You are on page 1of 31

ARALIN 5:

Magandang
Umaga! 
2

Ano ang kahalagahan


ng pagsunod natin sa
ating mga magulang?
3

Pang-uri
Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-katangian sa
mga pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng
pagbibigay ng uri, kalagayan, o bilang salitang
tinutukoy.
Halimbawa:
1. Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa
simbahan.
2. Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga
bata.
3. Pulang-pula ang nabiling damit ni Tina para sa ate
niya.
4

May iba’t ibang gamit ang mga pang-uri sa


pangungusap.
__ 1. Panuring sa Pangngalan
  

Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa mga


pangngalan.
Halimbawa:
a. Nanginig sa takot ang matandang lalaki.
    

b. Natanaw niya sa malayo ang anyo ng isang


    

luma at nakahapay na kubong pawid.


c. Nakakatakot ang abandonadong bahay.
    
2. Panuring sa Panghalip
  
5

Ito ay mga pang-uring naglalarawan sa mga


panghalip

Halimbawa:
a. Ako’y buto’t balat na raw sabi ng madla.
    

b. Silang mahihirap ang dapat makatanggap ng


    

kalinga buhat sa pamahalaan.


c. Silang makabayan ang maging huwaran ng
    

ating kabataan.
3.  Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan 6

Ito ay mga pang-uring tumatayo bilang isang


simunong pangngalan sa pangungusap at
pinangungunahan ng pananandang ang.
Halimbawa:
a.    Ang salarin ang dapat parusahan.
b.    Ang mararangal ay lubusang
iginagalang.
c.    Ang magaganda ay karaniwang
hinahangaan.
7

4. Pang-uring Kaganapang
  

Pansimuno
Halimbawa:
1. Mapagkumbaba ang matanda
     

sa kwento.
2. Mabagsik ang mga lamang
    

lupa.
8

PASULIT!
Panuto: Tukuyin ang pang-uri sa
pangungusap at anong gamit ito ng pang-uri.
1. Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang
kamay.
2. Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
3. Sila ay munawain.
4. Mahusay na pintor si Juan Luna.
5. Ang malamig na hangin ay dumampi sa aking
pisngi.
9

1. Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang


kamay.- Panuring ng Pangngalan
2. Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
- Panuring sa Panghalip
3. Sila ay maunawain.- Panuring sa Panghalip
4. Mahusay na pintor si Juan Luna. – Panuring ng
Pangngalan
5. Ang malamig na hangin ay dumampi sa aking
pisngi. - Pang-uring Kaganapang Pansimuno
Sanaysay
 Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na
naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at
magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman.
Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng
sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at
diwa lamang.
 Karaniwang mayroon itong simula,
katawan, at wakas
11

 Ang isang pormal na sulatin o sanaysay ay gumagamit


ng mga salitang matatalino pakinggan, katulad ng
mga matatalinhagang salita at tayutay.
 Marami ring kaalaman ang mapupulot dito dahil
nilalahukan ito ng mga mahahalaga at berepikadong
impormasyon.

 Ang di pormal na sanaysay naman ay mas maraming


opinyon o kuro-kuro kaysa sa mga siguradong
kaalaman. Tinataglay din nito ang mga sulating
nakaayon lamang sa obserbasyon patungkol sa isyu.
Magkaibang Henerasyon
12

Sanaysay mula sa India


Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
 

Hindi marunong magsalita ng Ingles si lola. Hindi


ko alam kung ayaw niyang salitain ko ito dahil sa
prinsipyo o kung talagang hindi niya napag-aralan.
Samantala, lumaki naman akong dalawa ang
wikang nalalaman.  Nakapagsasalita ako ng Ingles
at nakauunawa ng Hindustani bagaman hindi
nakapagsasalita nito. Ito ang dahilan kung bakit
magkaiba kami ng wika ni Lola ngunit
nagkakaunawaan din.
Sa pagdaraan ng mga panahon, napansin ko
13

ang kakaibang pamamalakad sa bahay. Si


Lola ang nasusunod sa bahay. Lalo ko itong
napuna nang minsang  dumalaw sa amin
ang aking isang kaibigang lalaki. Ayaw ni
Lola na mag-usap  kami nang sarlinan ng
aking bisita. Lalong tumanggi si Lola nang
yayain akong lumabas ng aking bisita para
mamasyal.
14

Naging palaisipan sa akin ang bagay na ito kung kaya pilit


kong tinuklas ang dahilan. Isang araw, itinanong k okay Lola
kung ano ang naging buhay niya  noong bata pa siya. Napag-
alaman kong ipinagkasundo siya sa isang kalahi at kauri niya
nang siya’y sampung taong gulang pa lamang. Nang
dumating siya sa takdang gulang, ipinakasal siya sa lalaking
nakasundo. Nanirahan sila sa pamilya ng lalaki at nagsilbi si
Lola sa kanyang biyenan na kasama ng kanyang mga hipag 
at bayaw. Nagkaanak si Lola at isa sa mga naging anak niya
ang aking Inay. Isinalaysay rin ni Inay na sa bahay lamang
sila pinapag-aral. At natapos na ang kanilang pag-aaral
pagkaraang matuto silang bumasa at sumulat
15

