You are on page 1of 5

Ang ritwal

Ang Ritwal Bilang Pinag-ugatan ng Dula. Ang dula ay


umusbong dahil sa masidhing pangangailangan ng tao tulad ng
pagkain. Nagsimula ang mga sayaw at ritwal na katulad ng
paggaya ng tao sa patak ng uylan noong sila’y nangangailangan
ng tubig mula sa langit upang mabasa ang lupa’t umusbong ang
mga pananim, katulad ng panggagaya ng mga mag-asawang
hindi magka-anak sa mga mag-asawang may anak (fertility
dance ritual). Sa mga sayawritwal na ito nag-ugat ang sining ng
ating dula. Ang mga ito ay naglalarawan at nagsasalaysay ng
iba’t ibang aspekto ng pangaraw-araw na kabuhayan at kultura
ng bawat tribo. Maaaring ang mga ito’y nauukol sa pag-ibig,
kamatayan, pakikidigma, pag-aani ng palay o paggaya sa mga
kilos o galaw ng mga hayop (Casanova, 2001).
Bawat tribong kinabibilangan sa ating bansa ay may kani-
kaniyang ritwal na ginagawa ngunit nakabatay pa rin ang mga
ito sa klima, sa anyo ng lupang pinagtatamnan, o sa estado ng
lipunan. Katulad ng gayeph ng Subanen (bulong), hinaklaran ng
Bukdinon (pag-aani), kadal iwas ng T’boli (panggagagad ng
isang unggoy), khenlusong ng Subanen (panggagagad sa ibon)
at langka-baluang ng Tausug (parehas ng ginagawa ng kadal
iwas).
At dahil may ibang mga ritwal na tungkol sa panggagad sa
isang hayop o bagay, binansagan itong mimesis ni Aristotle na
siyang pinakakaluluwa ng dula na ang ibig sabihin ay imitasyon.
Bukod sa mga nabanggit ay umusbong din ang iba pang anyo ng
dula sa Filipinas tulad ng balak ng Cebu (suyuan), balitaw bayak
ng Maranao (pag-ibig), pamamanhikan at dalling-dalling ng mga
Taga-Tausug. Ang lahat ng mga ito ay pawang pumapaksa sa
pag-ibig at suyuan ng lalake at babae. Dito pa lamang ay may
nagaganap nang dula – mayroong nagaganap na pag-uusap ng
magkabilang panig ngunit sa paraan ng pagkumpas at
paggalaw.
Ang klasikal na ideya ng impersonasyon ay mababanaag
kapag sumasamba sila sa mga anito o dili kaya’y sa isang
mahikong pinaniniwalaang nagtataglay ng pambihirang
kapangyarihan.
Upang maging mabisa ang isang ritwal na kailangang
matugunan ng anito at kailangang mayroong babaylang
namumuno sa kanila. Mas pinagtutuunang pansin ng mga
nakararaming tribo sa ating bansa ang ritwal ng pasasalamat sa
masaganang ani at matinding pananampalataya. Ang iba pang
nilikha ay sinasamba rin ng ating mga ninuno. Sa madaling
salita, ito’y isang Animismo at ito rin ang unang relihiyong
natutuhan ng tao sa ating bansa.
Masasabi ko ring isang uri ng pakikipagdayalogo ang mga
unang tao, babaylan sa mga diwata at anito. Ang ritwal ay isang
dayalogo at dahil ito ay may pag-uusap, ito ay isang dula.
Isa sa mga pagsasaliw na ginagawa sa mga ritwal ay ang
bulong na nagmula pa sa Luzon. Layunin ng mga bulong na
maitaboy ang mga masasamang espiritu at manawagan naman
sa mga mabubuting espiritu. Kultura nating mga Pilipino ang
magsabi ng tabi tabi po sa kung ano ang madadaanan natin lalo
na kapag sa punso. Wala pang katiyakan kung totoo bang
nagdadala ng sumpa ang mga dwende/masasamang elemento
sa mga taong hindi pumaparaan sa kanilang teritoryo ngunit isa
itong patunay na makapangyarihan pa ang mga elementong
naninirahan sa ilalim ng lupa. Kahit ang mga albularyo kapag
nakaharap sila ng mga masasamang espiritu ay nagsasagawa
sila ng bulong. Sinasabi nga nila na maaring gawa ng diyablo
ang bulong pero bakiit naging mabisa ito sa tao para hindi sila
malasin? At ang mga nilikha (na ayon sa mga ninuno) ay laging
magmumula kay Bathala.
Mga Piling Bulong
1. Bikol
Tabi Tabi...
Makiagi...
Dai tabi kamo magrami
Baod kamo matungtungan ni!
(salin) Tabi Makikiraan Mga bulag kami Huwag po kayong
kalalapit Baka kayo’y maapakan namin!
2. Ilonggo Tabi,
tabi...
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapag namon
(salin) Tabi, tabi Makikiraan lang kami Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.
Sa mga bulong na ito ay makapagbibigay ng
pangungunmbinse ang tao sa kung anong nakatira sa mga
bagay o pook na makikiraan at kung sakaling matabig ang
kanilang teritoryo ay agad silang hihingi ng paumanhin para
hindi patawan ng parusa. Ngnunit mayroon namang mga
bulong tungkol sa pagtatapon ng kahit na anong bagay kapag
may malakas na hangin o ulan. Masasabing isang
kalapastanganan sa kalikasan ang hindi tamang pagtatapon
nang walang pahintulot kaya’t ito ang kanilang bulong na
isinasagawa katulad na lamang ng
Bilaan:
Uh kle, le, le
Aye gu nang gu taloo
Boo gami ni dad ngaan
Nang gu gal anngak (na batan aye detan ngatoo di tana)
Tfuh! Tfuh!
Uh kle, le, le
(salin) Uh, kle, le, le, ayan iyon Huwag kang magsalita,
kami ito Mga anak mo. Huwag kang aakyat (saka itatapon ang
kung anumang bagay sa lupa) Tfuh! Tfuh! Uh kle, le, le
Nakatutuwa ang nasabing bulong ngunit kung sisipatin
natin ito ay mayroon din tayong makikitang matulain dito. Ang
linyang huwag kang magsalita, kami ito mga anak mo. Huwag
kang aakyat dahil patungkol ito sa pagtatapon ng kahit anuong
bagay ay maari kong ipakahulugan ang mga ninuno ay anak din
ng elemento, mga nilikha rin sila ni Bathala at kung anumang
bagay na iyon ya maaring mapakinabangan din ng mga
elemento (lalo na sa pagpapataba ng lupa).
Masasabi nating sa panahon pa lamang ng katutubo ay
nagsasagawa na tayo ng mga pananambitan sa mga anito o sa
kalikasan o sa elemento. Pasalindila ang ginagawa nilang dula
kaya’t hindi nakapagtatakang kahit nasa panahon ng
modernisasyon ay isinasagawa pa rin ito ng mga iilang
probinsya sa bansa dahil sa pagpapasa-pasa sa mga salinlahi. 

You might also like