You are on page 1of 54

PAGSUSURI NG

MAIKLING
KWENTO
Panalangin

https://www.youtube.com/
watch?v=Um0FywXhsro
Panimulang Pagtataya
Panuto:
Piliin at isulat
ang titik ng
tamang sagot
sa iyong
sagutang papel.
1. Isa itong anyo ng panitikan na may
layuning magsalaysay ng pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan at mag-iwan
ng isang kakintalan sa isipan ng mga
mambabasa.
A. tula C. nobela
B. sanaysay D. maikling kwento
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na
nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
A. wakas C. banghay
B. kasukdulan D. tagpuan
3. Isa itong pangkalahatang kaisipang nais
palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento at binibigyan ng layang maikintal
sa isipan ng mga mambabasa.
A. tema C. tauhan
B. damdamin D. panimula
4. Tulay sa wakas ng kwento.
A. panimula C. kasukdulan
B. suliranin D. kakalasan
5. Tawag sa mga salitang nagpapakita
ng pagkakaugnay ng mga salita, parirala
o pangungusap.
A. pang-abay C. pang-uri
B. panghalip D. pang-ugnay
Dugtungang Pagkukwento

Si Ethan at
Nathan ay
matalik na
magkaibigan
ANG
GILINGANG
BATO
ni Edgardo M. Reyes
Ibigay na bilang takdang-aralin
ang pagbabasa sa akdang "Ang
Gilingang Bato"
• Sino-sino ang mga
tauhan sa kwento?
2. Saan at kailan
nangyari ang kwento?
3. Ano ang
suliraning kinaharap
ng pangunahing
4. Ano ang
kasukdulan ng
kwento?
5. Paano nagwakas
ang kwento?
SURIIN!
Ang pagsusuri ay isang uri ng pagtataya kung saan sinusukat
nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng isang tao ukol sa
isang paksa, asignatura o iba pang talakayan. Mahalaga ang
pagsusuri sapagkat natatasa nito kung naintindihan ba ng isang
tao ang kanyang napag-aralan at kung epektibo ang paraan ng
pagtuturo.
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may
layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.Kaya nga, dito pumapasok ang iba’t ibang paraan
MGA ELEMENTO:
• Panimula- Nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
• Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ito ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
• Suliranin- Ito ang problemang haharapin ng tauhan.
• Tunggalian-May apat na uri:
tao laban sa tao tao laban sa sarili
tao laban sa lipunan tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
• Kasukdulan- Makakamtan dito ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
• Kakalasan- Tulay ito sa wakas.
• Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kuwento.
• Tagpuan- Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan
ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
• Paksang Diwa- Pinakakaluluwa ito ng
maikling kuwento.
• Kaisipan- Mensahe ito ng kuwento.
• Banghay- Pagkakasunod-sunod ito ng mga
pangyayari sa kwento.
• Estilo sa Pagsulat ng Awtor - Dito makikilala
ang manunulat. Ano ang kaniyang naging
gawain o katungkulan? Paano nito maiuugnay
ang kaniyang background sa estilo ng kaniyang
• Tema
Mayroong pagkakaiba ang tema sa mensahe ng
isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng
may-akda ng isang maikling kuwento. Ang
kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal
sa isipan ng mga mambabasa. Ang mensahe
naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon
ng manunulat sa mambabasa.
ANTAS NG IYONG PANG-UNAWA:
Panuto: Balikang muli ang akdang "Ang Gilingang
Bato". Sumulat ng isang pagsusuri sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong.
Kinakailangang nakalahad sa 2-3 na pangungusap
ang iyong magiging kasagutan at 3 puntos ang bawat
bilang.
1. Ano ang paksa o tema ng akda?
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagtulak sa manunulat na
sulatin ang ganitong uri ng kwento o akda batay sa kaniyang
tema?
3. Anu-anong mga karakter sa ating lipunan ang
ipinapakita ng may-akda sa pamamagitan ng mga tauhan?
4. Naging epektibo ba ang ginawang pagsunod-sunod ng mga
pangyayari? Bakit mo nasabi? Ipaliwanag ang sagot.
5. Ano ang aral na taglay nito?
PANG-
UGNAY
PANG-UGNAY- ay mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o dalawang sugnay.
HALIMBAWA NG PANG-UGNAY
Pagpapatunay – kung saan, dahil sa, tunay na, sa
katunayan
Pagpapakita ng Oras- kaagad, pagkatapos, sa lalong
madaling panahon, sa wakas, noon
Paghahambing- pero, sa kabilang banda, subalit,
gayunman
Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
URI NG PANG-UGNAY

