Professional Documents
Culture Documents
UNANG BAHAGI
PROLOGO
Magbubukas nang dahan-dahan ang ilaw sa may gawing ibaba at kaliwa ng mga
manonood ng entablado. Ang makikita ay isang masikip at maruming silid na lalong
pinasukal ng mga nagkalat na mga gamit: banig, unan, kumot, mga piraso ng damit na
nakasabit sa kung saan-saan, mga wala-nang-laman na mga bote ng alak, mga basong
nakatumba. Sa isang sulok ay may isang maliit na mesita na natatambakan ng ilang libro
at mga papeles. Nakaupo sa harap ng mesita si ALLOS, marungis ang mukha,
nakaririmarin ang kasuotan, at uubo-ubo na tila hirap na hirap; di maitatago na may
karamdamang tinitiis nang may ilan na rin panahon. Makikita sa mukha ang matinding
hirap na tinitiis sa tuwing tatangkain niyang ikilos ang di maideretsong kanang paa.
Magbubukas siya ng ilang pahina ng isang libro at sisimulan ang pagbabasa ng Grimm’s
Fairy Tales. Maya-maya, may maririnig na katok.
Papasok sa silid ang isang Amerikano na mahusay ang bihis. Lalapit ito sa
kinaroroonan ni ALLOS.
DUKTOR: Huwag ka nang tumayo, Mr. Bulosan. Hindi naman ako magtatagal.
ALLOS: Mabuti po naman at naisipan niyo akong dalawin. Hindi po ba kayo nahirapan
sa pagtunton nitong aming tinutuluyan?
ALLOS: A, oo ng apala. Iisa nga lamang naman pala ang maaaring pagtapunan sa mga
katulad namin.
Eto, doctor … sa lugar ng mga bugaw, puta, sugarol, drug addict, at mga mamamatay-tao.
Alam niyo, doktor, kamakalawa lamang isang Pilipino – dyan sa tapat namin ang bumaril
sa kanyang asawang Amerikana at pagkatapos ay siya naman ang nagpatiwakal. At
kahapon, isang mag-asawa ang naglason. Maniniwala ka ba, doktor, kung sasabihin kong
anim, pito, walong katao kaming nagsisiksikan sa sili ng otel na ito?
DOKTOR: (hindi papansinin ang narinig) Kailan pa kayo rito?
DOKTOR: Bueno, Mr. Bulosan, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mayroon akong
nais ipagtapat sa iyo. Inaakala kong dapat ninyong malaman. At sa palagay ko’y
makakayanan mo namang tanggapin ang katotohanan.
DOKTOR: Ilang taon na laman ang itatagal ng buhay mo, Mr. Bulosan.
DOKTOR: Mahirap tiyakin, Ang mga baga mo’y lubhang napinsala. Ang butas ng nasa
kanan ay sinlaki ng pilak ng dolyar.
ALLOS: (may himig ng matinding pagdaramdam at kapaitan) Bago kami nagtungo rito,
tinangka muna naming manuluyan sa ibang mahusay-husay, desente at tahimik na pook.
Pero walang sinumang tumanggap sa amin. Katulad din noon. Gaya nga ng nasasaad sa
kanilang mga karatula: “Bawal dito ang aso at ang mga Pilipino.”
ALLOS: Limang taon … Limang taon na lamang! Gusto ko pang mabuhay. MArami pa
akong dapat gawin … Bago ako mawala sa mundong ito, nais kong isalaysay ang naging
buhay namin sa Amerika. Tama si Kuya Macario, sa isang bansang kasingyaman ng
Amerika, malaking katiwalian na marami ang nagugutom, mangmang, nakabaon sa
kahirapan… Ang buong akala ko’y natakasan na namin ang kahirapan ng aming kabataan
doon sa Pilipinas, sa lalawigan ng Pangasinan, sa bayan ng Binalonan, sa baryo ng
Mangusmana… Naaalala ko si Ama at ang kanyang pakikipaghamok upang iligtas ang
kanyang minanang lupain mula sa kamay ng mga gahaman; si Ina at ang kanyang
pagtitinda ng bagoong sa mga nagugutom na kababayan… Nagugunita ko ang kiang mga
kapatid at ang kanilang mapait na pakikibaka upang magkaroon ng kahit munti man lang
puwang na magagalawan… Sa tuwing naiisip ko kung anong malakas na kapangyarihan
ang nagtaboy sa akin sa ganitong pook nang walang katiyakan, sa ganitong paghihirap at
mapait na pagsubok, nagbabalik sa aking gunita ang larawan ni Manong Leon na
nakipaglaban sa kung anong digmaan, sa kung saang malayong pook, sa di mawawaang
kadahilanan…
SEQ. 1: LEON
BATANG ALLOS: Itay, tila po namataan ko si Manong Leon papunta dito sa bahay.
