You are on page 1of 2

1, 2, 3

Ang Mahiwagang
Medalyon
Inihanda ni:
DANA JANE N. ARGUELLES
MAFILED
Maraming mga estratehiyang magagamit ang guro sa klase. Ang mga kagamitang ito at
mga teknik ay nagiging epektibo at makabuluhan kapag ang guro ay may tiyaga, sipag at
pagkamalikhain. Sa tulong ng mga estratehiyang ito at sa mahusay na pagtuturo ng guro, wa-
lang dahilan para hindi matuto ang mga mag-aaral. Sinasabing may kanya-kanyang estratehi-
ya o teknik ang guro upang maibahagi niya ang kaalaman sa mga mag-aaral ngunit sinasa-
bing walang perpektong estratehiya ito ay nakadepende sa guro at sa mga mag-aaral upang
magkaroon ng epektibo at masayang pagkatuto.
Narito ang isa sa estratehiyang aking gunagamit kapag ako ay nagtuturo tinawag ko
itong 1, 2, 3 Ang Mahiwagang Medalya. Maaari itong gamitin sa pangkatan at indibidwal na
gawain. Nasa ibaba kung paano maisasagawa ang teknik na ito.

1. Ilahad ang isyu/ sitwasyon/ suliranin sa klase o pangkat.


2. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng pansariling opinion o pananaw tungkol sa
isyu.
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.
4. Ituloy ang pagsusuri tungkol sa mga ideya/ opinion o pananaw ng mga mag-aaral.
5. Ang bawat mag-aaral o pangkat ay magbibigay ng kanilang pagmamarka sa sagot ng kanil-
ang kaklase. Kapag natukoy na ang pangkat o mag-aaral na nakakuha ng maraming ta-
mang sagot ay sisigaw ng 1, 2, 3 ang mahiwagang medalya. Pagkatapos maisigaw ng mag-
aaral ay ibibigay ng guro ang medalyang ginto ito ay mananatili sa pangkat o sa mag-aaral
hanggat siya ang may pinakamaraming nasasagot sa mga tanong na ibinabato ng guro.

You might also like