Sa paglipas ng mga araw, si Lola na lamang ang


natirang pinakamatanda sa bahay dahil  nangamatay
na ang iba. Dito nagsimula ang  pagka-awtokrata ni
Lola. Gayunman, dahil sa pagsulong ng buhay, hindi
nakontento sa pag-aaral na natamo ang mga kapatid
ni Inay. Nagpasiya silang huwag sumunod sa
patakaran ni Lola. Ang iba’y nagsialis at humanap ng
sariling kapalaran. Ang iba’y nagsipag-asawa.
Paminsan-minsan, dumadalaw sila sa bahay na may
kasamang kaibigan na lalong ikinalungkot at ikinagalit
ni Lola. Hindi nila kauri at kalahi ang aking ama.
16

Hanggang ngayon, patuloy sa


pakikipagtunggali si Inay sa mga
sinaunang patakaran ng India. Ang
pakikipagtunggaliang ito ay lalong
nadarama at ginagawa ng kanyang
tatlong anak na may lolang nabibilang sa
ibang henerasyon.
17

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng


Ordinaryong Opinyon, Matibay na
Paninindigan, at Mungkahi
OPINYON PANININDIGAN MUNGKAHI

Sa aking palagay… Kung inyong Maaari bang…


mararapatin…

Sa tingin ko… Mas pinapanigan ko ito Kung ipahihintulot


kaysa… Ninyo…
18

 Talumpati 
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado
para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
19

Dalawang uri ng Talumpati


Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang
magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may
paghahanda o walang paghahanda ang talumpati.
Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang
talumpating walang paghahanda kung saan
binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
20

Katangian ng Isang Mahusay na


Manunulumpati:
· May magandang personalidad
         

· Malinaw Magsalita
         

· May malawak na kaalaman sa paksang


         

tinatalakay
· May Kasanayan sa pagtatalumpati
         

· Mahusay gumamit ng kumpas ng


         

kamay
21

Tatlong bahagi ng talumpati:


· Panimula       : naglalahad ng layunin
         

ng talumpati
· Katawan        : naglalaman ng
         

mahahalagang kaisipan tungkol sa


paksa ng talumpati
· Pangwakas     : buod o lagum ng
        

kaisipang mais ikintal sa tagapakinig


22
23

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng
akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling
salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang
kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang 
pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o
isang impresyon lamang.
Ayon naman kay Edgar Allan Poe, ang kinikilalang Ama
ng Maikling Kwento, ito ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip ng
may akda, na maaring hinango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
24
Hashnu, Ang Manlililok ng Bato (Maikling Kuwento / Tsina)

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay


naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-
ukit ng bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-araw
niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansing buong
tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay
nasambit niya sa sarili, "Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa
kahuhugis ng matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na
hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at maso rito
araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang
magdala ng maso paroo't parito araw-araw sa kalsada."
Tila nagdilang-anghel naman si Hashnu sa kaniyang sinabi. Parang isang25
panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nang nagkakagulo ang mga tao sa
daang malapit sa kanyang inuukit ay nakita niyang naroon pala ang hari.
Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang
pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa
kaliwa naman ay Nakita niya ang mga taga-sunod nitong gumagawa ng paraan
para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu, nag-isip siyang
maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo at
mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig siyang
tinig, "Magiging Hari ka."
           Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si
Hashnu. "Hindi na ako taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na
may hawak na pait at mabigat na maso. Isa na akong hari na nakasuot ng
baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga sundalo, at may tagasunod na
pawang mapitagan sa akin." Mayabang siya sa paglakad kaya't ang kanyang
mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
26
 Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulo na
umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya.
Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya
palang panghinain at talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari.
Muli niyang naisip: "Mas makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking
katawan!" Naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli
na siya'y nakarinig ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging Araw.
 
           Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi
sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot
na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mund0 ay
nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin
sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring
makulob sa pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na
makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang sinag. Dahil sa
kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
27

  Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat


ito at bumagsak na parang ulan sa mundo. Umapaw
ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya
napigilan ang pagbagsak ng dami ng ulan. Ang
matinding ulan ang naging sanhi naman ng
pagkamatay ng mga halaman at iba pang nabubuhay
sa daigdig maging malakas na hangin ang naging
sanhi ng pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno.
Nawala ang mga tahanan at ang mga naninirahan
dito.
28
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang
paningin sa mga bato na hindi man lang natinag sa kanyang
kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad
ng malakas na ulan at hangin at maging matinding sikat ng
araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang maging
isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig
siyang narinig upang sabihing siya'y maging isang bato.
Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait
habang ito'y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang maso na
ramdam niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan
at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natibag sa
malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan
ng ano mang anyo ng isang manlililok. 
29

Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang


pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan,
muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging
manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa dating
gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye
na nakaupo at nagsisimula na namang humugis ng
iba't ibang anyo sa mga bato.
           Magmula noon, masaya nang nagtrabaho
nang buong husay si Hashnu. Panatag ang kanyang
kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.
30
31

Mga Pahayag sa Pagsisimula,Pagpapadaloy, at


Pagtatapos ng Isang Kuwento
Habang Una Dagdag pa rito
Samantala Ikalawa Bukod dito
Pansamantala Noon Sa kabila nito
Sa bandang Hanggang Kaya nga
huli Susunod Di kaginsa-ginsa’y
Di naglaon
Walang kaabog-abog
Sa wakas
Sa madaling salita
Bilang pagwawakas
Sa kalahatan

You might also like