INA: Naku, ako’y natutuwa at nakabalik naman sa oras itong aking panganay. Aba’y
kung hindi napapunta pa sana sa iba itong ating Ilokana. Malaking saying kung
nagkataon.
AMA: Masuwerte ang anak mo’t nakatagpo siya ng bukod sa maganda na ay buhat pa sa
lalawigan ng mga masisipag at masisinop na mga tao.
BINATANG ALLOS: Mabuhay! … Sinundan ng mga taumbayan ang mga bagong kasal
patungong kubo. Ang lahat ay naroroon upang saksihan ang gaganaping ritwal ng
nakaugalian.
Sa isang bahagi ng entablado, sa “loob ng kubo” makikita ang mga bagong kasal
habang nagpapalit ng damit at naghahanda sa una nilang pagsisiping. Makaraan ang ilang
sandal, papatayin ng lalaki ang sindi ng gasera.
Wala kaming nakitang usok na nagmula sa kubong tinuluyan nina Manong Leon at ng
kanyang kabiyak…
TAUMBAYAN 4: Naku, Mabuti na lamang at hindi ko napagpilitan ang binata ko, kung
hindi ay malaking kahihiyan!
TAUMBAYAN 5: (sa mga kasamahang kabataan) Katoto, kung nalaman natin agad, di
napagpasapasahan sana, ano?
TAUMBAYAN 6: (pasigaw) Aba, hahayaan ba nating manatili sa ating pook ang ganyang
uri ng babae?
Lalong titindi ang pag-iingay ng mga taumbayan. Malilito ang mga magulang ni
LEON, higit pa nang magsimulang sugurin ng mga taumbayan ang kubong kinaroroonan
ng mga bagong kasal.
AMA: Mga kanayon, huminahon kayo! Pabayaan ninyo sila! Huwag atin silang
panghimasukan!
TAUMBAYAN 10: Aba, hindi maaari! Salot ang ganyang uri ng babae. Kailangan silang
itaboy at baka pagmulan pa ng kung anong gulo ‘yan pagdating ng panahon!
The men must have knocked down my brother Leon in the house. I saw him
staggering toward his bride with blood on his face. He ,fung himself upon her, covering
her bleeding body with him, and the stones and sticks fell upon him mercilessly. Then
they tied him to the tree, beside his bride, and the angry peasants who had been his good
friends and neighbors a moment ago, began throwing stones at them.”
AMA: (gumagapang at isinasanggalang ang katawan sa mga binabato) Itigil ninyo ang
kalapastangang ito! Mga diablo! Itigil ninyo ito!
Magliliwang din sa isa pang bahagi ng entablado kung saan naroroon ang kubo
ng mag-ama. Makikita ang BATANG ALLOS na naghahanda ng hapunan. Abala siya sa
kusina at sa paghahanda sa dulang. Sa kabilang banda naman ay makikitang tinatapos ng
mag-ama ang mga gawaing bukid. Pagkatapos ay magtutungo sila sa kubo.
AMADO (matapos sumulyap sa kapatid): Hayaan niyo po, Ama. Pasasaan ba’t
makakatapos na rin sa kanyang pag-aaral si Kuya Macario. MAkapagtuturo na po siya sa
paaralan sa bayan at makakaahon na rin po tayo sa kahirapan!
Tatapusin ng AMA ang kanyang pagkain, iinom at tatayo upang tumungo sa isa
pang bahagi ng entablado. Magkakatinginan ang magkapatid. Isang matabang lalaki ang
pupuntahan ng AMA, may supalpal na tabako ito sa nguso at naghihimas-himas ng
tandang.
AMA: May sadya po sana ako sa inyo, Don Fernando …. Hihingi po ako ng kaunting
tulong.
USURERO: Masuwerte ka, Carlos, at mayroon akong kaunting halagang natatabi. E, ano
naman ang garantiya sa ipapahiram ko, ha, Carlos?
USURERO: Ikaw ang bahala. Bueno, Carlos, sa halagang hinihiram mo, ang kailangang
garantiya ay ….. isang ektarya na lamang. Papayag ka?
