Professional Documents
Culture Documents
Tolentino
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS Ni Aurelio Tolentino
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
(Dula ng Himagsikan)
MGA TAUHAN
INANGBAYAN (PILIPINAS)
BAGONGSIBOL (AMERIKA)
TAGAILOG(ANG KATAGALUGAN)
DAHUMPALAY(MAPAGLILONG TAGALOG)
HALIMAW (PRAYLE)
BAHAGI I
(Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)
LABAS I
(Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa.
Nanga-taas ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.)
Koro : Ipagdiwang.
Koro : Magluningning.
Asalhayop : Katoto’t giliw, mga kaibigan, sa inyo’y salamat nang habang buhay.
Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.
(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang hawak.)
Koro : Mag-inuman.
Biglang lalabas si Ina, at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.)
LABAS 2
bago’y nagluluksa
kayo ay dadamay
sa mga pumanaw?
Inangbayan : Asalhayop!
Koro : Mag-inuman.
Inangbayan : Huwag!
mga pahanon.
Mainit pang tunay sa mga buruhan ang bangkay ng inyong nuno at magulang.
Koro : Magsayawan.
(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)
Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan
ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig
ng kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim
ng talampakan ni Haringbata ang magiging anak ni Hingiskang?
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyo’y huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin?
Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-inuman!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang
tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating
kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos sa puso ko yaring
sumpa, at sa katunayan ay… ayan!
(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)
Asalhayop : Inangbayan!
Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng Koro.)
Asalhayop : Manggagaway!
(Bibitiwan.)
Ah! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa
Dulong-Silangan.
Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob,
pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot
ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang.
(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may
mga sabit na luksa at sari-saring putong.)
(Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang hawak, tanging
hindi lamang si Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)
Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba pang
bayaning kawal ng bayan.
Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta
ninyo ang daklilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan
ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na
kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, nguni’t pakiusap ko lamang, na doon
sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo
magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo
huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.
LABAS 3
Tagailog : Mga kapatid ko!… Oh! Ano’t kayo’y nangalulumbay? Dahil baga sa pag-aalala ninyo sa
nalugsong buhay ng bayan sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay dalawampung
taon nang singkad,dalawampung taong pagkakaalipin. Nguni’t huwag. Ngayo’y nahahanda nang lahat
kapag kayo’y umayos sa aking mga panukala…
Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating
mga magulang?
LABAS 4
(Asalhayop)
Ang mga taong ito ay may mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti
pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay,
nguni’t ang mga taong ito ay hindi.
Nangatatahimik ang aming mga magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa
kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa
mahirap na laya. Mga hangal!
Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng
nangyari. Salapi na naman ito!
LABAS 5
Haringbata : Asalhayop.
Haringbata : Salamat.
Asalhayop : Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay.
Asalhayop : Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niya’t kapatid ko rin ay kaaalis din
po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.
Inangbayan : (Mapaglilo!)
Haringbata : Tunay?
Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang di maipagbigay
alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay.
Inangbayan : (Buhong!)
Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong bayad.
(Bibigyan ng salapi)
At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan, at bibigyan kita
ng katungkulang mataas.
Haringbata : Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang
panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.
Heto ang salapi ko, heto ang tunay na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan pa; at
matataas pa ang aking katungkulan.
Sayang palad!
LABAS 6
Tagailog : Sa tabing-dagat ang kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto na’t nagdadatingan
ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.
LABAS 7
(Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang sandatahan.)
Tagailog : Hihintayin ka namin dito, at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay Haringbata.
Asalhayop : Asahan ninyong ako’y darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay ay doon din ako
magpapakamatay. Paalam.
(Anyong aalis.)
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Lahat : At bakit?
Asalhayop : Wala.
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Sumagot ka.
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong
tanso.
Lahat : Oh!
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
(Tatanganan si Asal ng mga sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng
salapi at isang tsapang tanso.)
Inangbayan : Yayamang hindi niya matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang magsasabi.
Asalhayop : Inangbayan!
Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Inangbayan : At ang tansong iyan ay siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siya’y papasukin at
maisiwalat ang ating lahat ng lihim.
Tagailog : Asalhayop!
Asalhayop : Patawad!
Inangbayan : Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na ako sa inyo.
Lahat : Inangbayan?
LABAS 8
Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang
maruming dugo ni Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan, kay
Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata.