• PANGATNIG

• PANG-ANGKOP

• PANG-UKOL
Ang mga pangatnig at transitional
devices ay ginagamit sa pag-uugnay-
ugnay ng mga pangungusap at sugnay.
Sa pamamagitan nito, napagsusunod-
sunod natin nang tama ang mga pangyayari
sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.
1. PANGATNIG ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay, at transitional devices
naman ang tawag sa mga kataga na nag-
uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga
ideya,pangyayari at iba pa sa paglalahad.
Transitional Devices
1. sa wakas, sa lahat ng ito – panapos
Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na
mahal ng kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Halimbawa:
a. Malinaw na paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan
niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
PANGKAT NG
PANGATNIG
Pangatnig na
Magkatimbang
Pangatnig na Magkatimbang
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na
Magkatimbang
1. (o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod
ang kaisipang pinag-uugnay
Halimbawa: Ang wastong dami at wastong uri ng
pagkain ay nagdudulot ng kalusugan.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan lamang?
Nakatulog ako’t nakapagpahinga.
Pangatnig na Magkatimbang
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na
Magkatimbang
2. (ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) -
pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang
kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Halimbawa: Matalino si Villar subalit maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.
Pangatnig na Magkatimbang
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na
Hindi Magkatimbang
1. (kung, kapag, pag)
Halimbawa:
Walang kasalanang di mapatatawad ang Diyos kung ang
nagkasala ay nagsisisi.
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na
kasintalino niya.
Pangatnig na Magkatimbang
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na
Hindi Magkatimbang
2. (dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng
sanhi o dahilan
Halimbawa: Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa
ilang pulitiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
Hindi natuloy ang Lakbay-aral ng mga studyante dahil
sa malakas na ulan.
2. PANG-ANGKOP
-ay mga katagang idinudugtong sa
pagitan ng dalawang salita upang
maging kaaya-aya ang pagbigkas ng
mga ito at magkaroon ng ugnayang
panggramatika. Ang pang-angkop ay
mayroon ding tatlong uri at ito ay ang
mga katagang​ "na", "ng" at "g".
Pang-angkop na "NA"- nag-uugnay sa dalawang
salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos
sa mga katinig maliban sa titik N.
Pang- angkop na "NG"- isinusulat karugtong ng
mga salitang nagtatapos sa patinig (a.e.i.o.u).
Pang- angkop na "G"- ginagamit kung ang salitang
durugtungan ay nagtatapos sa katinig na N.
3. PANG-UKOL
ay katagang nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang salita sa pangungusap. Ito ay
ginagamit upang matukoy kung saang lunan o
kung anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o kinauukulan
ng isang kilos, gawa, balak o layon. Ang mga ito
ay laging may layon na maaaring isang
pangngalan o isang panghalip.
Mga uri o mga karaniwang pang-ukol
• sa/sa mga ng/ng mga
ni/nina
• kay/kina sa/labag sa
• tungkol sa/kay alinsunod sa/kay
• hinggil sa/kay para sa/kay
• laban sa/kay ayon sa/kay
• mula sa/kay tungo sa/kay
Sagutan ang mga gawain sa
GAWAIN sa PAGKATUTO BILANG
4 at 5
PANGWAKAS NA GAWAIN

Panuto: Sumulat ng isang makabuluhang


kuwento sa pamamagitan ng pag-aayos sa
mga pangyayari na ipinakita ng komiks istrip sa
ibaba. Gumamit ng angkop na pang-
ugnay sa pagkukuwento. Isulat ang iyong sa
isang buong papel.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

PANUTO: Piliin at isulat lamang ang


titik ng tamang sagot.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1 .Isa itong gawain kung saan sinusukat nito ang
antas ng kakayahan o kaalaman ng isang tao
ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang
talakayan.
A. maikling kwento C. pagsagot
B. pagsusuri D. pagtataya
2. Bakit kailangang gumamit ng angkop na pang-
ugnay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
a. upang mas malinaw at madaling maintindihan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
b. upang mapahaba ang pangungusap ng
pagkakasunod-sunod na mga pangyayari
c. para may nag-uugnay sa pagkasusunod-sunod ng
pangyayari
d. para gumanda ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari
3. Ano ang mangyayari kung hindi angkop na pang-
ugnay ang ginamit sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari?
a. Maaaring maging magulo ang pangungusap.
b. Maaaring maganda ang kinalabasan ng kuwento.
c. Hindi magiging kaaya-ayang basahin kaisipang
nais.
d. Hindi tumpak ang mensahe sa mga pangungusap
sa kwento.
4. Isa itong pangkalahatang kaisipang nais
palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento at binibigyan ng layang maikintal sa
isipan ng mga mambabasa.
A.tauhan C. tema
B. panimula D. damdamin
5. Elemento ito ng maikling kuwento na
nagsasaad ng mahalagang detalye tungkol sa
may-akda at kung paano ang paraan ng
kaniyang pagsulat.
A. kaisipan C. paksa
B. mensahe D. estilo ng awtor
II. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop
na transitional device na gagamitin sa
pangungusap upang mabuong malinaw na
pahayag.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang


naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito)
hindi niya lubos maisip kung paano niya ito
haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y
nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang
nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip
niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang


problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya
alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta
sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan
siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit
sa kaniyang pamilya.

You might also like