BINATANG ALLOS: Gagawin ni Ama at ni Ina ang lahat maitaguyod lamang ang pag-
aaral ng Kuya Macario. Kaagad na ipinadala ni Ama ang kuwalta kay kuya. At kami
naman at lalong nagsumikap sa paggawa sa bukid. Naghanap ng karagdagang lupang
masasaka si Ama upang makatulong at makasigurong mababayaran ang aming
pagkakautang sa takdang panahon. Maging si Ina ay pinag-ibayo ang kanyang pagtitinda
ng tuoy at asin sa mga karatig pook ng Binalonan. Dahilan sa walang maibayad ang mga
pesante, binibigyan na lamang nila si Ina ng mga manok, itlog, patani at kung anu-ano pa
na ipinagbibili naman ni Ina sa pamilihang bayan. Subalit patuloy sa paghingi ng kuwalta
si Kuya Macario at kung minsan pa nga’’y nagpapahiwatig siya na maaaring mahinto
siya ng pag-aaral kung walang maipapadala si Ama. Ito ang labis na pinangangambahan
naming lahat – ang matigil si Kuya sa kanyang pag-aaral.
AMA: Opo. Isang ektarya po. At ibabalik ko ang aking hiniram sa darating na tag-ani.
AMA: Opo.
BINATANG ALLOS: Hindi kailanman sumagi ang pangamba kay Ama sa ganitong
kasunduan. Nananalig siyang makakatapos si Kuya Macario at mababayaran namin ang
pagkakautang. Higit pa riot ay ang pananalig niya sa kagandahang loob ng mga tao. Kahit
pa noong dumating ang panahon nang kami ay simulang gipitin ng usurer, hindi siya
naniniwalang siya ay dadayain ng kanyang kapwa. Isa siyang payak at matapat na tao na
nananalig na ang kanyang mga pagsisikap ay may hinihintay na gantimpala….
Halika, Allos, tulungan mo ‘kong bunutin ang mga ugat ng binuwag na mga puno.
AMADO: Tatalian natin ang mga nakausling ugat ng mga lubid na ito. Pagkatapos ay
hihilahin natin nang unti-unti. Kapag nahukay na ang mga ugat, titigpasin natin ang mga
ito ng gulok. ‘Yong ilang malalaking ugat ay ipahihila natin sa kalabaw.
Gagawin ng magkapatid ang sinabi. Ubos lakas sila sa paghila ng lubid. Ilang
sandal pa ipahihiwatig ng pag-iilaw at tunog na magdidilim, kukulog, kikidlat, at
bubuhos ang malakas na ulan.
BATANG ALLOS: Kuya, ayaw gumalaw ng kalabaw. Nahihintakutan yata ang damulag.
SEQ. 3: MACARIO-AMA
Maririnig ang mga busina ng mga sasakyan at susundan kaagad ito ng pagtugtog
ng isang “brass band” ng Pambansang Awit. Nasa plasa tayo ngayon ng Binalonan, araw
ng eleksyon. Masaya. Magulo. Sa isang panig, may isang grupo ng tila mga estudyante na
nanggaling sa Lingayen.
AMA: Aba, bakit kaya wala pa ang Kuya Macario mo? Maigi pa yata e, makaboto na
muna. Allos, dumito ka muna at ako ay tutungo sa presidencia, ha.
MACARIO: Ina! (yayakapin nang mahigpit ang INA, ilalayo ito nang bahagya at
pagmamasdan ang kaanyuan) Aba’y tila nahuhulog ang pangangatawan niyo, Ina. Huwag
po kayong masyadong magpapagod.
INA (pagmamasdan din ang ANAK): Naku, e ikaw naman e lalong namumurok, a. Allos,
ipasok mo na ang mga gamit ng kapatid mo.
INA: Ay! Ang niluluto ko nga pala. Hala, diyan muna kayo at tatapusin ko pa itong
naiwan ko sa kusina. Magpalit ka na ng damit, Macario … Allos! Allos, pagkatapos mo
nga diyan e tulungan mo ko dito, anak. (Sa asawa) O ikaw naman, hala katayin na ‘yang
dala ninyong bisirong kambing.
MACARIO: Mabuti po naman, Ina. Tatlong buwan na lang at matatapos na rin ang lahat
… Ngunit mangangailangan po muli ako ng karagdagang dalawang daang piso upang
makatapos …. ‘Yan po ang dahilan kung bakit ako naririto.