Pagmasdan ninyo’t kumikislap sa kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.
Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, nguni’t lalo pa
nating dapat mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya,
ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang
kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating pagkakapaalipin.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad,
at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating mga kaluluwa,
ay magkaroon man lamang tayong kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating
dugo,lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating mga buto, huwag na lamang kumalat-
kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ring ito ang
maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na
Inangbayan.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay lalo pa,
nguni’t lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan
kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay, sapagkat dapat na lipulin ang lahat ng halamang lasong
tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.
(Sandaling palipas)
Tagailog : Bayang Tagalog, bayang pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang makasasalag sa
madaling hampas niyaring hatol. Ibig ko pang ako’y mamatay, huwag na lamang ipahutok ang
katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na humingi ng patawad na naitong suwail, ay patayin na muna
ako, saksakin na muna yaring dibdib. Alin sa dalawa: mabuhay ang kataksilan at ako ang mamatay ang
kataksilan
(Sandaling palipas)
Koro : Patawad!
Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang
nagtaksil sa dakilang dangal ng ating mga kasulatan.
At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga sasago’t
sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso
ng balang magsigaw ng wikang “Patawad”.
Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.
Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)
LABAS 9
Koro : Tumatakbo.
Masunurin : Hayo’t abuluyan ang mga sugatan.
Koro : Abuluyan.
LABAS 10
LABAS 11
Koro : Si Inangbayan.
(Lalabas si Tagailog)
Tagailog : Haringbata!
LABAS 12
Koro : Mabuhay!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Mabuhay ang ating kawal!
Koro : Mabuhay!
Koro : Mabuhay!
LABAS 13
Dilat-na-bulag: Mayroon.
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yao’y
mga kawal na babaka sa inyong bayan.
Inangbayan : At sino nga sila?
Matanglawin : Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Babakahin kayo.
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay aming hukbo.
Tanawin ninyo sa dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay
kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang aming mga puso at
kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa lahat ng ligalig at pagkapaalipin.
Dilat-na-bulag: Tapat.
Tagailog : Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?
Matanglawin : Hindi.
Dilat-na-bulag: Oo.
(Isasaksak si Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang
sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin.)
Tagailog : Sa sarong gintong iyong tangan ay nalalamang totoo ang dalisay na dugo ko dugong tunay ng
bayan ko.
Matanglawin : Sa sarong gintong iyong tangan ay tunay na nalalaman yaring duro kong dalisay na dugo
ng aking bayan.
kung di mo pagsisiluhan,
ng sundang na kamandagan,
na sa atin ay bibigkis,
sa ating pagkakapatid,
Koro : Mabuhay.
Koro : Mamatay.
Inangbayan : Ang dugong iya’y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwa’t kung
magsusukab sa buhay niya’y maging lason at kamandag.
Lahat : Inumin!
Tanikalang Guinto
Isang paraan ng pagtingin sa isang dula ang teoryang sosyolohikal. Sinusuri nito kung
anong klaseng lipunan ang mayroon sa panahong sangkot sa dula. Kadalasan, salamin ng
nagaganap sa kapaligiran ang nangyayari sa mga tauhan sa dula. Sa dulang “Tanikalang Guinto”,
ang mga tauhan, bagay, at kaganapan rito ay may kanya-kanyang sinisimbolo na kapag sinuri mo
pang mabuti ay naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pananakop ng
mga Amerikano.
Isang dula hinggil sa balak na pagpapakasal (simbolo ng kalayaan) nina K’Ulayaw
(simbolo ng rebolusyonaryo) at Liwanag (simbolo ng tunay na pagmamahal sa bayan), na pilit
hinaharangan ni Maimbot (simbolo ng mga Amerikano) ang dulang “Tanikalang Guinto” ni Juan
Abad. Ipinagtapat ni Dalita (simbolo ng inang bayan) na kapatid ni K’Ulayaw si Nagtapon
(simbolo ng mga Pilipinong taksil at nagpagamit sa mga Amerikano). Naging kasabwat ni
Maimbot si Nagtapon sa planong paglalayo ng magkasintahan. Sinuhulan ni Maimbot si
Liwanag ng tanikalang ginto (simbolo ng pangakong pagtulong ng mga Amerikano) at sandaling
nasilaw dito. At sa huli, namatay si K’Ulayaw sa kamay ni Nagtapon. Sa sobrang pagkalungkot,
magpapakamatay din dapat si Liwanag ngunit pinigilan siya ni Diwa (simbolo ng patuloy na
pakikipaglaban).
