Professional Documents
Culture Documents
Nakapagtataka kung bakit nagkaibigan ang dalawa gayong ang kanilang mga ama
ay mahigpit na magkaaway. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita, walang
halong pag-iimbot, walang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng
hangganan gumawa si Delfin ng isang lihim na lagusang madaraanan papunta kay
Rosita. Kung gabing maliwanang ang buwan, malimit daw mamasyal si Rosita
kasama si Delfin. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinapanood
nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigang iyon ay lingid sa kaalaman
ng kanilang mga magulang.
Sabihin ninyo, anya sa mga utusan, na ibalik ang bakod sa dating kinatatayuan.
Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka’t tunay na isang pagnanakaw.
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa
Gagalangin at sinabi sa kanya ang bilin ng datu roon. Sabihin ninyo sa inyong datu,
na ako’y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binabalik ko lamang sa dapat kalagyan
ayon sa natuklasan ng aking mga nuno. Nag-alab ang dugo ng ama ni Delfin sa
tinanggap niyang balita. Sa gayong mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan
ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa
pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang
mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay
digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng
paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang
dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan
kay Delfin ang isang mabigat na pananagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo
ng Gagalangin.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming
nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat, at dahil sa
masaganang dugong nawala sa kanya, siya’y nabuwal na lamang at sukat sa lupa.
Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya
ilibing sa hangganan ng bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung
gabing maliwanang ang buwan at magkikita sila ni Rosita, kasama ang mga abay
nito.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga barangay at dumating
ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo’y marami na ang
tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay
naligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalo na kung mga
gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang
nagsisipanirahan sa may pagitan ng dalawang nayong naturan. Ang tinig ay waring
sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing
hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. Sumpa kita! Sumpa kita! ang
winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, ay wala naming nakikita. Napansin nila na
ang tinig ay nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno
ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan, maputi, maraming talulot at ang
iwing bango’y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung
buwan ng Mayo, taun-taon.
Sana makakuha kayo ng munting aral sa babasahin na ito na lagi tayo maging
mapangkumbaba at huwag mang aapak ng tao.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina
Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-
ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang
lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.
Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita!
Sumpa kita…”
Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway
kay Tanggol.
Nang minsang may isang binata na ang pangalan ay Tanggol na inatake ng baboy-
ramo, dinala ito sa ama ng dalagang si Liwayway upang mabigyan ng pangunang
lunas.
Lumapas ang maraming araw ngunit hindi pa rin bumabalik si Tanggol. Isang dating
manliligaw ni Liwayway ang siniraan si Tanggol at sinabing hindi na raw ito babalik
dahil may asawa na ito.
Bago namatay si Liwayway ay naiusal nito ang mga katagang, “Isinusumpa kita!
Sumpa kita…”
Aral
Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi
totoong kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot kaninuman.
Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga,
siguradong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa
Gagalangin ng sabihin sa kanya ang bilin ng datu roon. “Sabihin niyo sa inyong
datu,” ang wika niya sa mga sugo,” na ako’y hindi magnanakaw. Ang bakod ay
binabalik ko lamang sa dapat kalagyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng
aking mga nuno.”
Ipinag-alab ng loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayong mga
alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa
pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang
mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay
digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng
paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang
dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan
kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng
Gagalangin.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming
nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat, at dahil sa
masaganang dugong nawala sa kanya, siya’y nabuwal na lamang at sukat sa lupa.
Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya
ilibing sa tabi ng hangganang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya
kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kasama ng mga abay nito, ay
mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Samantala….
Sa madaling sabi, mauuwi sa digmaan ang alitang ito ng dawalang datu. Ngunit
ilang araw bago magsimula ang labanan, dinapuan ng mahiwang sakit ang ama ni
Delfin na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Kaya naman naiwan ang
responsibilidad kay Delfin. Ayaw sanang matuloy ni Rosita ang digmaan ngunit wala
silang panahon ni Delfin para makapag-usap.
Nang kanila itong hukayin ay laking gulat nila ng makitang ang dalawang puno ng
mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi
gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay.
Aral
Walang hindi naaayos sa mabuting usapan. Kung may alitan sa iba ay pag-
usapan ito ng maayos upang hindi na humantong sa mas malalang alitan.