INA: (mabibigla) Dalawang daan piso na naman? Aba, anak, halos humiling ka na niyan
ng dalawang libong piso, a!
MACARIO: Wala po ba kayo? (titignan ang AMA at pagkatapos ay ang INA) Wala po ba
kayong magagawang paraan? Hindi po ba kayo maaaring makapagbenta ng lupa?
INA: Iisang ektarya na lamang ang natitira sa atin, anak. Naisanla nang lahat ng Ama mo.
AMA: Ipagbibili natin ang lupa. Maaari kang bumalik sa paaralan. Huwag kang mag-
alala. Ipapadala namin sa ‘yo ang kuwalta. At magtatapos ka sa iyong pag-aaral.
May nais pa sanang sabihin ang INA ngunit pipgilan nito ang kanyang sarili.
Tatapusin ng AMA ang pagkain at tatayo.
BATANG ALLOS: Ama, pupusta ako – maganda ang ani natin ngayong taon na ito.
AMA: Hindi na atin ang lupang ito, anak. Pag-aari na ito ng isang taga-Maynila.
Kailangang maghanap-hanap na tayo ng ibang lupang masasaka simula bukas.
AMA: Kailanman ay hindi naging atin ang lupang ito. Pinasaka lamang ito ng simbahan.
AMA: Nabayaran na raw nila ito sa akin, anak. Ngunit ang kuwaltang ‘yon ay ‘di man
lamang makasapat sa punlang ating itinanim. Tinanggap ko na lamang ito dahil ang sabi
nila’y wala raw akong karapatang magtanim ng mais sa lupang ‘di ko pag-aari.
BINATANG ALLOS: Wala na kaming lupang sasakahin. Ang sarili naman naming lupa
ay nasa pag-iingat pa ng aming pinagkakautangan. Hanggang hindi ito nababayaran hindi
maibabalik ang lupa sa amin. Kaya’t minabuti ni Ama na ako ay patigilin sa bayan.
AMA: Doon ka na muna pumisan sa iyong ina, Allos. Akon a lamang mag-isa ang
magsasaka dito. Bahala na kung saan. Kung mayroon man akong matatagpuang maaaring
magpasaka ng kanyang lupa. At saka kailangan na rin naman na ikaw ay makapag-aral.
MACARIO: Sinabi ko na sa ‘yong hindi maaaring magpisan tayo sa mga panahong ito.
Ano ka ba naman?
MACARIO: Huwag ka nang umiyak. Hayaan mo, palilipasin lamang natin ang taong ito
at pagkatapos maaari na tayong lumagay sa tahimik. Pangako ‘yan.
Babalik sa pagsasalaysay.
BINATANG ALLOS: Napahinuhod din ni Kuya ang babae kaya’t ito ay umuwi. Subalit
di naglaon siya ay nagbalik na dala-dala ang mga gamit. Siya’y nagpumilit na manirahan
sa amin at ganoon na nga ang nangyari. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama.
Isinuplong ng babae si Kuya sa punong maestro ng paaralang bayan kaya’t siya ay
pinapili alin sa dalawa: pakakasalan niya ang babae o magbibitiw siya sa pagtuturo.
Nagbitiw si Kuya Macario. Batid niya na kung pakakasalan niya ang babae, hindi na niya
magagampanan pa ang tungkulin na maghulog ng ipantutubos sa nakasanlang lupa. May
kung ilang panahonn din nawalan ng gawain si Kuya subalit di naglaon nakatanggap siya
ng pasabi. Maaari daw siyang magbalik si pagtuturo kung papayag siya na magpadala sa
Mindanao.
MACARIO: O eto, Allos, nagdala ako ng ilang babasahin na maaari mong tignan-tignan
nang hindi ka naman naiinip diyan.
ALLOS: Tumitindi, Manong. Mabuti na lamang at dadalhin daw ako ni Itay kay Apo
Enteng. Ipahihilot daw niya ako.
MACARIO: Sa susunod, mag-iingat kang mabuti sa pag akyat-akyat mo ng punong
niyog. Maigi pa huwag ka nang aakyat.
ALLOS: Malaking sayang din naman, Manong. Biruin mo, nakakaisang piso din ako sa
isang araw sa pagpitas ng niyog para sa ibang tao. Nakakatulong din yon sa pagbabayad
ng ating mga utang.
MACARIO: Hindi tamang maiatang sa ‘yong mga murang balikat ang ganyang kabigat
at kapanganib na gawain.
