o iba pa. Ang mga
salitang ito ay ginamit na at ginagamit pa ng maraming Filipino na kung saan sa
kalaunan ito'y inangkin na din. Sa paraang ito ang mga salitang inangkin ay
ginagamit na sa pang-araw-araw na pakikipag-komunikasyon. Isa sa mga
pilipinong nagsasalitang nito ay ang mga dayalektong chavacano na kung saan ito
ay wikang kastila na ginamit ng mga pilipino at sa paraan itong matuturi na itong
inangkin sapagkat ang diyalekto na ito ay naging diyalekto na sa pilipinas.

Halimbawa sa diyalektong chavacano na karamihan ay ginagamit ng mga pilipino;


1. Adios
2. Gracias
3. Cuanto Este

Halimbawa naman ng salitang inangkin:


1. Kalesa
2. Gusali
3. Transportasyon

Ngayon, ang panghuling uri. Ang HIRAM. Ang uring ito ay nagsasaad ng mga
salitang banyaga na hinihiram at ginagamit ng mga pilipino sa pagpapahayag. Ang
paghiram ng salita sa uri na ito ay tuwiran na kung saan may pagbibigay galang
padin at respeto sa mga taong tumuklas at nagbigay ngalan dito. Ginagamit ang
mga hiram na salita sa pamamagitan ng pagpalawak ng mga kaisipang nais
ipahayag o ipabatid. Ito ay mga salitang hindi likas na wikang filipino pero ito'y
ginagamit sa pagpapahayag at pakikipag-usap, ang mga salitang hiram ay maaring
manggaling sa wikang ingles, kastila, atbp.

Ito ang mga halimbawa ng hiram na salita sa pagpapahayag:


1. Kompyuter
2. Magasin
3. Basketbol
4. Jeep
5. Cake
6. Hamburger

Doon na nagtatapos ang aking talakayan. Nawa'y may natutunan kayo. Maraming
Salamat!

You might also like