You are on page 1of 6

KOMPOSISYON

Ang komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ito rin ang itinuturing
na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon
sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.
Hal:
a.
b.
c.
d.

Natatanging karanasan
Pagbibigay-interpretasyon
Puna sa nabasang akda
Puna sa napanood
Uri ng Komposisyon
1. Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.
Hal. mga kasaysayan, mga balita
2. Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.
Hal. mga editoryal
3. Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.
Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment
4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Hal. mga akdang pampanitikan
5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
6. Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.
Hal:Ang pagluluto ng kahit anong uri ng pagkain.

Talata

Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lupon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang


bahagi ng buong kurokuro, palagay o paksang diwa.

a.

Panimulang talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon.
b. Talatang ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nitong idebelop ang
pangunahing paksa ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang
inilalarawan o bibigyang katwiran.
c.

d.

Talata ng paglilipat-diwa
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga
talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang
magkasunod na talata. Sinasalungat ba ng talatang sinundan o dinaragdagan nito ang isipan niyon?
Ipinahihiwatig din nito ang debelopment ng paksang tinatalakay.
Talatang pabuod

Kadalasan ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon. Inilalagay rito ang
mahalagang kaisipan o pahayag na tinatalakay sa gitna ng komposisyon. Maaarin ring gamitin ang
talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon.
Katangian ng Mabuting talata

May isang Paksang-diwa

Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang
paksang pangungusap.
May kaisahan ng diwa

Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap ay
nauugnay sa paksang pangungusap.
May Wastong Paglilipat-Diwa

3.1.

Pagdaragdag
Hal: At, saka, gayundin

3.2.

Pagsalungat
Hal: Ngunit,subalit, datapwat, bagaman, sa

kabilang dako.

3.3.

Paghahambing
Hal: Katilad ng, kawangis ng, animoy, anakiy

3.4.

Pagkokonklud
Hal: samakatwid, kung gayon

4. May kaayusan
Bagamat walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pag-aayos ng talataan, mabuting
ayusin ang mga pangungusap sa talata.

Tagalog na Sanaysay (Filipno Essay)


Isang halimbawa ng sanaysay sa wikang Tagalog na naglalahad ng isang hindi makakalimutang
pangyayari sa Pasko.
ANG HINDI MAKAKALIMUTANG PANGYAYARI
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, kung matinik ay malalim.
Sa haba ng bakasyon na ibinigay sa atin para gastusin ang limpak-limpak na bonus na natanggap
natin noong Pasko at para enjoyin ang Christmas season sa walang humpay na tagayan, lakwatsa,
kainan, kasayahan, gimik o pagpapahinga ay natapos na din. Bukas nga ay lalabas na ang lahat sa
kani-kanilang mga bahay para pumasok sa kani-kanilang papasukan. Sana ay naging masaya ang
lahat sa mga araw na nagdaan at hindi mahirapang pumasok bukas upang harapin ang
sandamakmak na trabahong naiwan o babalikan. Kung ang iba sa atin ay medyo tinatamad pa dahil
sa hangover ng nagdaang bakasyon ay ipinapayong magtiriis na lang ng taghiyawat sa bahay.
Ang bagong taon na nagdaan ay masaya naman kung ang pamilya namin ang pag-uusapan. Bumili
ng apat na letsong baboy ang tatay ko at iyon ang halos pinagpyestahan ng mga bisita. Naghanda
ng isang palangganang spaghetti ang Nanay ko at nagluto ng kaniyang pinakamasarap na bagoong
na isinawsaw sa kare-kare. Ang misis ko na hindi marunong magluto ay umorder na lang ng isang
trak na barbecue at ipinadeliver sa bahay. Ang nag-iisang anak ko ay hindi mapakali. Naglaro ng
PSP sa kwarto at pagkatapos ay tinawag ang aming family driver para magpahatid sa SPA.
Pagkatapos naman na gawing mga holen ang mga ubas at kastanyas sa pridyider ay pinaglaruan
naman ng aking mga pamangkin ang grand piano na regalo ni Lolo at Lola. Kasabay ito ng pag-

