You are on page 1of 53

Republika ng Pilipinas

Pamantasan ng Bikol
PAARALANG GRADWADO
Kolehiyo ng Edukasyon
Lungsod ng Legazpi

KAHANDAAN SA
PAGBASA NA MAY
PANG-UNAWA

Inihanda ni:
DANA JANE N. ARGUELLES
MAFILED
PAUNANG SALITA

Isang kagamitan na magsisilbi mong gabay sa pagtuturo ng mga aralin sa Filipino lalo na
ng mga bagong batayang kasanayan.ang makikitang nakalahad sa bagong Kurikulum layunin ng
pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo /
mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan
ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan,
kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig.

Kaalinsabay din nito ay ang paggamit ng mga masining na istratehiya o pagiging


masining ng mga guro sa pasimula ng bawat dulog para sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa oras ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Layunin ng pagtuturo ng pagbasa ang malinang sa mag-aaral ang pagbasang may pang-
unawa o komprehensyon. Ngunit batay sa mga pananaliksik, ang pagtuturo ng komprehensyon
ay hindi gaanong napagtutuunan ng pansin. Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng
mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman. (Pearson at Johnson
1978). Sa maikling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng mambabasa. Mapapansing ang
dating kaalaman ng mambabasa at ang mga kasanayan sa paghinuha ang nasa sentro ng modelo,
pagpapatibay ng paniniwalang ang komprehensyon ay pag-uugnay ng impormasyon mula sa
teksto at impormasyon na nasa isipan ng mambabasa.

Mahalaga ang dating kaalaman o iskima ng mambabasa tungkol sa teksto.Kung kulang sa


angkop na konseptong kaugnay ng teksto, magiging suliranin ang komprehensyon. Mahalaga
bago bumasa ang paglinang ng mga dating konseptong nalalaman ng mambabasa na kaugnay ng
tekstong babasahin.
Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap. Ayon kay Good-
man (1969) ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon ang mambabasa at ang
teksto. Nagagamit ng bumabasa ang mga dati na niyang kaalaman at karanasan upang iugnay sa
binabasa at sa ganitong paraan nauunawaan niya at nasusuri ang binabasa.
Sa kasalukuyang pananaw, ang mambabasa bago pa man niya basahin ang teksto ay may
ideya na siya sa nilalaman nito batay sa dati niyang iskima sa paksa.Binabasa niya ang teksto
upang patunayan kung ang mga hinuha / ekspektasyon niya ay wasto, may kulang o dapat ba-
guhin. Ang teksto ay lunsaran lamang o resors sa pagbuo ng kahulugan. Hindi ang teksto ang
sentrong iniikutan ng pang-unawa kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Ang
kahulugang nabuo sa isipan ng nagbabasa ang batayan kung nauunawaan niya ang binasa.

I
PASASALAMAT
Hindi mabubuo ang kahit isang piraso ng pahinang ng aklat na ito kung hindi dahil sa
mga taong busilak ang puso na tumulong. Nais kong ipaabot ang butiktik na pasasalamat at
pagtanaw ng utang-na-loob sa mga sumusunod:
 Salamat sa aking mga kaibigan na minsang tumulong para mas mapaganda at mapakinis
pang lalo ang aking mga akdang ginawa. Sa walang sawang pakikinig at pagbabasa ng
mga dagling ginawa ko.
 Tanging pasasalamat din ang ipinaaabot ko sa aking minamahal na kasintahan Glenn
Kendrick M. Molleda na nagbigay inspirasyon at nakasama ko sa paggawa ng aking mga
naisulat.
 Taos-pusong pasasalamat ang aking handog sa masipag at walang kupas sa galing na guro
sa paglinang ng kurikulum na si Dr. Obdulia A. Rojas.
 Sa aking mga magulang at kapatid na nagbigay sa akin ng inspirasyon at bahagi ng aking
tagumpay mula nang ako ay nag-aaral pa lamang hanggang sa maging propesyunal.
 At higit sa lahat, sa Diyos na Dakila sa pagbibigay ng talentong makapagsulat ng akda at
pagbasbas ng talinong tinataglay upang maibahagi sa iba.

