You are on page 1of 8

BANAAG AT SIKAT (ni Lope K.

Santos)
Banaag at Sikat
Nobela - ni Lope K. Santos

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng
batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at m agtatam asa ng lubos na
kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro
niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan.
Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating
pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal,
sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa
ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis
at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa
kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale
(tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang
pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa
marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa
mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang
mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain
ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa
na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si
Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para
kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na
pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi
samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang
pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan
ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak;
dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang
pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang
pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi
ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito
naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos
patayin. Saamuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay
Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan
sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.


Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o
nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at
ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa
pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at


pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang
hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si
Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa
ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa,
kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas.
Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae
na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng
sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na


makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga
kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na
tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang
makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang
anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga
pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila
Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang
nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na


nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel
sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng
manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon,
na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi
sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na


malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang
Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang
kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t
ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California,
at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng
utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na
kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don
Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa
libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng
karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay
Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at
paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang


ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan
habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng
yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan
at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at
walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang
bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang
sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang
tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng
anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados
Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga
ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw
araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang
paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa


pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t
palipasin ang diin ng gabi."
Sandosenang Sapatos na isinulat ni Luis P.
Gatmaitan.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-
sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”


“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay.


Bihirang magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay


kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko.
Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko,
o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng
ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng
ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming
hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang
matagal nilang dasal na masundan ako.

“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale,


dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak
natin!”

“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ng
ballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos
na pang-ballet .”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang
makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang
dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.


Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang
ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang
mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong
sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”

“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles


habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging
epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-
araw, ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit
ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw
kong mag-ballet). Pero…

“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa


banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng
titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa
mga pangarap na masyadong mailap. Saksi ako kung paanong minahal siya
nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang
kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.

“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.

“Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama,
narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay
mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili,” masuyo niya itong
hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko,
kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay
titingin sa kuna.

“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa


ni Tatay,” bulong ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa
sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag
may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate
na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang


aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng
mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.

“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol
na may dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang


kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.

“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malaking buckle sa tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon
na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin.
Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na
bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang


pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon,
butones, sequins ,beads , o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.

“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na
napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos.


Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan.
Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na
may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos.
Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet
dancer .

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie


nang pumanaw si Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng


mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa
paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na
maingat na nakasalansan!

”Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko
sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay
ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat
nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-first
communion. May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba.
May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na


papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,


Alay sa kanyang unang kaarawan

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay


Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos
ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso


Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala
kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko
kina Nanay at Susie.

“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie,” Namuo ang
luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko,” Hindi makapaniwalang sabi
ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na


may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula.
Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na
parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa
harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga
sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

You might also like