Sa mga sinabi ko sa taas, makikita natin kung anong klaseng lipunan mayroon noong
panahon ng mga Amerikano. Aktibong nakikipaglaban ang mga rebolusyonaryo sa mga
dayuhang pilit na sinasakop ang kanilang inang bayan. Ang nais lang naman nila ay makamit ang
kalayaang inaasam nila mula sa mga dayuhan, na pilit naman nilang sinisira ang pangarap na
iyon. Sa halip na magtulungan ang bawat Pilipino, mayroong mga taksil na tinutulungan at
nagpapagamit sa mga Amerikano. Malamang, nasilaw sila sa pangakong pagtulong sa kanila nga
mga dayuhan. Sa huli, hindi rin magtatagumpay ang mga nakikipaglaban sa mga Amerikano
sapagkat may mga taksil nga. Ngunit, patuloy pa rin ang pakikibaka at masasawi silang mili. Sa
madaling salita, magulo at paulit-ulit ang mga kaganapan sa lipunan noon.
Ngayong halos 61 na taon na ang nakalipas nang sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, maaari ba nating sabihin na maayos na ang ating lipunan ngayon? Para sa akin, hindi.
Noon, nagkaroon ng people power dahil gusto na ng bayan mapatalsik si dating Pangulong
Marcos. Ngayon, nitong nagdaang mga linggo, maraming kilusang protesta ang naganap.
Umuulit muli ang kasaysayan. Tumayo si Jun Lozada bilang saksi sa nangyayaring korupsyon sa
loob ng gobyerno. Ayaw aminin ng gobyerno ang ginagawa nila at ikinagalit ito ng bayan. Hindi
ba’t parang pamilyar ito? Ang mga nangyayari ngayon ay kahawig ng mga pangyayari sa
“Tanikalang Guinto”. Si Lozada ang K’Ulayaw at si Pangulong Arroyo ang Maimbot. Ang mga
kasabwat naman ni GMA ay ang mga Nagtapon ng bayan. At sa kabilang dako, ang tanikalang
ginto ay ang pangakong pagpapalaya ng mga Amerikano sa Pilipinas. Subalit kung titignan,
hindi naman talaga nila pinalaya ang Pilipinas. Nandito pa rin naman ang mga Amerikanong
sundalo.
Bilang konklusyon, ang dulang “Tanikalang Guinto” ay naglalarawan kung anong klaseng
lipunan ang mayroon nuong panahon ng mga Amerikano, walang kalayaan. Mapapansin din na
ang ganitong klase ng lipunan ay patuloy pa rin namang nabubuhay hanggang sa kasulukuyan.
Hindi makalaya ang Pilipinas mula sa mga kasinungalingan at dumi ng gobyerno. At sa ayaw’t
sa gusto ko, hindi lamang sa gobyerno nanggagaling ang problema, sa lipunan din. Puwede
nating sabihin na mahirap makatakas sa ganitong klase ng lipunan sapagkat para itong isang
bilog, walang katapusan. Parehong nagdudulot ng problema ang gobyerno at lipunan ngunit
ayaw ng dalawa magtulungan. Kaya naman, magpapatuloy lamang ang ganitong lipunan
hanggang sa mga susunod pa na henerasyon.
Poet's Page
Poems
Comments
Stats
E-Books
Biography
Poems by Cecilio Apostol : 3 / 3
« prev. poem
As long as greed
Tears a gash in foreign hands
Poets, avengers
Of the universal conscience,
Can you be silent,
Drowning the honorable voice of
Protest?
Yankee! If u defeat us
With the powerful weight of weapons,
You will not live happily, because you are hated
Even by the air of my native land.
Yankee! If my verses
Survive me, their words
Will echo in the centuries to come
The eternal hate of the eternal outcast.
Cecilio Apostol
To the Yankee
Guess where, and when, the following lines were written (in literal if not literary translation):
This unredeemed people may perhaps succumb in the struggle, but only its corpse can be yoked by
alien tyranny.