-DJA

II
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA
Paunang Salita -———————————— I
Pasasalamat ————————————-- II
Marungko Approach —————————— 4
Wastong gamit ng mga Salita ——————— 29
Mga salitang magkapareho ng Baybay
ngunit Magkaiba ng Kahulugan ——————- 35
Antas ng Wika —————————————— 35
Post Test ———————————————- 42
4
Ang mga tunong ng isang wika ay may pasalitang simbolo na maaaring mag-
ing titik o simbolong pasulat. Maaari naming maging pasalitang simbolo ang mga
simbolong pasulat kung ating babasahin ang mga ito. Ibig sabihin lamang na ang
isang tunog ay kumakatawan sa isang titik at ang isang titik ay may kanyang saril-
ing tunog.

Ang Marungko Approach ay gumagamit ng 28 na titik ng makabagong Alpabeto ng


Filipino na itinuturo sa ganitong pagkasunod-sunod:

m s a I o
b e u t k
l y n g ng
p r d h w
c f j ñ q v x z

5
6
7
AA
Oso, aso, maso samo
Ang aso ni Ami ang oso ni
Simo.
ANG ALAGANG HAYOP
Si Siso ay may aso.
Si Asa ay may oso.

8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
PAGSUBOK 1
Isulat ang patinig upang mabuo ang salita para sa larawan.

Bilugan ang titik na may unang tunog ng salita para sa larawan. Kulayan ang larawan.

26
PAGSUBOK 2

Isulat sa patlang ang nawawalang pantig upang mabuo ang pangalan para sa larawan.

27
Kumusta mga bata? Binabati ko kaya sa pagla-
lakbay sa mundo ng pagbasa. Natapos mo nang
matutunan ang pagbabasa ng patnig, salita, at
parirala sa pamamagitan ng pagkilala sa
bawat mga tunong na taglay ng isang titik o
letra ito ay may pasalitang simbolo na
maaaring maging titik o simbolong pasulat.
Handa ka na bang ipagpatuloy ang
iyong paglalakbay? Halika na at simula na
ang susunod na yugto ng iyong pagkatuto.

28
PAKSA : WASTONG GAMIT:

A. MAY / MAYROON
Ang mga salitang may at mayroon ay halos magkasintulad ang kahulugan. Ang pinagkaiba lamang
ay ang paggamit nito ng wasto sa pangungusap. Naaayon ang gamit sa sinusundang salita.
Halimbawa:
May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.
May bibit na bayong ang pulis sa ilalim ng tulay.

A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay;

1. Pangngalan (noun) -
Halimbawa: a. May pulis sa ilalim ng tulay.
b. May ipis ang iyong pagkain.

2. Pandiwa (verb)
Halimbawa: a. May umaawit sa banyo.
b. May umaalulong na aso sa tumana.

3. Pang-uri (adjective)
Halimbawa: a. May isang linggo na siyang hindi pumapasok sa paaralan.
b. May magarang sasakyan ang iyong kuya.

4. Pang-abay (adverb)
Halimbawa: a. May iisa siyang salita.

B. Ang Mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip
na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place).

Halimbawa:
1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
2. Mayroon kayang pasok bukas?
3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?

C. Ginagamit din ang Mayroon sa pagsagot sa tanong:


Halimbawa:
1. May asin na kaya ang sinangag?
Mayroon na.
BITIWAN at BITAWAN
A Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang
salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis
sa pagkakahawak.
Halimbawa:
1. 1. Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
2. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
3. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
4. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang
sigaw ni Boyet sa kapatid.
5. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.

# Tandaan:
1. Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang
tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran. Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga
manok.
KAPAG at KUNG
Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan. Ipinakikilala ng kapag ang isang kala-
gayang tiyak.
Halimbawa:
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka. 29
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.
KIBO at IMIK
A Pagkilos ang tinutukoy ng kibo. Pangungusap ang tinutukoy ng imik.
B Halimbawa:
C Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
D Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
E
F #Tandaan: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
G Halimbawa:
H Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.
I Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
J
DAHIL at DAHILAN
Pangatnig ang dahil/ Pangngalan ang dahilan/ Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.
#Tandaan: Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang
pangatnig.
Halimbawa: Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.

F.HABANG at SAMANTALANG
Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o “mahaba”.
Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
Halimbawa:
Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho.
Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.
Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan.

#Tandaan: May iba pang gamit ang samantala.


Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan.
Halimbawa:
Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?

G.IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
Halimbawa:
Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera
Ipagbabayad muna kita sa sine.
#Mali at katawa-tawa: Ibayad mo ako sa sine
Ibinayad ko siya sa bus.

H. PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran - paglalagay
Halimbawa:
1.Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
2. Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
3. Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
4. Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
#Tandaan: Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay
mula sa isang bagay.
Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang
isang bagay.
Pahirin - pag-aalis
Halimbawa:
1.Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
2. Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
3. Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
4. Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.

30
I.PINTO at PINTUAN
Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung ang tinutukoy ay
ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.

Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan
o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
2. Gawa sa Narra ang kanilang pinto.
3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
5. Huwag mong sipain ang pinto.
#Tandaan: Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan
Hagdan - ang inaakyatan at binababaan
Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan

J.SUBUKAN at SUBUKIN
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis
Halimbawa:
1.Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
2. Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
3. Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
#Tandaan: Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan :
sinusubok, sinubok.
Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin

K. TAGA- at TIGA
Walang unlaping tiga- Taga- ang dapat gamitin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito
ng pangngalang pantangi.
Halimbawa:
1.Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
2. Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
#Tandaan: Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa
tigatlo tig-apat, atbp.

L. AGAWIN at AGAWAN
Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.
Halimbawa:
1.Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
2. Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

31
M. HINAGIS at INIHAGIS
Hinagis ng isang bagay.
Inihagis ang isang bagay
Halimbawa:
Hinagis niya ng bato ang ibon.
Inihagis niya ang bola sa kalaro.

N. ABUTAN at ABUTIN
Abutin ang ang isang bagay.
Abutan ng isang bagay.
Halimbawa:
Abutin mo ang bayabas sa puno.
Abutan mo ng pera ang Nanay.

O. BILHIN at BILHAN
Bilhin ang isang bagay.
Bilhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
Bilhan natin ng sapatos ang ate.

P. WALISAN at WALISIN
Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis.
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.
Walisan ang pook o lugar.
Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.
4. Nais kong walisan ang aklatan.
#Tandaan: Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na
dumi o kalat.
Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na
marumi.

Q. SUKLAYIN at SUKLAYAN
Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba,
Suklayan - ng buhok ang ibang tao.
Halimbawa:
Suklayin mo ang buhok ko,Luz.
Suklayan mo ako ng buhok, Alana.

R. NAMATAY at NAPATAY
Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya.
Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya; -ginagamit din sa patalinghagang
paraan doon sa mga bagay na walan buhay.
Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso.

32
S. MAGSAKAY at SUMAKAY
Magsakay - magkarga (to load).
Sumakay - to ride
Halimbawa:
Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.
Sumakay na tayo sa daraang bus.

T. OPERAHAN at OPERAHIN
Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.
Operahan - tumutukoy sa tao.
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.

U. IKIT at IKOT
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman
ay mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
2. Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel.
3. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

V. HATIIN at HATIAN
Hatiin (to divide) o partihin Hatian (to share) o ibahagi.
Halimbawa:
Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

W. NABASAG at BINASAG
Nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto
Binasag ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Halimbawa:
Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.
X. BUMILI at MAGBILI
Bumili- to buy Magbili- to sell o magbenta
Halimbawa:
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

Y. KUMUHA at MANGUHA
Kumuha- to get Manguha – to gather, to collect
Halimbawa:
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

Z. NANG at NG
A. Makikita sa unahan ng pangungusap o bilang katumbas ng salitang “noong”.
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
B. Gamit sa pang-abay na pamaraan
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
3. Lumangoy nang mabilis si Celle.
4. Sumigaw nang malakas si Ablaza.
C. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.
3. Iyak nang iyak ang sanggol sa kuna.
4. Tahol nang tahol ang aso.
D. Ginagamit ang salitang “nang” bilang katumbas ng salitang “upang”.
1. Sunduin mo na ang tatay mo sa bahay ng lola mo nang makauwi na tayo.
2. Kailangan nating matulog nang maaga nang maaga rin tayong magising. 33
E. Ginagamit ang salitang “nang” bilang kapalit ng pinagsamang “na at ang” sa
pangungusap.
Sukdulan “na ang” kahirapang ito.
Sukdulan nang kahirapang ito.
2. Marami “na ang” panauhin sa bahay.
Marami nang panauhin sa bahay.
F.Ginagamit ang salitang “nang” bilang kapalit ng pinagsamang “na at na” sa
pangungusap /pahayag.
Tumigil ka “na ng” manigarilyo.
Tumigil ka nang manigarilyo
NG
Ginagamit ang salitang “ng” kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagmamay-
ari.
Talagang kahang-hanga ang bagong tayong mansyon ng mga Gabuat.
Bakit ang palad ng mahihirap ay magaspang?
Kinabukasan ng mga anak ang laging iniisip ng mga magulang.

B. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pangalan.


1. Nagbabasa ng libro si Franchesca Lazaga.
2. Naglalaro ng Dota si Lance dela Cruz.
3. Naglilinis ng kotse si Innah Lopez.
4. Nag-iipon ng tubig si Yessa.
5. Nagwawalis ng bahay si Mariel Calumban.

C. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pang-uri.


1. Nagbabasa ng makapal na libro si John Wendell Sepillo.
2. Nagluto ng masarap na adobo si Clara para kay ibigay kay Hao.

D. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pang-uring-pamilang.


1. Nagsampay si Jessica ng isang dosenang damit na pinalabhan ni Sergio.
2. Bumili si Acer ng tatlong rosas para ibigay kay Liclic.

AB.KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles Ang kong ay
panghalip na panao sa kaukulang paari.
Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.

AC. KUNG DI at KUNDI


Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles Ang kundi naman ay except.
Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

AD. HAGDAN at HAGDANAN


Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

34
PAKSA:MGA SALITANG MAG-
KAPAREHO NG BAYBAY NGUNIT
MAGKAIBA NG KAHULUGAN

Mga salita sa Filipino na magkapareho ng baybay subalit mas nauunawaan kapag ginamit na ito sa
pangungusap. Tunghayan ang ilang halimbawa sa ibaba.
Mga Halimbawa:
a. Lobo - isang uri ng laruan/Lobo - isang uri ng hayop
a. Sawa - ayaw na / Sawa - isang uri ng ahas
a. Pino- isang uri ng puno /Pino - maliit na maliit
a. Pila- baterya /Pila- nanay
a. Kita – tanaw / Kita – sweldo/napagbilhan
a. Paso- luma na / Paso -lalagyan ng halaman
a. pako- isang uri ng halaman /pako - gamit ng karpintero
a. sulat- liham / sulat - pagsasatitik ng iniisip
a. tuyo- isang uri ng isda / tuyo - hindi basa
a. binasa- tinapunan ng tubig / binasa- tinignan
ANTAS NG WIKA
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang pal-
atandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.

Pormal
Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit
na nakararami
lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

Pambansa
Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga
paaralan.

Pambansa Pampanitikan
Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasisiraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay

35
Pampanitikan
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampa-
nitikan. Ito ng mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.

Pambansa Pampanitikan
Kapatid Kapusod
Malaki Ga-higante
katulong katuwang

Impormal
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

Lalawiganin
Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na
pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa
ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakai-
bang tono, o ng tinatawag ng marami na punto.

Pambansa Lalawiganin
Upo Tahayag
Kalamansi Kalamunding
Talukbong Pandong
Aba nga naman Ala eh naman
Gabi Gabi-i
Bote Boti

Kolokyal
Ito’y mga pang-arawaraw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, baga-
mat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Pambansa Kolokyal
Saan naroon Sanaron
Nasaan Nasan
Naroon Naron
Kani-kaniya Kanya-kanya
Ayawan Ewan
Tayo na Tana
Tala na Tana

36
Balbal
Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay
hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinagaralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga
grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa gayon, para nga namang
code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinaguusapan. Pabagu-bago ang mga salitang
balbal. Pana- panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal agad nawawala. Ito ay
tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa
grupo ng mga bakla ay swardspeak.

Pambansa Balbal
Matanda Gurang
Kapatid Utol
Inom Toma/tagay
Security guard Sikyo
Original Orig
Amerikana Kana
Bata Atab
Pulis Lispu
Kotse Tsikot
Hiya Dyahi
Sigarilyo Yosi

37
Mahusay! Nawa’y naunawaan mo ang
ating naging talakayan patungkol sa antas
ng wika at mga salitang magkakapareho
ngunit magkaiba ang kahulugan. Ngayon
subukin natin ang iyong kaalaman.

Handa ka na bang ipagpatuloy


ang iyong paglalakbay? Upang magpat-
uloy ka sa iyong paglalayag subuking
saguting ang ilang pagsubok sa
susunod na pahina.

38
PAGSUBOK 3
Pangalan_________________________Antas at Seksyon_________________Nakuha______

PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Panuto:Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ang Daga at ang Leon

Sa isang kagubatan ay may isang leon na ubod ng yabang. Parati niyang ipinagmamalaki na
matapang daw siya at hindi umuurong sa anumang laban.

Isang araw, habang naglalakad sa gubat si Leon. Nakita niya ang isang maliit na daga na
nakaipit sa isang malaking kahoy.