MACARIO: Huwag kang mag-alala, Allos. Kapag nasa Mindanao na ako, padadalhan ko
kayo ng maraming salapi. Pangako ‘yan.
ALLOS: Paano ‘yan, Manong, di wala nang magdadala ng mga babashain para sa’kin.
ALLOS: Hindi rin naman yata magtatagal dito si Manong Amado, Manong Macario.
Nasabi niya sa akin na baka daw siya tumungo sa Bulacan at doon manilbihan.
…Bakit ganoon, Manong? Bakit lahat kayo umaalis dito sa pook natin? Noon si Manong
Leon, ngayon naman ikaw at si Manong Amado?
MACARIO: Alam mo, Allos, kailangang sumulong patungo sa kung saan may tinatanaw
na kahit nak aunting pag-asa. Kailangang magbakasakali… lalo na kung nararamdaman
mong naususkol ka na sa ‘yong kinalalagyan. Naaalala mo pa ba ‘yung ikinuwento ko
sa’yo na mga Hudyo? ‘Yung mga naaaping Hudyo?
MACARIO: (mabibigla) Ano ‘ka mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo…
ALLOS: Ang sabi ko, Manong, paglaki ko sana katulad din ako ni Moses o kaya ni Rizal!
ALLOS: Aba, Manong, hindi ba ang sabi mo katulad din ni Moses si Rizal? Tulad ni
Moses tinangka din ni Rizal na ipagtanggol ang kanyang mga kababayang laban sa pang-
aapi, o hindi ba? Binaril pa nga siya ng mga Kastila? Ganoon ang ibig ko. Paglaki ko nais
kong ipagtanggol si Itay, si Inay at kayong mga kapatid ko laban sa pang-aapi.
MACARIO: Akala mo ganoon kadali ‘yon, ha? Ikaw ba puwede mo bang pamunuan
kaming lahat sa pagtawid ng dagat?
ALLOS: Madali ‘yon, Manong. Kami ng ani Inay halos araw-araw tumatawid sa
malawak na ilog patungong Pozzorobio, di ba. Kahit pa katatapos lamang ng malakas na
ulan.
MACARIO: Ang lokong ito, iba ang ilog sa dagat… At saka ikaw ba hindi ka ba
natatakot na barilin katulad ng pagbaril ng mga Kastila kay Rizal?
ALLOS: Manong naman, para namang hindi mo alam kung gaano ako kabilis tumakbo.
Mabilis din akong umakyat ng puno ng niyog. Hindi ako maaabutan ng mga bala nila.
ALLOS: Teka nga, Manong. Hindi mo nga pala nasabi sa’kin kung marunong umakyat
sa puno ng niyog si Rizal.
MACARIO: (matatawa nang husto) Hangal! Kung anu-ano ‘yang pumapasok sa isip mo.
MACARIO: Aba, magaling! O eto pa ang isa: sino sa Pilipinas ang maihahalintulad mo
kay Moses?
BATANG ALLOS: Katulad ni Moses, tinangka din ni Rizal na iligtas ang kanyang mga
kababayan sa pang-aapi ng mga KAstila. Hindi ba binarily pa nga ng mga Kastila si
Rizal?
BATANG ALLOS: Alam mo, Kuya, nais kong maging katulad niya paglaki ko.
BATANG ALLOS: Nais kong ipagtanggol si Itay, si Inay, at kayong mga kapatid ko
laban sa pang-aapi.
BINATANG ALLOS: ‘Yan ang higit na kaaya-ayang mukha ni Kuya Macario. Siya ang
pumukaw ng aking interes sa pagbabasa lalo na ng tungkol sa mga bayani ng iba’t ibang
bayan. Natatandaan ko pa, naisalaysay din niya sa akin ang buhay at pakikipagsapalaran
ni Robinson Crusoe. Ang sabi pa niya: “Tandaan mo ang halimbawa ni Crusoe. Balanga
raw maaaring matagpuan mo ang sarili mong nag-iisa sa malayong lugar at wala kang
ibang mapanghahawakan kundi ang sarili mong talion at abilidad.” … Nagtungo nga sa
Mindanao si Kuya Macario. Buwan-buwan ipinadadala niya ang kanyang sahod upang
ipambayad sa aming pagkakautang. Pagkatapos, biglang bigla na lamang, siya’y huminto
sa pagsulat at pagpapadala ng kuwalta. Mayroon pa noong natitirang isang hulog bago
matubos ang lupa ni Ama. Subalit isang araw, nakatanggap muli kami ng isang sulat mula
sa kanya – galing sa Maynila. Sinundan daw siya ng nagpipilit na nobya sa Mindanao
kaya’t siya’y tumakas. Ang sabi pa niya, nagbabalak din siyang tumulak mula sa Maynila
patungong Amerika.