Yankee! If you defeat us with the powerful weight of weapons, you will not live happily, because you
Yankee! If my verses survive me, their words will echo in the centuries to come the eternal hate of
Try the Philippines, 1899 -- America's very first colonial adventure. (Probably not much of a surprise, actually, to
officials did rather well for themselves. And I'm not sure Cecilio Apostol, the nationalist poet who wrote "Al Yankee,"
would be comforted to know that his words do seem to have been echoed, again and again, for more than a century,
The translation above is the standard one, by Nicanor G. Tiongson. (I think it deserves better). Below is the full text of
the original Spanish version. I'm including it because I had a hell of a time finding it, finally locating a copy in a back
Siempre que la codicia Rasga un girón del territorio extraño ........................................... poetas,
la injusticia pacta, para aplastar los fueros, los sacrosantos fueros de una raza;
Cuando los hijos del infame Judas venden la fe jurada; cuando al gemido de los pueblos débiles
Cuando el santo Derecho se trucida en el festín de la ambición humana; cuando como los yankees,
No es posible callar: la Patria opresa protestará indignada, y en el pecho traidor del enemigo
El irredento pueblo sucumbira quizás en la demanda, más solo a su cadaver se logrará imponer
coyunda extraña.
¡Yankee! Si tú nos vences, con el potente empuje de tus armas, no vivirás dichoso, porque te odia
¡Yankee! Si mis estrofas logran sobrevivirme, sus palabras vibrarán en los siglos venideros el odio
anonymous said...
Truly literature should enlighten the mind of its readers. I simply admire the Filipinos even then for
they never fail in addressing the the issues of our time. To The Yankee by Cecilio Apostol relates to
us the two fold faces of foreign land that as they tried to water us with education, they also did
blind us with their Knight in shining armor image. The question would be is whether they would
stand with us as real comrades or the opposite.
Silence would never be attained, as long as tears keep on rolling from the eyes of those who are
being oppressed. We might be living in modern time but its message never fades for we could
simply use the idea of oppression and greed of power to every point of the compass to whatever
nation would it be.
Let the writers be educated and let them always be the voice of the unheard.
-commodore
July 6, 2009 at 4:46 PM
anonymous said...
ZXxzxzxx
anonymous said...
a truly literature from the past that have an influencing our lives of a Filipino nowadays...a great
priveledge to as We,Fipinos concern to the spirit of nationalism.
Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng
paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan
niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang
kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan,
huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang
mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong
pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang
kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na
kalabaw.
DON TEONG
INA NI MARCOS
TAGPUAN AT PANAHON
KABUKIRAN
Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong.
Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng
isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang,
sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o
impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay
ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang
kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito
ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin
at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang
maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa
buhay na mga pangunahing tauhan.
WALANG PANGINOON
ni Deogracias Rosario
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
PAGSUSURI NG TULA
I. TALAMBUHAY NG AKDA
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak nina
Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa
Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang
Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de
Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na
lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit
hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng
mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa
pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan
sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na
noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800
kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute
ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman,
Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'
Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa isang
punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa
malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa kanyang guni-
guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay na siya. Sa
una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang mga musikang
tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan sa kanyang
lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may isang
batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang nalulungkot sa kanyang
pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na hanggang
maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay
inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may
nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog bago ialis ang
kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling hantungan. At ang mga taong
nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na
patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.
Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan at nang
matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan at nag-
iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at tatanod
sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din
sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan ang Punong-
kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa
kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating
ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang
katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago
ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at
pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa
kamay ng kaniyang Manlilikha.
IV. ESTILO
Maka-kalikasan
Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang buhay sa
paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan
upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit proseso ng
buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong punla na
nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng
buhay.
V. TUGMA
Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat taludtod,
at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na
napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na
magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.
VI. SUKAT
Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod at
may walong saknong.
VII. IMAHEN
Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:
at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay.
Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.
Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao. Maaari rin
itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at
madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling
damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang pinaghanguan ng paksa ng makata at sa
pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya
na tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:
Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod na;
ANG PANDAY
Ni: Amado V. Hernandez
Ang tulang Ang Panday ay tulang Obra Maestra ni Amado V. Hernandez na kilala sa
pagiging Makata ng mga Manggagawa. Ang Panday ay isang kagamitan na kung saan ay bakal
na mula sa bundok. Ang mga bakal na iyon ay pinalambot sa pamamagitan sa pagsunog nito sa
apoy upang mahulma o magkaroon ng hugis o kaya’y kinisan para maging matulis, nang sa
huli’y maging kagamitangpanlaban o kaya’y kagamitan na araro ang mga bakal na iyon.
