You are on page 1of 8

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 10

Pagsasanay 15: Pagsulat ng Wastong Pananaw (Suring-Basa)

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang
papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling mahirap sagutin ang mga gawain sa sanayang papel na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng sanayang papel na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Simulan Mo!
Pagbati ng kapayapaan at pagmamahal minamahal kong mag-aaral! Kumusta
ka? Marahil ay sabik na sabik ka nanamang matutuo sa araw na ito. Sa aralin na ito
ay pag-aaralan mo ang suring-basa. Inaasahan na matututunan mo ang pagsulat ng
wastong pananaw gamit ang suring-basa.

Bago ‘yan balikan natin ang iyong napag-aralan sa tulong ng gawain sa ibaba.
Basahin at unawain nang mabuti.

Gawain 1: Naalala Mo
Panuto: Isulat ang letra ng paksang tumutugon sa sumusunod na panitikan.
_____1. Cupid at Psyche a. Parabula
_____2. Tusong Katiwala b. Sanaysay
_____3. Gilgamesh c. Epiko
_____4. Ang Yungib d. Mitolohiya
_____5. Ang Kwintas e. Maikling kwento

Magaling! Nasagot mo. Bihasa ka nga sa mga pantikan.

Alam mo ba?

SURING-BASA
 
Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling
kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahad ang mga
kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.

 
 
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.


2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o
maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat. 

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa


 
I.     PANIMULA
 
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o
damdaming taglay nito.
 
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
 
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng
may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
 
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba
nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa.
 
II.    PAGSUSURING PANGNILALAMAN
 
Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at
mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
 
Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng
lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong    
kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o namamatay.
Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan.
 
Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang 
kasaysayan? kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at  
sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan.
 
Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa
akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring
may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda?
May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas?
Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa
nilalaman ng akda?
 
Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala,
kaugalian o kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw
ng ibang tao o bansa?
 
III.     PAGSUSURING PANGKAISIPAN
 
Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay
nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan,  sistema ng
mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang
mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
 
Estilo ng Pagkasulat ng Akda –
* Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita?
*Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda?
* May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang
pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at
sa katangian ng isang mahusay na akda?
 
IV.       BUOD
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa
mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.

Halimbawa ng isang Suring-Basa:

NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO


                       ( mula sa nobelang "Ang Sandali ng mga Mata" ni Alvin V. Yapan )

      Awtor :                             Alvin V. Yapan

     Mga Tauhan :                    Nene                           Buboy


                                               Aling Selya                 Bobong
                                               Isko
                                               Mr. Edwards

    Tagpuan :                           Sa bayan ng Sagrada , Camarines Sur

    Buod :

                Sa bayan ng Sagrada; may mag- asawa na nagngangalang Selya at Isko , na nagbunga ng


anak na babae na si Nene. Dalawampung taon nang pinanganak ni Aling Selya si Nene.

             Si Nene ay isang babaeng madiskarte sa buhay na may pinanghahawakang pangarap.