SEQ. 4: LUCIANO-AMA
Magbubukas uli ang ilaw sa isang bahagi ng entablado. Ngayon naman ang
makikita ay si LUCIANO sa iba’t ibang gawain: nagmamakinilya, nagmemekaniko ng
mga kotse at motorsiklo, nagkakarpintero, nagtatayo ng isang maliit na tindahan na unti-
unting pupunuin ng mga prutas. Muling magsasalaysay ang BINATANG ALLOS.
AMA: Isang daang piso na lamang. Nangako naman ako na babayaran ko siya sa loob ng
tatlong lingo subalit ayaw niyang making. Inisip kong makakaani ako ng palay sa
panahong ‘yon at maaari akong makpaagtinda nito – nang sa gayo’y makabayad ako sa
kanya. Ngunit nagpadala siya ng dalawang alagad ng pulisya sa Mangusmana upang
pigilan akong mag-ani… Maaari ba ‘yon, Anak? Sa sarili kong lupa pagbabawalan akong
anihin ang sarili kong pananim? Maaari bang kuhanin lamang nila nang pagayon-gayon
ang itinanim at inalagaan ng sarili kong mga palad?
LUCIANO: (may kapaitan) Maaari po, Itay, sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan. Wala
pong batas na magtatanggol sa mga maliliit. Ikinalulungkot ko po, Itay, kailangan po
marahil na ipaubaya n’yo na ang inyong lupa.
Lalakad papalayo ang AMA, tila tulala. Mauubo nang matindi si LUCIANO
hanggang sa may mangilid na luha sa kanyang mga mata. Tutungo siya sa loob ng
tindahan, may kukunin, at paglabas may dala-dalang isang dakot ng mga malalaki at
matatalim na pako. Ihahagis ang mga ito sa kalsada. Ilang sandali pa makakarinig ng
paparating na sasakyan at susundan ng tunog ng pagputok ng gulong. Ilalabas ni
LUCIANO ang mga gamit pang-mekaniko at sisimulan niyang ayusin ang napinsalang
gulong. Unti-unting magdidilim sa entablado.
INA: Bogoooooong!
INA: Bogoooong!
INA: Bogoooooong!
BABAE: Naku, Manang, walang gaanong lasa ang pagkain kung walang sawsawang
bogoong, di ba? Kadalasan nga e maaari nang walang ulam basta’t may bogoong lamang,
kaya’t hala bigyan mo nga ako ng isang takal, ha … Gaano ng aba ang palitan?
BABAE: Naku, paano ba ‘yan? Tatatlong takal lamang ang maaari kong ipagpalit at
kakapusin naman kami. Tumatanggap ka ba ng patani, ha?
INA: Tatlong takal na bigas, po. Maaari din ang patani – apat na takal.
MATANDANG BABAE: Ineng(?), Ading! Maawa na kayo… kay tagal ko nang hindi
nakakatikim ng bogoong.
Maari kayang . . . papaya ba kayo na isawsaw ko man lamang ang aking daliri d’yan sa
inyong sisidlan?
BATANG ALLOS: Lola, may sugat po ang daliri ninyo. Makirot po ‘yan kapag napahiran
ng bogoong.
Anak, hindi mo siya dapat na pagtawanan. Balanga raw, mauunawaan mor in ang mga
bagay na tulad ng iyong nasaksihan.
BINATANG ALLOS: Ang akala ko noon hindi gaanong mabigat ang gawain ni Inay,
hanggang napatunayan ko sa aking sarili na wala itong iniwan sa mga gawain namin sa
bukid nang ako’y kanyang ipagsama. Madaling araw pa lamang ay inihahanda na ni Inay
ang mga paninda at halos hindi pa nagliliwanag sa daan kami ay lumalakad na upang
maglako. Kadalasan, lalo na kung tag-ulan ang mga daraanan ay napakahirap
lakaran . . . . . .