Ginagamit ang araro upang magbungkal ng lupa sa bukirin at para magkaroon ng taniman na
ikabubuhay ng mga tao. Ang bakal na araro ay pinakamahalagang gamit sa sakahan noong unang
panahon.
Ngunit sa panahon na nagkaroon ng gulo, at pumutok ang kaguluhan sa buong bayanna
kung saan sala ay lalaban. Lahat ng mga mamamayan ay gumawa o nagtayo ng hukbo para sa
darating na labanan para maprotektahan ang bawat isa at ang bayan. Sa panahon ng paghahanda
para sa labanan, ay ang bakal na araro ay dali-daling pinanday upang maging isang tabak o itak.
Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsunog nito sa apoy at pinukpok hanggang sa maging tabak at
para gagamitin bilang kasangkapan sa darating na labanan.
Ang bakal na ginawa o pinanday para maging araro’t sandata ay hindi mapapantayan ang
kahalagahan dahil unang-una, ginawa itong araro para sa ikabubuhay ng mga tao sa
pamamagitan ng paggamit nito na pangbungkal ng lupa nang sa ganun ay makatanim ang mga
mamamayan ng kanilang makakain sa araw-arw, pangalawa, ang bakal na iyon ay ginawa
namang sandata, upang ipagtanggol ang bayang tinubuang na planong agawin o sakupin ang
bayan.
Mapanganib ang pluma ni Faustino Aguilar dahil niyayanig niya ang pundasyon ng
simbahan at pamahalaan, at nagbubunyag ng mga kakatwang kaugalian, sa
pamamagitan ng kaniyang mga nobela. Isa sa mga makapangyarihang nobela niya
ang Sa Ngalan ng Diyos (1911) na tumutuligsa sa ordeng Heswita, na kinabibilangan
ng mga paring bumibilog ng isip at lumulumpo sa kalooban ng babaeng maykaya,
upang maangkin ang salapi, puri, at katawan niya.
Pambihira ang nobela ni Aguilar dahil ipinakikita nito kung paano ang relihiyon ay
nagiging lunsaran ng diyabolikong indoktrinasyon, gaya sa politika, at ng
komodipikasyon ng kaligtasan at pananampalataya, na ang sukdulan ay ang
pagkatiwalag sa sarili ng tao. Si Carmen ang ultimong halimbawa na maglalaho ang
identidad nang pumasok sa kumbento, at malulugso ang puri, bukod sa mawawalan ng
kayamanan. Makakamit nga ni Padre Villamil ang yaman, katawan, at kaluluwa ni
Dolores ngunit mabubunyag naman sa madla ang kaniyang kabuhungan. Ang
pagdiriwang kung gayon sa bandang dulo ng nobela ng gaya nina Padre Villamil at
Padre Superyor ay pabalintuna ang epekto, dahil magngingitngit ang bumabasa sa
gayong tagpo at isusumpa marahil ang sinumang Heswita na kanilang kilala noon.
Ipinahihiwatig din sa nobela ang makatwiran at hinog sa panahong pag-aaklas, na
dapat sanang ginawa ni Eladio, ngunit si Eladio ay hindi handa at tanging sarili
lamang ang iniintindi.
Aminado din ako na nung nasa bandang unahan pa lang ako ng libro ay gusto ko na
itong itiklop dahil sa sobrang bagal ng kwento pero buti na lang hindi ko ginawa iyon.
Napagtanto ko na kaya mabagal ang kwento ay sadyang ganoon ang takbo ng buhay
mahigit isang daang taon na ang nakakaraan, di tulad ngayon na lahat ay mabilisan.
Lahat ng mensahe gusto may reply agad. Kapag seen ang mensahe at walang reply,
magtatampo na agad. Isipin mo na lang noon? Nung ang means of communication ay
sulat lang. At pinakamabilis na ang telegrama?
by Inigo Regalado
Unang nailathala ang nobelang Madaling Araw noong 1909 kung kaya’t ang tema at
setting nung libro ay mundong sobrang layo sa kung ano ang ating kinagisnan. Pati
yung mga Tagalog na salitang ginamit ay sobrang lalim na minsan pakiramdam ko ay
nagbabasa ako ng ibang dayalekto. Minsan may hindi ako maintindihan. Aba! Akala ko
ay malalim na akong mag-Tagalog. Ay! Hindi pa pala!
