You are on page 1of 8

Modyul 1 : Proseso ng Pagsulat: Unang Bahagi

Lagom-Pananaw:

Hello! Kumusta ka? Abi-abi sa unang modyul! Nawa ay masundan mo ito at


matapos nang may galak sa puso.

Kinapapalooban ito ng tungkol sa proseso o pamamaraan ng pagsulat. Iba’t ibang


uri kung paano dapat gawing nakakaaliw ang mga bahagi ng isang katha.

Madagdagan sana ang mga paunang kaalaman mo tungkol sa pagsulat.

Halika na’t simulant na natin.

Narito ang ating dapat matamo…

Layunin:
a. Naipapakita ang kaalaman sa bahagi at pamamaraan sa pagsulat ng panimula,
katawan at wakas ng teksto.
b. Napapangalanan ang proseso ng pagsulat sa bawat bahagi ng isang katha.
c. Nabubuo ng mga idea sa loob ng isang tik-tak na metodo.

Ngayon, tingnan natin kung anong nakapaloob sa iyong imbakan ng karunungan.


Paunang Pagsubok
Maglista ng limang (5) dahilan kung bakit ka nagsusulat.
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
5. _______________________________________

Pagtalakay

Ano nga ba ang PAGSULAT?


- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco, et al., 1998)
Kailangan ng imahinasyon at orihinal na pagpapahayag upang maging malikhain ang
isang panulat.

Mahalaga ang paggamit ng mga pandama sa malikhaing pagsulat.


Mga Bahagi ng Teksto
- Ang isang teksto ay binubuo ng tatlong (3) bahagi : A. Panimula o
Introduksiyon, B. Gitna o Katawan, at C. Wakas o Kongklusyon
A. Panimula o Introduksiyon
-Ito ang pinakamukha ng isang sulatin. Kailangang maging kaakit-akit
upang maganyak ang mambabasang basahin ang katha. Ito dapat ay
malinaw, naiintindihan at mabisa.
- Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ito, ang
isang talataan o isang pangungusap ay sapat ng introduksiyon o panimula.

*Mga Paraan ng Pagsisimula*


1. Pasaklaw na pahayag- Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi
bago isa-isahin at pagsun0d-sunurin mula sa di gaanong mahalaga
hanggang sa pinakamahalagang detalye. Ito ay karaniwang makikita
sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Limang katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip
ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng limampung sibilyan sa
kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa
sa Antipolo City.

2. Pabuod- Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang


sadyang talakay.

3. Pagtatanong- Patanong ang ginagamit ng manunulat.


Halimbawa:
Mahal mo siya, mahal ka ba?

4. Tuwirang sabi- Ito ay karaniwang nakikitang nakapanipi dahil ito ay


kinuha sa direktang sabi ng isang manunulat o bantog na tao.

5. Panlahat na pahayag- Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na


maaaring hanguin sa salawikain, kawikaan at maging sa pamilyar at
pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat ng
nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Kapag may itinanim, may aanihin.

6. Paglalarawan- Ito ay ginagamit kapag nagtatampok ng isang tao,


sapagkat nagbibigay-deskripsiyon. Mga malalarawan at maaksiyong
salita ang ginagamit.

7. Pagsalungat- Binibigyang diin ditto ang pagkakaiba, mas Malaki ang


pagkakaiba, mas matindi ang bisa.
B. Gitna o Katawan
- Ito ay pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban
ng mga pangunahing kaisipan at pantulong o pansuportang detalyeng
maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng
paksa.
- Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyong, alalahaning dapat
mapanatili ang kawilihan ng mambabasa. Ang nakalilito at malabong
pagpapahayag ng mga idea ay makababagot sa mga mambabasa.
Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri
at magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi nakakalito ang
pagpapahayag.

*Mga Paraan*
1. Pakronolohikal- Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na
magkakasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa
pinakakasalukuyan.
2. Panggulo- Ito ay pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi
o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa
isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang talong anggulo ay
sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
3. Paespasyal o Paagwat- Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na
sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam, patungong
malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong
kilala o vice-versa.