suswimming ng mga pinsan ko sa aming two story swimming pool. Ang mga ibang tita ko ay
naghanda ng masarap na CHOP SUEY, kaldereta, fried chicken na baboy, morcon de la havana,
estofado, embutido, menudo, mechado at kung ano ano pang Filipino recipes. Ang mga mga tito ko
naman kasama ang kanilang mga kaibigan ay nagkasya na lamang sa pagkanta ng videoke sa
aming 105-inch colored tv kasabay ng pagtungga ng mga imported na alak na nasa aming bar.
Nakakaawa ang aming anim na katulong dahil sila ang maraming ginawa. Si Angel ay nakatoka sa
pagsasaayos ng 20 feet na Christmas tree. Si Marian ang taga-estima at taga silbi sa daan-daang
bisita. Si Heart naman ay naging abala sa pagsasalansan ng mga regalo at pagtulong sa pagluluto
ng labinlimang putahe pwera ang mga panghimagas. Ginawa naman ni Maui ang paglilinis sa 12
bedroom house namin. KInakailangan niyang sumakay sa tricycle para makarating ng mabilis sa
ibat ibang kwarto. Si Francine ay naging punong abala sa paglalagay ng mga dekorasyon at
kinakailangang humingi ng tulong sa labinlimang tao para magawa ito.
At ang huli ay si Diana na gumawa ng eksena pansamanatala. Nabasag niya ang antigong pigurin
na nabili namin sa Africa! Nagalit ang Mama ko at sinabunutan siya pagkatapos na ipaghampasan
ang katawan sa pader. Nagkagulo ang mga tao at dumanak ang dugo. Nagkaniya-kaniyang hanap
ng mga sandata para ipagtanggol ang sarili. Parang gyera patani kung hindi lang dumating ang mga
pulis at pinagbabaril ang mga tao. Ang isang bisita ay naghagis ng granada at sumabog ng malakas.
Boommm!!!!
Sa ganitong sitwasyon ay ginising na ako ng misis ko sa kama. Mag-aalas-dose na. Bagong taon
na. Panaginip lang pala.
Ang Proseso ng Pagsulat
glory ann molina Filipino 2
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga
manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat
muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga
kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo
na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Ang Pagkuha ng Paksa
Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat
isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon
kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa
mambabasa.
Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel. Naghihintay ka
sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan ng mga
manunulat lalo na ang mga baguhan.

Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) ibat ibang uri ng
babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya radyo, telebisyon, internet;
(c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at
palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.
Mga Yugto ng Pagsulat
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang
magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal
na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa
gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang
pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang
pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na
dala lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay
binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
A.
-

Bago Sumulat (Prewriting)


Itoy isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.

B.
-

Pagsulat ng Burador (Draft Writing)


Itoy aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring
pagkakamali.

Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng


estudyante.

Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral


kung nasa klasrum ang gawain.

Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

C.
-

Pagrebisa
Itoy pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin
ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.

Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

D.
-

Pag-eedit
Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong
gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

E.

Paglalathala

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa


gawaing ito ang mga sumusunod:

1.

Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus

2.

Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba

3.

Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

4.

Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat


Mga Uri ng Pagsulat sa Ibat Ibang Layunin
Nagsusulat tayo ng samut saring uri ng sulatin sa ibat ibang dahilan o layunin at uri ng
mambabasa. Ito ay kapakioakinabang sa ibat ibang panahon, lugar, paraan at pangangailangan:

A.

Pagsulat para matuto at makaunawa

Pagtatala (note taking)

Brainstorming at quickwriting

Semantic mapping

Venn diagram

Graphic organizer

Dyornal

B.

Pagsulat para makipagkomunikasyon

Liham

Talambuhay

Ulat o report

C.

Imahinatibong pagsulat
-

Mga akdang pampanitikan (kuwento, tula, sanaysay, atbp.)

You might also like