Aminado din ako na nung nasa bandang unahan pa lang ako ng libro ay gusto ko na
itong itiklop dahil sa sobrang bagal ng kwento pero buti na lang hindi ko ginawa iyon.
Napagtanto ko na kaya mabagal ang kwento ay sadyang ganoon ang takbo ng buhay
mahigit isang daang taon na ang nakakaraan, di tulad ngayon na lahat ay mabilisan.
Lahat ng mensahe gusto may reply agad. Kapag seen ang mensahe at walang reply,
magtatampo na agad. Isipin mo na lang noon? Nung ang means of communication ay
sulat lang. At pinakamabilis na ang telegrama?
Sa kwento, parang binubully ng mga kabataang Pinoy ang mga Pinoy na laking
Amerika. Mayroon silang mga tinawag na ‘Filipino Boys’ na pinagtatawanan nila dahil
nagpupumilit magsalita ng ‘lengwahe ni Shakespeare.’ Ang kulit lang. Samantalang
ngayon, lahat gusto magkaron ng American accent ano?
y Inigo Regalado
Unang nailathala ang nobelang Madaling Araw noong 1909 kung kaya’t ang tema at
setting nung libro ay mundong sobrang layo sa kung ano ang ating kinagisnan. Pati
yung mga Tagalog na salitang ginamit ay sobrang lalim na minsan pakiramdam ko ay
nagbabasa ako ng ibang dayalekto. Minsan may hindi ako maintindihan. Aba! Akala ko
ay malalim na akong mag-Tagalog. Ay! Hindi pa pala!
Si Inigo Regalado (enye yung n sa Inigo) ay kaibigan nila Fernando Amorsolo at
Guillermo Tolentino at tanyag sila sa U.P. bilang Tres Mosquiteros. Mga haligi ng
sining. Alam niyo na siguro kung ano ang dapat i-expect sa kaniya?
Aminado din ako na nung nasa bandang unahan pa lang ako ng libro ay gusto ko na
itong itiklop dahil sa sobrang bagal ng kwento pero buti na lang hindi ko ginawa iyon.
Napagtanto ko na kaya mabagal ang kwento ay sadyang ganoon ang takbo ng buhay
mahigit isang daang taon na ang nakakaraan, di tulad ngayon na lahat ay mabilisan.
Lahat ng mensahe gusto may reply agad. Kapag seen ang mensahe at walang reply,
magtatampo na agad. Isipin mo na lang noon? Nung ang means of communication ay
sulat lang. At pinakamabilis na ang telegrama?
Ayaw kong ikumpara pero para talaga siyang Ana Karenina (hindi yung palabas ni
Antoinette Taus, Kim Delos Santos at Sunshine Dizon ha grrrrrr). Siguro, kaya ko
napaghahambing ang dalawa ay dahil halos nasa iisang panahon lang nangyari ang
kwento, isa pa pareho itong napakagagandang mga nobela.
Marami ring iba’t-ibang isyu ng lipunan ang tinalakay sa librong. Isyu noong panahon
nila na isyu pa rin hanggang ngayon tulad ng pagtangkilik sa produktong banyaga at
isyu noong parang hindi na masyadong isyu ngayon tulad ng sobrang higpit na mga
magulang na nangungurot sa singit at namamalo ng sinturon.
Habang binabasa ko ito ay na-i-imagine ko na ang mga senaryo ay parang yung mga
nasa pelikulang makaluma. Black and white, makaluma ang buhok at pananamit ng
mga gumaganap, naka kamesita de chino ang mga lalake at naka baro’t saya naman
ang mga babae. Madrama. Maraming iyakan. Maraming panibughuan. Simpleng buhay.
Tumatanaw sa bintana sa kinahapunan. Nag-aawitan sa ilalim ng punong mangga. May
mga kalesa. Sayawan. Kundiman. Bugtungan. Karnibal sa Luneta. Mga parte ng ating
pagka-Pilipinong madalas mahahagilap na lang sa mga titik sa libro at sa likod ng
pinilakang tabing.