Noong araw na ‘yon, isang magandang dalaga ang labis na nakapukaw ng pansin ni Inay,
isang dilag na sa pakiwari ko ay naroroon hindi upang mamili kundi upang ipagyabang
ang kanyang magarang kasuotan at ang kanyang dalawang alila na susunud-sunod sa
kanya. Namangha si Inay sa mala-reynag pagkilos at paglakad ng dilag na ito. Nang
makapagparada ang dilag sa mga tindera ng mga tela tumungo siya sa aming
kinaroroonan. Hindi mapigilan ni Inay na mapatanga sa kanya; marahil iniisip niya kung
bakit at paanong maipagkaloob sa iisang tao ang tila lahat ng kagandahan at karangyaan.
Napansin ng dilag ang kanyang pagkakatitig dito at…
INA: (nakaluhod sa kanyang pamumulot) Walang anuman ito… walang anuman ito…
IRENE: Inay! Inay! Makirot na makirot ang tiyan ko. Hindi ko na po yata matitiis, Inay!
INA: Dali, Allos! Ikuha mo ang kapatid mo ng maiinit na pantapal sa tiyan! ‘Yung supot
ng mainit na abo! Dali!
BATANG ALLOS: Inay! Dali kayo! May lumalabas na rin na dugo mula sa tenga at
bunganga ni Irene! Dali, Inay!
AMA: Oo. Dudulog ako sa hukuman sa kapitolyo. Nananalig pa rin ako na tayo’y
mabibigyan ng katarungan. Hindi masama ang lahat ng tao.
Marahil hinid pa sapat ang kapahamakang iyon sapagkat di nga naglaon ay inilit
naman ang lupa ni Itay. Nang mga panahong ‘yon, nanatiling walang imik si Inay subalit
batid kong unti-unting nawawasak ang kanyang puso dala ng dalamhati sa pagkamatay
ng kapatid ko at matinding awa kay Itay… Nagtungo si Itay sa Lingayen, tinangkang
dumulog sa hukuman, umaasa pa rin na siya’y mabibigyan ng katarungan. Subalit
pagkaraan ng tatlong linggo, siya ay nagbalik sa amin – walang kabuhay-buhay, talunan
at tuluyan nang tinakasan ng pag-asa.
AMA: (pakutya/may kapaitan) Anong nangyari? Bakit umaasa ka rin ba na maaaring may
magandang mangyayari? Hayun! Hinalughog ko ang buong kapitolyo, hinanap kung saan
hukuman ko maaaring iharap ang aking hinaing. Nakita ko naman. Kung sabagay hindi
naman gaanong mahirap makita ‘yon. Kapag makakita ka ng mga taong katulad ko ang
ayos – nakayapak, hukot, mahaba ang maukha – at sila’y nakapila sa isang gilid – yun na
ang hukuman. Lintek! Napakarami pala ng mga katulad kong inagawan ng lupa. Subalit
alam mo ba, Materia, ang mga tao doon lahat bingi! Ang mga tao doon, lahat bulag!
Hindi kami nakikita, hindi kami nariirnig kahit pa marahil lumuhod kami at magsisigaw
nang sabay-sabay! Aba, masahol pa sila sa mga santong bato diyan sa simbahan natin, a!
Mayroon din namang ilang sa kanila na nakapagsasalita. Dalawa lang ang alam nilang
sabihin – “No intyendes! No intyendes!” o kaya “Sori! Sori!” Alam mo ba ang ibig
sabihin ng mga kutyang ‘yon, ha, Materia? Hindi raw nila ako maintindihan. Hindot!
Hindi ko rin sila maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagpapasapasahan
nila ako: Sabi noong isa sig anito raw ang kausapin ko. Sabi naman nig anito, si ganoon
daw ang makakatulong, subalit bumalik na lamang daw ako kinabukasan dahil saw ala
roon ‘yung taong kakausapin. Kinabukasan naman, ang sabi noong isang mamang
mataba, kaalis lang daw ng hinahanap ko. Nagtungo raw sa Baguio. At hindi nila alam
kung kailan babalik. Hindot. Bakit hindi pa nila sabihina ng totoo? Ayaw nila akong
harapin dahil ako ay maliit. Ayaw nila akong pakinggan dahil sa isa akong mangmang.
(Maluluhanang tuluyan) Ukinanam, napakahirap nitong maliit at mangmang!
AMA: (pakutya) Anong sabi nila? Aba, e di “No intyendes! No intyendes!” “Sori! Sori!”
Hindot! Hindi ko rin sila maintindihan. Napakahirap nitong maliit at mangmang.
(maluluha)
INA: (maluluha na rin) Hayaan mo, Carlos, makakaraos din tayo… makakaraos din tayo.
