You are on page 1of 3

Objectives:

1. Matukoy ang bahagi at gamit sa loob ng silid-aralan at tamang lokasyon ng mga ito.
2. Makagawa ng iba't ibang gawain na may kinalaman sa mga bahagi at gamit sa loob ng ng
silid-aralan at tamang lokasyon.
3. Mapahalagahan aang mga gamit sa loob ng silid-aralan at lokasyon ng mga ito sa pang araw-
araw na buhay.

B. Paghahabi ng layunin Indibidwal na Gawain Gamit ang laptop at projector.


Magpakita ng karagdagang gamit na nasa tamang lokasyon.
1. Blackboard
2. Upuan
3. bookshelves
4. lamesa
Pagkatapos maipakita sa mga bata ang larawan ipresenta ang katanungan gamit sa power point
presentation.
1. Ano ano ang mga gamit na inyong nakikita sa larawan?
2. Ang lamesa ba ay nasa tamang lagayan? oo Hindi? Bakit?
3. Ang blackboard ba ay , nasa tamang lagayan din ba? Ipaliwanag.
4. Sa inyong bahay, ang mga gamit ba ninyo ay nasa tamang lagayan? Bakit?
5. Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang nasa tamang lokasyon ang mga kagamitan?
Ipaliwanag.

C. Pag - uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng ibat ibang larawan . Ang mga pinaghalong larawan ay
Buuin at idikit ito sa pisara . Mayroon lamang limang minuto para gawin ito.
Group 1. Bulletin Board
Group 2. Lamesa
Group 3. Blackboard
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
1. Ano- ano ang mga larawan ang inyong nabuo?
2. Saan matatagpuan ang mga larawan ang inyong nabuo kanina?
3. ang mga gamit na inyong natagpuan ay nasa tamang bang lokasyon?
4. Sa inyong palagay, Bakit kailagan na may tamang lokasyon ang mga gamit sa silid aralan?
5. para sa inyo, nakatutulong ba sa inyo ang mga tamang lokasyon ng mga gamit sa ating
buhay?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


A. Setting of Standard Dapat Gawin
•Makinig sa guro
• Itaas ang kanang kamay kung sumagot o magtanong.
Hindi Dapat Gawin
• Huwag mag ingay sa loob ng klase.
• Huwag makipag away sa kaklase

B. Pagpakilala ng Incentive Chart/ Behavioral Chart


Ang guro ay magbibigay ng iba’t ibang Gawain sa bawat grupo. Bibigyan lamang sila ng limang
minuto para gawain ito at tatlong minuto sa pag presenta.
Pangkat 1: iguhit ang mga gamit nakikita sa silid aralan na nasa tamang lokasyon
Pangkat 2: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga gamit na nasa tamang lokasyon.
Pangkat 3. Gumawa ng isang kanta tungkol sa naglalarawan sa lokasyon.

F. Paglinang sa Kabihasnan
Magbigay ako ng katanungan at tatawag lamang ako ng tatlo o higit pang mag-aaral na sasagot
sa aking katanungan. Ito ang aking tanong. Kung ikaw ay inutusan ng iyong ina na bumili ng
gamot sa botika, ngunit sa paglalakad mo ay bigla mong nakalimutan ang sketch na binigay ng
iyong ina papuntang botika. Ano ang gagawin mo? Uuwi ka nalang ba sa inyo o magtanong sa
iyong madaraanan? Ipaliwanag.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Isulat ang Tama kung ang mga gamit ay nasa tamang lokasyon at Mali kung hindi
____1. Ang aklat ni Ben ay inilagay sa sahig
____2. Ang kama ay nasa silid aralan
____3.Ang mga gamot ay inilagay ni Maria sa Medicine kit.
____4.Ang blackboard ay nasa harapan ng mga studyante
____ 5.Inligay ni Ms. Bea ang kanyang libro sa mesa.

H. Karagdagang Gawain

Isulat ang mga gamit na nasa bahay na sa tamang lokasyon at isulat ito sa inyong
kwaderno.

You might also like