You are on page 1of 23

Piliin ang tamang titik sa loob ng kahon ang mga kahulugan ng mga salita.

1.Palimbagan-
2.Anarkista-
3.Sosyalista-
4.Banaag-
5.Maralita-

a. Pag Iimprenta
b. Taong gumugulo sa bayan sa pamamagitan ng pag – alis ng batas at
kaayusan.
c. Taong naghihirap sa buhay.
d. Naniniwala na dapat ang yaman ng bansa ay pag-aari ng mga tao.
e. Bahagyang Liwanag.
Layunin
a. Nasusuri ang nilalaman ng kwento ng
Nobela na pinamagatang Banaag at Sikat at
Nena at Neneng.
b. Magagawa ang mga gawaing inihanda ng
guro.
c. Naiiugnay ang ilang pangyayari sa Nobela
sa tunay na buhay.
Banaag At Sikat
ni Lope K. Santos
“Banaag at Sikat” ay kumakatawan sa
katagang “mula sa maagang
pagbubukang-liwayway hanggang sa
ganap na pagkalat ng liwanag ng araw.”
• Pinamagatan itong “Nena at Neneng”
dahil nakasentro ang kwento ng nobela
sa buhay at pagdurusa ng dalawang
matalik na magkaibigang kapwa
sinubok ng kapalaran.
Mga Tauhan
• Felipe- Anak mayaman na tutol sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang
ama.
• Delfin- Isang sosyalista na tutol sa pagsasa sa kayamanan at pagmamana ng
mga anak sa kayamanan ng magulang.
• Don Ramon- Ama ni Talia at Meni.
• Tentay- Isang maralita ngunit marangal na dalaga na naibigan ni Felipe
• Meni- Nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isa sa pinakamayan sa
Maynila.
• Madlanglayon- Isang abogado na napangasawa ni Talia.
• Talia- Isa sa mga anak ni Don Ramon. Asawa ng abogadong si Madlanglayon.
• Don Filemon - kasosyo ni Don Ramon sa negosyo.
• Ruperto- Kapatid ni Tentay na nag-aaral sa amerika.
Buod
• Ang Banaag at Sikat ay umiikot sa dalawang magkaibigan
sina Delfin at Felipe.
• Anak ng isang mayamang pangulo ng isang bayan sa
Silangan si Felipe. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga
paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan
nito sa mga mahihirap na kasama sa bukid at sa mga
utusan sa bahay ay tinalikuran niya ang kanilang
kayamanan.
• Pumasok siya bilang manggagawa sa isang palimbagan, at
nanligaw din siya sa isang maralita ngunit marangal na
dalaga nagngangalang Tentay.
• Si Felipe ay isang anarkista pinangarap niya ang araw na
masusugpo ang mga naghahari-harian punumbayan at alagad ng
batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa
ng lubos na kalayaan at patas na kaginhawahan sa buhay.
• Itinuro niya sa mga mahihirap ang kanilang karapatan na naging
dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama.
• Si Delfin ay isang sosyalista na di hangad mawala ang
pamahalaan ngunit tulad ni Felipe ay tutol sya sa marangyang
pamumuhay.
• Si Don Ramon ay may dalawang anak sina Talia at Meni.
• Naibigan ni Talia ang isang abogado, si Madlanglayon
samantalang naibigan ni Meni si Delfin na tinutulan ni Don
Ramon ngunit ang pagtutol na ito ay walang nagawa.
• Dahil sa kahihiyan ay tumulak si Don Ramon sa Estados Unidos
kasama ang utusan.
• Nagluwal ng sanggol si Meni at pinabinyagan. Dumating ang
malungkot na balita na si Don Ramon ay napatay ng kanyang
utusan sa New York.
• Nang idating ang bangkay sa Pilipinas, inutusan ni Don Felimon,
kasosyo ni Don Ramon sa kanyang mga negosyo ang mga tauhan
niya salubungin ang bangkay dahil sa babalang hindi pasasahurin
sa susunod na Sabado ang hindi sasalubong.
• Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto na
nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa
kalupitan nito.
• Nagkaroon ng marangyang libing si Don Ramon na katulad ng
kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang
pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan.
• Naalala ni Felipe ang nakakaawang kalagayan ng
mahihirap na kasama at utusan ng kanyang ama.
• Nasabi naman ni Delfin ang kawalan ng pag-asa ng
mga mahihirap na mamamayan hangat narito ang
mga maling batas, paniniwala, pamahiin at bulag na
pananampalataya.
• Magtatagumpay lamang ang sosyalista at anarkiya
kung ito ay lalaganap din sa buong daigdig. Sa kabila
ng pagkakaibang ito ang kanilang paninindigan ay
nagkakaisa naman sa pagsasabi na “ Tayo na iwan
natin at palipasin ang dilim ng gabi
• Isko - isang lalaki na nagkagusto kay neneng, nakilala ni neneng sa
kasalan.
• Neneng - matalik na kaibigan ni nena,babaeng itinadhana para kay
narciso.
• Narciso - lalaking nagmahal kay neneng ng lubos.
• Chayong - babaeng gusto si narciso, pero napunta kay miguel.
• Miguel - ama ng dinadalang bata ni chayong, na inakala na kay narciso.
• Nena - babaeng matalik na kaibigan ni neneng, nagkagusto kay miguel,
pero napunta kay deogracias.
• Deogracias - kababata ni nena at naging asawa.
• Aling Anday - ale ni nena, nag alaga kay nena simula ng maulila, parang
ikalawang ina ni nena.
• Pepe - kapatid ni neneng.
BUOD
• Si Nena at Neneng ay matalik na magkaibigang dalaga na parang
kapatid na ang tratuhan.
• Umibig si Nena sa Binatang si Miguel sa pag akalang tapat ang
pag-ibig ng binata.
• Isinumbong ni Neneng si Nena sa kanyang Aleng Anday.
• Nasira ang pagkakaibigan nila Neneng kay Nena dahil sa
nangyari.
• Bumalik din ang pagkakaibigan nila ng maipakita ni Neneng kay
Nena si Miguel na kasama si Chayong.
• Si Chayong ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa
buhay si Miguel at ang pinsan nitong si Narciso.
• Ang magandang pagtitinginan nina Nena at Narciso, at
pagkatapos, nang inilahad ni Miguel kay Chayong ang
kanyang tuluyang paglimot kay Nena.
• Pumanaw ang asawa ng ale ni Nena (Aleng Anday) na
naging dahilan ng paghihiwalay ng magkaibigan.
• Muling nagkasama si Nena at Kanyang kababatang si
Deogracias. Lumalim ang Pagkakaibigan magtutungo sa
pagmamahalan at pagkakasal nilang dalawa.
• Ganun din para halos kina Narciso at Neneng, Hanggang sa
matamis na pagdedeklara ng nararamdaman para isa’t isa.
• Sa kabilang panig naman ng kwento ay naimbitahan si Neneng
at Narciso sa nalalapit na kasal nila Nena at Deogracias.
• Masusubo ang pag-iibigan nina Neneng at Narciso sa
pagdating ni Isko na nagkagusto kay Neneng noong kasal nila
Nena at Deogracias.
• Kasal na ang dalawa. Di parin tumigil sa paglalahad ng
damdamin si Isko sa pamamgitan ng mga sulat .
• Dahan Dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at
duda sa noong una’y masayang pag-iisang dibdib ng dalawa.
• Nang Umalis si Neneng noong pumanaw si Pepe ay naiwan
niya ang liham sa kanya ni Isko at nabasa ito ni Narciso.
Umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang
pag-ibig ni Neneng sa kanya.
• Nag punta si Neneng sa bahay ni Nena at doon muna siya
nakitira. Unti-unti’y nagkasakit na malubha si Neneng.
• Dumating na ang takdang panahong mamamatay
na siya ay may habilin siya kay Nena na isang sulat
para kay Narciso.
• Makalipas ang anim na buwan, umuwi si Narciso upang
makipagbalikan sana kay Neneng, Ngunit huli na ang
lahat. Di rin nagtagal namatay na rin siya.
Pamantayan
Kooperasyon: 15%
Pagkakaisa: 15%
Presentasyon: 25%
Pagkamalikhain: 35%
Pamamahala sa oras: 10%
100%
Pamantayan