SEQ. 6: TAYUG
RAZON : (magpapatuloy)
Panahon na para imulat ang inyong mga mata. Pagmasdan ang inyong mga sarili
– sunog ang balat, nangangapal ang sugatang mga palad, pata ang buong katawan sa
maghapong paggawa.
Subalit nasaan ang bunga ng inyong mga pagsisikap? Nasaan ang inyong mga
pakikinabang? (Nagtuturo sa ilan sa mga naroroon.) Nasa ‘yo? Nasa ‘yo? O nasa ‘yo?
Wala! Wala sa sinuman sa inyo sapagkat naroroon sa lukbutan ng mga gahamang
maginhawang nagpapahinga sa lilim. Nagkakamot ng tiyang binundat ng mga butil na
dinilig ng inyong mga pawis at luha.
At nasaan ang lupa na tanging kayamanang naiwan ng inyong mga ninuno? Isa
kapirasong lupa na hinawan, binungkal, at pinagyaman ng buo n’yong anak nang
mahabang panahon. Naroroon din sa mga gahaman – hinablot sa isang kisapmata mula sa
mga palad na namanhid at namaltos. Ginamitan ng dahas at buhong na talion na
isinasanggalang ng mga baluktot na batas at pakana na gawa na rin nilang mga gahaman.
Kaya’t ang mga ‘yan (ituturo ang mga ginagapas) Yan mga ginagapas ninyo –
tipunin at angkinin. Dalhin sa inyong mga bahay! Bakit kailangang ipagkaloob ang lahat-
lahat sa kanila? Sila’y mga kampon ng diablo nan ang-aapi sa ating mga maliliit at
mangmang. At tanging ang Panginoon nating Diyos lamang ang Siyang makakapigil sa
kanilang kabuktutan! Kaya’t sama-sama tayo, mga kapatid ko! Manalangin tayo sa Ama
nating Diyos na makapangyarihan sa lahat! Sumama at makiisa sa aming samahang
Colorum at lipulin natin ang kasamaan ng diablo! Lipulin ang mga gahamang
mapagsamantala!
(Sisigaw ang ibang mga kasamahan): LIPULIN ANG MGA KAMPON NG DIABLO!
LIPULIN!!
“When we reached the plaza we saw many of the Colorum at the kiosk, falling in
line and preparing their attack. The policemen were running excitedly about the
presidencia, piling bricks and sandbags outside the windows and doors. They were
waiting, ready with their guns.
Then from beyond the presidencia, climbing up the river like a stream of black
beetles, the Colorum came rushing upon the building, dispersing the few guards who
were waiting outside with their antiquated pistols. They fired into the air and leaped
behind trees when the police challenged them from behind the barricaded windows.
The carromata ponies at the station started running away in all directions. The
bus that was discharging passengers near the schoolhouse turned around and sped toward
Binalonan. The attacking band of the Colorum increased; they appeared from everywhere
with their black flag and fired upon the men in the presidencia.
We looked toward the presidencia. A policeman came out bravely, but he had not
gone far when he was shot in the back. He fell under a flagpole. Another policeman
arrived, then another; but five of the Colorum ran after them, shooting as they emerged
from the tall acacia trees around the presidencia. They engaged in hand-to-hand fighting
behind the coffee shop at the station. The Colorum rushed into the presidencia and after a
while their flag appeared at the window. Then there was a respite; except for the jubilant
rebels who were pouring into the town hall, the town was deserted. The dead were
scattered on the lawn and in the street.”
Hindi iimik ang mga magulang. Titingin lamang nang malungkot sa kanilang
bunsong lalaki.
BATANG ALLOS: Sa Baguio, Kuyang. Susubukin ko ang aking kapalaran doon. Baka
sakaling makapag-ipon ng plete para sa pagtungo ko sa Amerika.
May kukunin ilang halaga si LUCIANO mula sa kanyang bulsa at ilalagay ito sa
kamay ng KAPATID.
LUCIANO: Tandaan mo itong ipagbibilin ko sa ‘yo: kung may pagkakataon ka, mag-aral
ka. At huwag na huwag kang titigil ng pagbabasa, lalung-lalo na ng mga mahuhusay na
libro. Itanim mo ito sa isipan mo, Allos: Ang pagbabasa, ang mga mayayamang idea na
hatid ng mga libro ay ang ikinabubuhay ng isipan… Malay mo, balang araw baka maging
peryodista ka!