Pinasok nya ang iba't- ibang uri ng trabaho at nagtayo ng isang maliit na sari sari store. At nang
makaipon ay napag- isipang makabili ng isang refrigerator. Bumili  sya ng plastik , nilagyan ng tubig at
binuhol nang mahigpit nang hindi sumasabog ang plastik. Oo , gumawa sya ng yelo. Naging malakas
ang benta ng kanyang yelo. At hindi maiwasan na nahalata ng kanyang mga kapitbahay ang  kanyang
pag- asenso sa pagbebenta ng yelo. Kung kaya't ginaya ito ng kanyang mga kapitbahay. Sa sobrang
inis nya , gumawa sya ng bagong produkto at ito ay ang ice tubig at ice candy. Hindi rin sya tinigilan ng
panggagaya ng kanyang mga kapitbahay.  Nag- isip na lamang sya ng bagong pagkakakitaan; at ito
ang  piggery and poultry.  at gaya ng inaasahan , ginaya rin sya ng buong bayan. kung kaya't ang
bayan ng Sagrada ay namaho sa dami ng dumi ng baboy at manok na nagkalat. Pasalamat naman sila
na nanawala ito tuwing may ulan ngunit pananalian lamang. Naisipan rin niya na pumasok sa paaralan
at magturo , subalit salungat ang ginawa nya rito. Nagbenta lamang sya ng mga laruan na plastik gay
ng baril barilan. 
                 Isang araw , may dumating na dayuhan na isang TNT daw. Siya ay si Mr. Edwards. Isang
turista na gustong malangoy ang Daro- anak, at maitala ang pangalan sa Guinness World Book of
Records.  Si Isko ang naging palaging kasama niya sa pagpunta sa Daro- anak. Samantala , binigyan
ng payo si Nene na  lagyan na lamang nag tubig na kulay pula bilang bala para pag binaril ay parang
may dugo na. Ang mag- ina ay laging nagbabangayan sa pagkuha ng loob ng kano na limampung
taung gulang. Iang araw pa nga  ay binigyan ni Mr. Edwards si Nene ng tsokolate  at bulaklak ,
samantala sa ina nito ay tanging scotch tape para sa abaniko nitong yugpi- yugpi.   
               Nang lumaon , nagtapat ng damdamin ang kano kay Nene at nagtapat ng mga sekreto nito
sa kanya. Ipinagtapat niya na hindi naman talaga ang makalangoy sa Daro- anak ang pangarap nya
kundi ang magtayo ng isang boutique. 
               Nagtulungan sina Nene at Mr. Edwards sa pagtatayo at papapaunlad ng boutique. Ngunit
pangarap pa rin ni Nene na makapunta ng Amerika , sapgkat ang kwento sa kanya--- na ang
mansanas duon ay pula kung pula, at berde kung berde. Samantala sa Pinas ay hindi matukoy ,
sapagkat may kalahating berde at kalahating pula.
              Kalauna'y  naglaho ang kano ng hindi namamalayan. Napagtanto ng mag- ina na sila ay
nalinlang. Sinubukang sundan ni Nene ang kano. 
              Nagpadala si Nene ng sulat sa kanyang ina na may selyong New York. Kung kaya't naisip nito
na nasa Amerika na ang kanyang anak. Subalit pagpunta nya sa Maynila, nasilayan nya ang iba't-
ibang pagawaan ng selyo , gaya ng selyo ni Nene na New York. 
              napakagaling pala talaga ng mga Pilipinong manggaya at mandaya. Gaya ng mga kapitbahay
nito na walang inatupag kundi manggaya.

Gawain 2: Magsaliksik ng isang halimbawa ng panunuring panitikan. Tukuyin ang


ibat-ibang impormasyon na makikita sa bahagi ng halimbawang nasaliksik. Magiging
gabay mo ito sa pagsusulat ng sarili mong panunuri.

halimbawa:

Pamagat ng Harry Potter and the Philosophers Stone


manunuring
pampanitkan
Akdang Sinuri Nobela
Awtor
J.K. Rowling

Magtulungan tayo!
Gawain 3: Humanap ng iba pang nobela o kwento magkomento sa paraan ng
pagkakasulat ng kwento o nobelang napili. ikumpara ang “Harry Potter and the
Philosopher's Stone” sa kwento o nobelang napili mo batay sa mga bahagi nito.

Kwento/ nobelang napili Harry Potter and the Philopher’s Stone


Simula

Gitna

Wakas

Magaling at nasagot mo rin! dadako nanaman tayo sa isa pang gawain na tiyak
masasagot mo rin.
Magagawa Mo!
Ngayon natunghayan mo na ang mga mahahalagang ambag ng pantikan sa pag-unlad
ng sarili nating panitikan at maging sa buong mundo. Ang kaalamang ito ay higit mo
pang mapagyayayaman sa pamamagitan ng pagsulat ng sarili mong pananaw tungkol
dito. Halika at sagutan ang gawain. Alam kong kayang kaya mo ito!