C. Wakas o Kongklusyon
- Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin
ang wastong pagsisimula , nararapat ding pagtuunan ng pansin ang
maayos na pagwawakas.
- Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang
sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na
pagwawakas.
- Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa
isang komposisyon.
- Dapat ito ay maikli dahil kung ito ay pahahabain, di na ito mabisa at
kasiya-siya.
- Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksang batay sa
mga katibayan at mga katuwirang inisa-isa sa gitnang bahagi.
- Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga
mambabasa.

1. Tuwirang Sabi
Halimbawa: “The U.S Presidential election teaches us to become
more aggressive and make an intensive drive to continue with our
efforts to modernize the country’s electoral system”, ani Rosales na
nagsasabing susuriin ang Kamara de Representantes ang anumang
butas upang ipatupad ang batas modernisasyon.

2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa: Kung ano ang bawal, iyon ang masarap subalit ang
masarap ay nagpapalit din kalaunan.

3. Pagbubuod
Halimbawa: Marami pa ang humihingi ng hustisya. Walang
nakakaalam kung kalian nila iyon makakamtan.

4. Pagpapahiwatig ng Aksiyon
Halimbawa: Kung hindi na madadagdagan ang populasyon,
maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon dapat
magkaroon ng masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil
ang pagdami ng mga tao.

5. Pagtatanong
Halimbawa: Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng
ating bayan at karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa
kahirapan, ano ang puwede mong gawin para makatulong? Ano ang
dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan ang
matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?

6. Pagsisipi
Halimbawa: (Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa saisang
akda,patula man o tuluyan na angkop sa tinatalakay na paksa.)

Isang magalan na manunulat ang nagsabi : “Pagkatiwalaan ang


kapuwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila
ay magiging kapuri-puri.”

Subukin natin
Gawain :
Tingnan natin ang iyong angking galing sa pagkilatis. Basahin ang isang piyesang may
pamagat na “ Si Miss Pathupats” ni Juan Crisostomo Soto at hanapin kung ano ang
proseso ng pagsulat ang ginamit sa panimula, gitna at wakas ng kuwento.
Pangatuwiranan ito.
Si Miss Phathupats
Isinalin ni Lourdes H. Vidal

Punong puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila ipinanganak
ang kaniyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na bayan nito. Dahil
dito Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa kadulu-duluhan ng
kaniyang buhok, kapampangan siya.

Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang ikinabubuhay. Nakikita si Miss Yeyeng na sunong
ang ginataan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang walang
pagbabago sa buhay nitong binibini.

Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng America at


dito pinagturo ang mga sundalong Americano. Nangyaring si Miss Yeyeng pa noo, ala ang
binibini, ay nagkaroon ng suking sundalo. Inakit ng sundalong mag-aral ang dalaga sa
paaralang kaniyang pinagtuturuan upang magkaintindihan sila. Sa kanilang pag-uusap,
nag-iingles ang sundalo, nagkaka-pampangan si Miss Yeyeng, kaya napilitan siyang mag-
aral.

Pagkaraan ng ilang buwan, nagsasalita na ng ingles si Miss Yeyeng, paglipas ng walong


buwan, a amuki ng gurong kawal, ipinahatid siya sa isang bayang kung siya pinagtuturo.

Noong nagtuturo doon, pinahinga niya ang taumbayan dahil nakikita niyang mas
marunong siya ng ingles kaysa sa kanila.

Ganiyan lumipas ang panahon. Halos hindi na nagsalita si Miss Yeyeng ng kapampangan
dahil sabi niya ay nakalimutan na niya. Matigas daw ang kapampangan at nababaluktot
ang kanyang dila, kaya kalianman hindi na siya makapagsalita ng tuwid at nauutal siya.

Nagkalabitan ang mga maalam na nakakakilala sa kanya pagkarinig nito. Pinalitan tuloy
ang kanyang pangalan at pinangalanan siya ng matunog at umaalingasaw na “Miss
Phathupats,” pangalang hango sa malapad niyang balakang na pilit na iniipit sa pahang
mahigpit na ginamit niya, kaya ala siyang iniwan sa patupat o suman sa ibus na mahigpit
ang balot.

Magmula noon ito ang pangalang ibinansg sa kaniya at nakalimutan nilang tuluyan ang
Yeyeng, ang malambing niyang palayaw. Ang Miss Phathupats ang naging palasak.