Tinulungan niya ito upang makaalis sa pagkakaipit sa kahoy. “ Salamat, butihing Leon!
Maraming salamat sa pagtulong mo. Asahan mo na kapag dumating ang panahon ay ikaw naman ang
tutulungan ko,” ang sabi ng daga. “Hahaha! Ikaw? Paano mo ako matutulungan sa liit mong iyan?”
ang natatawang sagot ng leon. Malungkot na umalis ang daga dahil sa sinabi ng leon.

Isang araw, habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso. Pinilit ng leon
na makatakas ngunit lalo lamang humigpit ang bitag na nakapulupot sa kanyang katawan. Habang ito
ay nagpupumiglas, napadaan ang daga. Mabilis na kinagat ng daga ang mga tali sa bitag upang maka-
laya ang leon.

Bilugan ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Bakit mayabang ang leon?


a. Siya ay mabait.
b. Siya ay matapang.
c. Siya ay malaki.

2. Paano tinulungan ng leon ang daga?


a. Tinawanan niya ang daga.
b. Binigyan niya ang daga ng pagkain.
c. Tinulungan niyang makatakas sa pagkakaipit sa malaking kahoy.

3. Ano naman ang ginawa ng daga upang matulungan ang leon?


a. Kinagat ng daga ang mga tali ng bitag para makawala ang leon.
b. Tumawag ang daga ng tulong para sa leon.
c. Iniwanan niya ang leon sa kagubatan.

4.Ano ang aral na nais iparating ng kuwento?


a.Walang makahihigit sa lakas ng isang Leon.
b.Di dapat sukatin ang kakayahan ng isang maliit na bagay.
c. Ang pagtanaw ng utang na loob ay dapat lamang isaisip ng tao.

5.Sino ang maituturing na tauhang lapad sa kuwento?


a.Ang Daga
b.Ang Leon
c. Ang Daga at ang Leon

39
Panuto:Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang pakakasunod sunod nito sa
kuwento.Isulat ang bilang 1-4 sa patlang.

_____________ Nahuli sa bitag ng isang mangangaso ang leon.

_____________ Tinulungan ng leon na makatakas ang daga sa pagkakaipit.

_____________ Kinagat ng daga ang tali sa bitag upang makatakas ang


leon.

_____________ Nagpasalamat ang daga sa leon sa pagliligtas sa kanya.

40
Binabati kita! Talagang naunawaan mo
ang ating tinalakay.

Siguradong marunong ka ng
bumasa. Ngayon susubukin na man
natin ang ang kabuuhang natutunan
mo sa modyul na ito. Handa ka na ba
sa isang mahabang pagsusulit?
Halika na at simulant na ang
pagsagot sa pagsubok na siyang magi-
ging basehan kung ikaw nga ba ay nag-
tagumpay sa iyong paglalakbay sa
mundo ng pagbasa.

41
POST TEST

42
PAGSUSULIT
Pangalan_________________________Antas at Seksyon_________________Nakuha______

Nadatnan ni Gng. Alameda si Tina, ang bunso niyang anak na kasalukuyang nagtatanim ng mga halaman
sa kanilang bakuran.
“Nanay, alam ninyo bang tinuruan kaming magtanim ng halaman ng aming guro. Ngayon ko nalaman na
mahalaga pala ang mga puno at halaman upang maiwasan ang malaking pagbaha.”
“Mabuti naman kung ganun. Kailangan talagang habang bata pa lamang ay malaman na ninyo ang kahala-
gahan ng halaman sa ating paligid, ang nagagalak na wika ni Gng. Alameda.

1. Ang salitang nadatnan sa unang pangungusap ay nangangahulugan ng __________.


A. nasilayan B. naabutan C. napagsabihan D. inutusan
2. Ayon sa binasang kuwento si Tina ay isang batang __________.
A. mabait at masipag C. mapagbigay at masayahin
B. pabaya at tamad D. mapagpahalaga sa kalikasan
3. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na pamagat ng binasa?
A. Ang Masipag na Bata
B. Ang Masayahing Bata
C. Ang Batang Mapagpahalaga sa Kalikasan
D. Ang Batang Matulungin
4. Dahil sa mga ipinakita ni Tina, si Gng. Alameda ay ____________.
A. natuwa at humanga sa anak
B. nagalit sa anak
C. Naawa sa kanyang anak
D. nalungkot sa inasal ng anak
5. Saan nagtanim ng halaman si Tina?
A. sa paaralan C. sa plasa
B. sa kanilang bakuran D. sa bundok
6. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?
A. lumago ang mga halamang itinanim ni Tina
B. namatay ang mga halamang itinanim ni Tina
C. ipinamigay ni Gng. Alameda ang mga halaman
D. namulaklak ang mga halaman
7. Ang nagagalak ay kasalungat ng __________.
A. natutuwa B. nagagalit C. nagtatampo D. nalulungkot
8. Ano ang detalyeng sumusuporta sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno at halaman?
A. Matutuwa ang mga magulang
B. Maiiwasan ang matinding pagbaha
C. Dudumi ang kapaligiran
D. Magiging maaliwalas ang kapaligiran