Gawain 4: Suring-Basa
Tulad ng isang minahan ang taglay na yaman ng bawat panitikan na ating binabasa.
Mamimina lamang natin nang lubos ang gintong kaisipang taglay nito kung susuruing
mabuti ang ating binabasa. Upang maging lubos ang inyong pagkatuto gagawa ka ng
suring-basa ng isa sa mga nobelang iyong nagustuhan o maari mo din gawan ng
suring- basa ang iyong ginawang panunuring panitikan sa taas.

Rubriks sa Pagwawasto

Dimesyon Mahusay Katamtaman Mahina Puntos


8-10 5-7 1-4
Pagkasulat Walang maling Walang maling Hindi nakikitaan
pang-gramatika at pang-gramatika ng kalinawan ng
mahusay at kaisipan
malikhain ang
paggamit ng mga
salita
Nilalaman Nakikitaan ng Kompleto ang Iilan lamang nag
mahusay na mga impormasyon ang
pagkaunawa sa impormasyong ibinigay
akdang sinuri ipinahayag
Organisasyon Mahusay at mabisa Maayos na Hindi malinaw at
ang pagkasunod- nasusunod ang walang kaugnayan
sunod ng mga mga pangyayari ang mga detalyeng
detalyeng inilahad inilahad sa
sa panunuri panunuri
Kalinisan Mahusay at malinis Malinis ang Marumi at
ang pagkasulat ng pagkasulat ng nakikitaan ng
suring-basa suring-basa pagmamadali sa
ginawang suring-
basa
Kabuuan

Magaling! Maraming Salamat sa iyong pagsusumikap sagutin ang modyul. Sana ikaw
ay nasisisyahang matutuo. Hanggang sa muli. 😊
SANGGUNIAN:

-Modyul sa Filipino Grade 10-Panitikang Pandaigdig

-https://tl.wikipedia.org/wiki/Harry_Potter

Bumuo sa Pagsulat ng Sanayang Papel

Manunulat: Maria Pamela C. Montino


Editor: Teodora R. Santos
Tagasuri: Florence S. Donayre
Division Learning Areas EPS: Mylane V. Barquera, Ed. D
Sagutang Papel

Pangalan: _________________________________ Petsa/Oras: _______________

Baitang at Pangkat: _______________________ Asignatura: _______________

Iskor: ________ Markahan: _______________

Gawain 1: Naalala Mo
Panuto: Isulat ang letra ng paksang tumutugon sa sumusunod na panitikan.
_____1. Cupid at Psyche a. Parabula
_____2. Tusong Katiwala b. Sanaysay
_____3. Gilgamesh c. Epiko
_____4. Ang Yungib d. Mitolohiya
_____5. Ang Kwintas e. Maikling kwento

Gawain 2: Magsaliksik ng isang halimbawa ng panunuring panitikan. Tukuyin ang


ibat-ibang impormasyon na makikita sa bahagi ng halimbawang nasaliksik. Magiging
gabay mo ito sa pagsusulat ng sarili mong panunuri.

Pamagat ng
manunuring
pampanitkan
Akdang Sinuri

Awtor

Gawain 3: Humanap ng iba pang nobela o kwento magkomento sa paraan ng


pagkakasulat ng kwento o nobelang napili. ikumpara ang “Harry Potter and the
Philosopher's Stone” sa kwento o nobelang napili mo batay sa mga bahagi nito.

Kwento/ nobelang napili Harry Potter and the Philopher’s Stone


Simula

Gitna

Wakas
Gawain 4: Suring-Basa
Tulad ng isang minahan ang taglay na yaman ng bawat panitikan na ating binabasa.
Mamimina lamang natin nang lubos ang gintong kaisipang taglay nito kung susuruing
mabuti ang ating binabasa. Upang maging lubos ang inyong pagkatuto gagawa ka ng
suring-basa ng isa sa mga nobelang iyong nagustuhan o maari mo din gawan ng
suring- basa ang iyong ginawang panunuring panitikan sa taas.

You might also like