Ganito nang ganito ang buhay. Hindi nagtagal lumabas ang Ing Emangabiran,
pahayagang kapampangan sa Bacoor. Sa isang pista o belada sa bayang X, na kung saan
dumalo si Miss Phathupats, binabasa ito. Lumapit siya, ngunit nang makita na
kapampangan ang binabasa, lumabi ng kunti, umiling at nagsabi.

“Mi no entiende el Pampango”

“Mi no entiende ese Castellano, Miss,” sabi naman ng isang sutsut, ginagad ang kaniyang
tono.
Napangiti lahat ng nasa umpukan: at sapagkat may pinag-aralan sila, hindi na nila
ipinakita ang pagkakaali nila sa binibini. At ito namang babae kahit alam na parang
tinutukso na siya ay nagpatuloy din at nagsabi:

“Sa katunayan, totoong nahihirapan na akong bumigkas ng kapampangan lalo na kung


binabasa ko.”

Dito sa iilang salitang binigkas niya, sumama lahat ng iba’t ibang wika na talasalitaang
bulgar ng Ingles, Kastila. Tagalog na pinaghalu-halo niya ang walang kawawaan. Hindi na
nakapagpigil ang mga nakarinig; napatawa sila ng malakas.

Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya:

“Porque reir?”

“Por el tsampurado, miss,” sabi ng unang sumagot.

Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag-init ang pakiramdam ni Miss
Phathupats.

Isa sa mga nakatayo ang nagsabi ng ganito.

“Hindi kayo dapat magtaka kung hindi na marunong ng kapampangan si Miss


Phathupats: Una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na Americano:
pangalawa, hindi na siya kapampangan, katunayan Miss Phathupats ang kaniyang
pangalan.

Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod nang lakas, sumabog ang kaldero ni Miss
Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng Vesubiyo o
ang lahat ng maruming salita sa kapampangan, bigla niyang pinagsama-sama sa nag-
aapoy na bunganga.

“Walang hiya! Magnanakaw! Taga-lason! Anak-!” sabi sa tinurang wikang kapampangan.

“Aba, kapampangan pala siya!” sabi ng mga nakarinig.

“Oo, hindi ba ninyo alam?” sabi ng nakakakilala sa kaniya. “Anak siya ni matandang
Godiung Pakbong na aking kanayon.”

Napahalakhak nang malakas ang mga nanonood. Napaiyak na si Miss Phathupats at sa


pagpupunas sa kanyang tumutulong luha sumama ang makapal niyang pulbos sa pisngi.
Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa duhat. Nang makita ito ng mga
nanonood lalo na silang napatawa at nagsabi:

“Aba! Maitim pala siya!”

“Oo, Americanang negra siya!”

Sigawan, palakpak, halakhakan ang narinig noon. Hindi na nakatiis si Miss Phathupats.
Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya:

“Mi no vuelve en esta casa.”

“Paalam, Miss na hindi marunong ng kapampangan!”

“Paalam, Miss Alice Roosevelt!”

“Paalam, Miss Phathupats!”

Ganiyan ang pinagtutulung-tulungan, at ang kawawang Yeyeng ay umalis na bubulung-


bulong na parang ulol.

Napakarami ng mga Miss Phathupats sa panahon ngayon. Hindi na sila marunong ng


kapampangan o ikinakahiya na nila ang kapampangan dahil nakakapagsalita na sila ng
ingles na tsampurado.
Ebalwasyon ng Pagkatuto
Tik-Tak na Metodo
Pagbati! Natapos mo ang unang modyul.
Ngayon, tingnan natin ang iyon nararamdaman gamit ang panukat sa baba.

Opinyon ay ilahad…

Reaksiyon sa paksang tinalakay…

Aral na nakuha…

Sariling kaisipan…

Sanggunian

Evasco, Eugene Y. Awtor Ako!: Malikhaing Pagsulat, Malikhaing Kabataan. (2019) Quezon
City. St. Matthew’s Publishing Co.
https://www.academia.edu/35934323/Mga_Bahagi_ng_Teksto
https://brainly.ph/question/1114066
http://lehcsirk0literature.blogspot.com/2008/11/si-miss-phathupats.html

Inihanda ni:
Bb. Ladybelle S. Tuprio
Guro sa Filipino
Central Bicol State University of Agriculture-Calabanga
ladybelle.tuprio@cbsua.edu.ph
0907 049 9430

You might also like