Kalinisan- 15%
Organisasyon- 20%
Nilalaman- 50%
Pamamahala sa Oras- 15%
100%
Panuto: Gumawa ng sanaysay
1. Ano ang mas mahalaga Kayamanan o Pag-ibig?
Bakit?
2. Dapat ba magkaroon ng tiwala sa isang relasyon?
Bakit?
•Ano ang pinagkaiba ng
Anarkismo at
Sosyalista?
•Ano ang katangian ng
isang tunay na
kaibigan?
Panuto: Piliin ang titik ang tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng Anarkista?
a.Sumusuporta sa pamahalaan
b. Mahal ang pamahalaan
c. Taong gumugulo sa bayan ng pag-alis ng batas at kaayusan.
2. Sino ang matalik na kaibigan ni Neneng.
a.Nano b. Neno c. Nena
3. Ano ang pinapangarap ni Felipe?
a.Masusugpo ang mga naghahari-harian at alagad ng batas.
b. Lahat ng tao ay hindi magkapantay pantay.
c. Matatamasa ng lubos na Kalayaan at kaguluhan sa buhay.
4. Lalaking Nagkagusto kay Neneng.
a.Don Ramon b. Delfin c. Isko
5. Siya ay isang Sosyalista.
a. Narciso b. Delfin c. Felipe
Takdang Aralin
•Mag saliksik ng limang
natatanging nobelang
Pilipino at isulat sa isang
kapat ng papel.

You might also like