43
I. Napagkasunduan ni Leo at ng kanyang mga kaibigan na gawing palaruan ang kanilang bakuran.
Naisip ni Leo na makakasagabal sa kanila ang puno ng niyog sa kanilang bakuran kaya nagpasiya siyang
putulin ito.
Ngunit ito ay hindi sinang-ayunan ng kaniyang kapatid na si Marlon.
II. “Hindi mo ba alam na bawat bahagi ng puno ng niyog ay mahalaga. Maraming bagay ang magagawa na-
tin dito.
Maaari siyang gawing kendi, pampalamig, panluto at sabon.
Nakagagawa rin ng dekorasyon, bunot at sandok mula sa mga bahagi nito, paliwanag ni Marlon.
III. “ Ganun ba. Napakahalaga pala ng puno na ito. Hayaan mo hindi ko na siya puputulin.
Maghahanap na lamang kami ng ibang lugar na mapaglalaruan,” ang wika ni Leo.

9. Ano ang ibig sabihin ng makakasagabal sa unang talata ng kuwento?

A. makakaistorbo C. makakawala
B. makakatulong D. makakaginhawa

10. Anong katangian ang ipinamalas ni Marlon sa ikalawang talata(II) ng kuwento?

A. mapagmahal C. magalang
B. mapagpahalaga D. Makabayan

11. Anong pamagat ang angkop sa kuwento?

A. Ang Batang Maalalahanin C. Ang Batang Nagpapayo


B. Ang Niyog ay Mahalaga D. Niyog, Puno ng Buhay

12. Bakit binabalak na putulin ni Leo ang puno ng niyog?

A. Nais niyang makuha ang mga bunga nito


B. Nakakasagabal sa kanilang paglalaruan
C. Napapagod siyang walisan ang mga tuyong dahon nito
D. Nais niyang maging maaliwalas ang kanilang bakuran

13. Saan nagbabalak magtayo ng palaruan si Leo?

A. sa barangay hall C. sa plasa


B. sa kanilang bakuran D. sa paaralan

14. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?

A. Nagalit si Marlon sa kapatid


B. Itinuloy ni Leo ang pagputol ng puno ng niyog
C. Ginawang palaruan nina Leo ang kanilang bakuran
D. Natuwa si Marlon sapagkat naunawaan ni Leo ang kahalagahan ng puno ng niyog

15. Ano ang kasalungat ng di sinang-ayunan?

A. di pinayagan C. pinayagan
B. tinutulan D. ipinaalam

16. Ano ang detalyeng sumusuporta sa kahalagahan ng puno ng niyog?

A. Maraming produkto ang magagawa mula sa mga bahagi nito


B. Mabilis itong tumubo
C. Ginagawang pahingahan ang ilalim nito
D. Ginagawang walis ang dahon nito

44
I. Si Riana ay mulat sa karukhaan ng kanyang pamilya. Madalas ay pumapasok siya sa paaralan nang
hindi man lang nakakapag-almusal. Ito ay hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan kaya tuwing rises binaba-
haginan siya nito ng pagkain.Minsan, pinagsabihan siya ng guro dahil naka-tsinelas lamang siya nang pu-
masok sa paaralan.
II. Sa kabila ng kahirapang kanyang nararanasan, hindi nawalan ng pag-asa si Riana. Nag-aral siya sa
gabi at sa umaga nagtitinda siya ng isda sa palengke.
III. Sa ngayon, isa nang matagumpay na nars si Riana at patuloy na lumalago sa kanyang napiling karera.

