You are on page 1of 16

Mga Panitikang Filipino ng

Pilipinas
Tula ng Panitikang

Filipino

SIPI:

“Kay Rizal”

Isinulat ni: Cecilio Apostol


Pagsusuri

Buod

Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat

Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan

Na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!

Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,

Mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo

Upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.

Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay

Tagapagligtas ng isang inalipin!

Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,

Ang sandaling tagumpay ng kastila,


Pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,

Ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!

Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan

Na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy

sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,

Sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman


Sanaysay

ng Panitikang

Filipino
SIPI:

“Ang Ningning at ang

Liwanag”

Isinulat Ni: Emilio Jacinto

Pagsusuri
Buod

Ang ningning ay nakakasilaw at nakakasira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,

upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng

nagaapoy na sikat ng araw ay nagniningning;ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na

dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang naugalian: Nagdraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng

kabayong matulin. Tayo’y nagpupugay at ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang

magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinagtatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay

nagtago ang isang pusong sukaban.


Maikling Kwento

ng Pantikang

Pilipino
SIPI:

“Yungib sa Bundok

Gidday’’

Isinulat Ni: Reynaldo Duque


Pagsusuri

Buod

Wala nang tatanda pa kay Apong Genesis sa Bagani Ubbog. Kaya ganoon na lamang sya kung

tingalain n gaming mga kabaryo, lalo na ako. Ako ang kanyang nagsisilbing tagapangalaga nya at

kasama. Sa haba ng panahon na kami’y magkasama ay hindi sya nauubusan ng mga katangi- tanging

kwento kaya labis ko syang hinahanggan. Sa kabila ng kanyang pagiging matalino, nakakatuwa rin na

isa s’yang buhay na alamat. Marami syang mga paniniwala at kaugalian. Sa katunayan, pagkatapos

n’yang magdasal sa umaga, ay papanhik na sya dala ang hinanda kong umagahan patungo sa Bundok

Gidday. Ni minsan ay hindi nya ako inayang sumama kaya minsan nahihiwagaan na rin ako patungkol

dito. Minsan ko ng inusisa ang tungkol dito ngunit ang sabi nya lamang ay pinupuntahan nya lamang

ang kanyang kaibigan na syang nagbabantay ng kanyang kayamanan. Lubos akong naiintriga sa sinabi

nya ngunit kinimkim ko na lamang. Nanatiling mapayapa ang buhay ni Apong Genesis hanggang isang

araw ay dinapuan ito ng malubhang sakit. Ayon sa kanyang anak na doctor, maaaring hindi na tumagal

ang kanyang buhay. Labis na nagaalala ang kanyang mga anak sa kanya at sa pamana nito. Minsan ay

tinanong din nila ako kung may ideya ba ako rito. Ngunit, ang alam ko lamang ay ang minsang

nabanggit ni Apong Genesis. Lalong lumala ang kanyang sakit at humupa ang pangungusisa ng mga

anak nito kay Apong Genesis pati na rin sakin.

Ngunit isang araw inaya ako ni Apong Genesis na umakyat sa Bundok Gidday. Halatang

nagmamadali si Apong Genesis dahil hindi ko na ito maabutan sa paglalakad. Ngunit nagulat ako sa

aking nadatnan, mayroon palang kweba sa tuktok ng bundok na ito. At di kagaya ng tahimik na atmos-
-pera sa ibang mga kweba, dinig na dinig namin ang mga umpukan ng mga bato at metal pati na rin

ang mga sigawan ng mga pamilyar na boses. “Kunyo! Anak-ti-sal-it!” natigilan ang mga grupo ng

kalalakihan sa mala-kulog na boses ni Apong Genesis. “Emmanuel, Abraham, Israel anong ibig sabihin

nito?” galit na tanong ni Apong Genesis. Wala ni isa ang gustong sumagot ngunit sa huli ay ipinagtapat

nila na hinahanap nila ang nakatagong kayamanan ng ama sa kwebang iyon. “At saan naman naggaling

ang ideyang iyan?” napatingin sakin ang mga magkakapatid ngunit saglit kaming natigilan ng tumawa

ng malakas si Apong Genesis. Ipinagtapat nya na ang kaibigan na nagbabantay sa kayamanan nya ay

hindi isang uri ng element kundi ang kanyang asawa na doon nakalibing ang mga labi. At ang

kayamanan na tinutukoy nya ay ang pamilya na binabantayan at ginagabayan ng kanyang yumaong

asawa. Hindi makapaniwala sa nalaman noong una ang mga magkakapatid ngunit sa huli ay natawa na

lamang ito. Pagkatapos ng ilang buwan, namayapa si Apong Genesis at inilibing sa tabi ng kanyang

asawa. Dumaan man ang maraming taon nasisiguro ko na mananatiling buhay ito sa puso ng mga

taong tunay na nagmamahal sa kanya.

.
Nobela

ng Panitikang

Pilipino
SIPI:

“Banaag At Sikat”

Isinulat Ni: Lope K. Santos

Pagsusuri
Buod

Si Felipe ay anak ng isang mayamang president ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang

pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang

kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan nya ang kanilang kayamanan, at nanligaw sa

isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng

amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang

kanyang mababang pagtingin sa mga mahihirap at ang pag-api nya sa mga pinamumunuan ay

nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging

anarkista. Pinangarap nya ang araw na mawawala ang mga hari, panumbayan at alagad ng batas, ang

lahat ng tao ay magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa ng

buhay. Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itnuro nya sa mga

kasama nya sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y

pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik sya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay

na pumisan sa kanya kahit di pa kasal, sapagkat tuol sya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa

malayang pagibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi nya hinangad na mawala ang pamahalaan

ngunit katulad ni Felipe ay tutol sya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa

ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay dahil sa karalitaan. Tutol din sya

sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na pinalaki sa
isang ale (tiya). Habang nagaaral ng abogasya ay naglilingkod sya bilang isang manunulat sa isang

pahayagan. Kaibigan sya at kapanalig ni Felipe, bagama’y hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatam ng layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan,

samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pagakay sa mga tao upang mapawi ang

kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mamamayan, sa pamamagitan ng gradwal na

pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng Sosyalismo. Si Don Ramon ay may anak na dalawang

dalaga a isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga ay sina Talia at Meni.

Si Talya ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila ay napakarangal at

napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan na sistema na

pinangyarihan ng mga mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-

libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa

buhay. Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si

Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pagiibigan nila Delfin at Meni sapagkat ito’y maralita. Nagalit si Don

Ramon ngunit pumayag na ipakasal ang dalawa. Subalit, gumawa ito ng testamento na hindi ito

papamanahan. Dahil sa kahihiyan ni Don Ramon ay pumunta ito ng iba’t ibang bansa kasama ang

paboritong tauhan. Samantala, nagluwal naman ng sanggol si Meni at nagkaron ng pagdiriwang ngunit

biglang naputol sa balitang napatay si Don Ramon sa isang hotel sa New York. Si Ruperto ang nagsabi

kay Felipe kaya ito namatay ay dahil sa kalupitan sa kasamang utusan. Hanggang sa libing, Ang libing ni

Don Ramon ay naging marangya. Sa kabila ng pagkakaiba ng paninindigan nila Delfin at Felipe ay

nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pagalis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t

palipasin ang diin ng gabi.

You might also like