17. Ano ang kahulugan ng salitang karukhaan?

A. kalinisan
B. kasakiman
C. kahirapan
D. kaligayahan

18. Anong katangian ang ipinakita ni Riana sa ikalawang talata (II) ng maikling kuwento?

A. Matalino
B. Masipag
C. Masuwerte
D. Mapagmahal

19. Ano ang pinaka-angkop na pamagat ng kuwento?

A. Ang Kahirapang Kinamulatan ni Riana


B. Ang Batang Nagtagumpay
C. Ang Kasipagan ni Riana
D. Ang Kaibigan ni Riana

20. Bakit napagsabihan ng guro si Riana?


Dahil sa pumasok siya nang ________ lamang.

A. naka – tsinelas
B. naka – uniporme
C. naka – yapak
D. naka – sapatos

21. Saan nagtitinda ng isda si Riana?

A. sa palengke B. sa paaralan C. sa parke D. sa talipapa

22. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?

A. Naging tindera sa palengke si Riana


B. Hindi nakatapos ng pag-aaral si Riana
C. Umunlad ang kabuhayan nina Riana
D. Pinagtatawanan ng mga kapitbahay si Riana

23. Ano ang kasalungat ng salitang karukhaan?

A. kasakiman C. kayamanan
B. karangyaan D. kaligayahan

24. Ano ang detalyeng sumusuporta sa kahirapang naranasan ni Riana?

A. Si Riana ay mula sa mayamang angkan.


B. Madalas nakakatulog sa klase si Riana.
C. Nagtapos ng Nursing si Riana.
D. Nag-aral si Riana sa gabi at Sa umaga naman ay nagtitinda siya ng isda sa palengke.

45
I. Sina Riza at Elena ay may dalang regalo para sa kaarawan ng kanilang gurong si Bb. Barbara Reyes. Maya-
maya, dumating naman sina Ric, Daniel at Roger. Sila ay may dala-dalang mapupulang rosas. Ang mga bu-
laklak ay galing sa Baguio.

II.” Kanino ninyo ibibigay ang mga bulaklak na iyan?” Ang tanong ni Riza.
“Kay Bb. Reyes,” wika ng mga bata.

III. Tuwang-tuwa si Bb. Reyes sapagkat hindi nakaligtaan ng mga bata ang kanyang
kaarawan.

25. Ano ang kahulugan ng salitang nakaligtaan sa ikatlong talata ng kuwento?

A. nalaman
B. nakalimutan
C. natunugan
D. nasiyahan

26. Anong katangian ang ipinakita ng mga bata sa unang talata (I) ng maikling kuwento?

A. Maalalahanin
B. Masipag
C. Masuwerte
D. Mapagmahal

27. Ano ang pinaka-angkop na pamagat ng kuwento?

A. Ang Kaarawan ni Bb. Reyes


B. Ang Mga Batang Masayahin
C. Ang Magkakaibigan
D. Ang Mga Mag-aaral

28. Bakit may dala-dalang regalo sina Riza at Elena?


Dahil kaarawan ni __________.

A. Ric
B. Daniel
C. Bb. Reyes
D. Roger

29. Saan galling ang mga bulaklak na ibinigay ng mga bata kay Bb. Reyes?

A. sa palengke B. sa Baguio C. sa parke D. sa Dangwa

30. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?

A. Naging tindero ng mga bulaklak sina Ric, Daniel at Roger.


B. Nagpasalamat si Bb. Reyes sa mga bata.
C. Nagmamadaling umuwi ng bahay si Bb. Reyes.
D. Pinagtawanan ni Bb. Reyes ang regalo ng mga bata.

31. Ano ang kasalungat ng salitang nakaligtaan?

A. naalala C. namalayan
B. nabalitaan D. kaligayahan

32. Ano ang detalyeng sumusuporta sa pag-alala ng mga bata sa kaarawan ng kanilang guro?

A. Binati ng mga bata si Bb. Reyes


B. Nakalimutan ng mga bata ang araw ng kapanganakan ng kanilang guro.
C. May dala-dalang regalo ang mga bata para sa kay Bb. Reyes.
D. Nagtago ang mga bata nang amkita nilang palapit sa kanila si Bb. Reyes.

46
I. Noong panahon ng digmaan, si Merly ay nasa Amerika kasama ng kanyang mga magulang. Siya ay dinala
ng mga magulang sa Amerika upang ipagamot. Nang gumaling na siya, hindi naman sila makauwi sa Pilipi-
nas dahil sa digmaan.

II. Minsan, naulinigan ni Merlyn na nag-uusap ang mga magulang. “Ang balita ko’y nagkakagutom na ang
mga tao. Wala na silang makaing tinapay, gatas at bigas,” balita ng kanyang ama.
“Kaawa-awa naman! Marami na nga raw ang namamatay sa gutom,” wika ng ina niya.

III. Naalala ni Merly ang kanyang Lolo at Lola kaya dali-dali siyang pumasok sa kanyang silid. Kinuha niya
ang kanyang alakansya at lumapit sa ama.
“Itay, pakibuksan nga po ang aking alkansya. Bibili po ako ng maraming tinapay. Ipapadala po natin sa mga
nagugutom na tao sa ating bayan. Kaawa-awa naman sila.

33. Ano ang kahulugan ng salitang naulinigan sa ikalawang talata ng kuwento?

A. nalaman
B. nakalimutan
C. natunugan
D. narinig

34. Anong katangian ang ipinakita ni Merly sa ikatlong talata (III) ng maikling kuwento?

A. Maalalahanin
B. Maawain
C. Masuwerte
D. Mapagmahal

35. Ano ang pinaka-angkop na pamagat ng kuwento?


A. Ang Batang Mapagbigay
B. Ang Batang Masayahin
C. Ang Mag - anak
D. Ang Mga Mag-aaral

36. Bakit hindi makauwi sa Pilipinas sina Merly?


Sapagka’t nagkaroon ng __________sa Pilipinas.

A. patayan
B. rally
C. tag-gutom
D. digmaan

37. Saan ipinagamot si Merly ng kanyang mga magulang?

A. sa Canada B. sa Europa C. sa Amerika D. sa Australia

38. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?

A. Nagalit ang mga magulang ni Merly sapagka’t binuksan niya ang kanyang alkansya.
B. Ibinili ni Merly ang kanyang naipon ng tinapay at ipinamigay sa mga taong nagugutom.
C. Nagpumilit umuwi ng Pilipinas ang mag-anak.
D. Pinuri si Merly ng mga magulang dahil sa ipinakitang pagmamalasakit sa mga kababayan.

39. Ano ang kasalungat ng salitang dali-dali?

A. dahan-dahan C. maliksi
B. mabilis D. mahinhin

40. Ano ang detalyeng sumusuporta sa pagmamalasakit na ipinakita ni Merly sa mga


kababayan?

A. Ipinagwalang bahala ni Merly ang narinig na pag-uusap ng magulang.


B. Pinagamot si Merlyn g kanyang mga magulang sa Amerika.
C. Kinuha ni Merly ang alkansya at pinakuha ang laman upang ipambili ng tinapay para sa mga
kababayang nagugutom dahil sa digmaan.
D. Nagpasiya ang mag-anak na umuwi ng Pilipinas sa kabila ng nabalitaang digmaan.

47
KEY TO CORRECTION

48
PAGSUBOK 1 PAGSUBOK 2
1) Ilaw 1) Manok
2) Unan 2) Lamok
3) Leon 3) Suklay
4) Kubo 4) Orasan
5) Pera 5) Kendi
6) Mapa 6) Tigre
7) Mata 7) Sando
8) Baso 8) Medyas
9) Kape 9) Bakya
10) Baka 10) Panyo
11) Relo 11) Balde
12) Krus 12) Gunting
13) I
14) R
15) K
16) B
17) O
18) E
19) B
20) t
21) g

PAGSUBOK 3
1) B
2) C
3) A
4) C
5) A
6) 3
7) 1
8) 4
9) 2
POST TEST
1.B 21.A
2.D 22.C
3.C 23.C
4.A 24.D
5.B 25.B
6.A 26.A
7.B 27.C
8.B 28.C
9.A 29.B
10.B 30.B
11.D 31.A
12.B 32.C
13.B 33.D
14.D 34.A
15.C 35.C
16.A 36.D
17.C 37.C
18.B 38.D
19.B 39.A
20.A 40.C
SANGGUINIAN
https://www.google.com/search?
q=background+design+for+book+cover+about+reading&hl=en&sxsrf=ALeKk02knspYSMTEmO-
CMWngLbXPM6E4Tw:1587026052803&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjPooHhxOzoA
hUGxosBHTIUDZYQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=608#imgrc=RbClx0ru-IRTHM

http://teacherfunfiles.blogspot.com/2017/12/mga-salitang-nagsisimula-sa-mga.html

https://www.academia.edu/37869936/Kakayahan_sa_Pagbasa_at_Pag_unawa

You might also like