You are on page 1of 26

ARALIN 8

HINDI KAYANG
HADLANGAN ANG
PAG-IBIG
HINDI KAYANG
HADLANGAN ANG
PAG-IBIG
Newsletter
Here is where your presentation begins
Mahalagang Kaalaman
Likas sa isang tao ang maghangad ng kaligayahan.
Ito ang nakikuta niyang sagot sa kaniyang mga
kakulangan. Kapag ang mga ninanais ay kaniya nang
nakamtam, ang kaligayahan bang madarama ay wala
nang katapusan? Sinasabing kasama ng pagmamahal
ang kabiguan at kalungkutan, subalit gaano man ito
kasakit, ang pag-ibig ay mahirap hadlangan.
Mitolohiyang Kanluranin
 Ito ay salamin ng mga sinaunang sibilisasyong Europeo.
 Mababasa sa mga akdang pampanitikang ito ang kultura, pilosopiya,
at mga likhang-sining na makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan.
 Nasusulat ang mga mitolohiyang ito, maging ang kanilang
kasaysayan, sa iba’t ibang wika ng Europa particular na sa wikang
Indo-European.
 Napapalawak ng mga ito ang ating kaalaman tungkol sa Western
Culture na isang mahalagang element ng ating sibilisasyon.
Mitolohiyang Kanluranin
Ang kultura ng mga Kanluranin ay masasabing mayaman
pagdating sa sining, kultura, at pilosopiya na bahagi na ng
kanilang kabihasnan.

Ang mga panitikang Kanluranin ay karaniwang nasusulat


gamit ang mga lengguwaheng Europeo.

Karamihan ay sa wikang Griyego at ang ilan naman ay sa


wikang Arabic ng mga taga-Ehipto.
Mitolohiyang Kanluranin
Ang kultura ng mga Kanluranin ay masasabing mayaman
pagdating sa sining, kultura, at pilosopiya na bahagi na ng
kanilang kabihasnan.

Ang mga panitikang Kanluranin ay karaniwang nasusulat


gamit ang mga lengguwaheng Europeo.

Karamihan ay sa wikang Griyego at ang ilan naman ay sa


wikang Arabic ng mga taga-Ehipto.
Mitolohiyang Kanluranin
Ang mga mito o mitolohiya ay mga kwentong
naglalayong magbigay ng kahulugan sa mga
pinagmulan o pinanggalingan ng isang bagay,
tao, hayop, o kaya lugar.
Kadalasan, ang mga tauhan sa mga kwentong ito
ay may kakaibang lakas o kaya’y mga Diyos,
Diyosa, o mga anak ng mga ito.
Noong unang panahon, ang mga matingkad na
pulang kulay na bunga ng puno ng mulberry ay
kulay puti na tulad ng niyebe. Ang pagbabago ng
kulay ng mga ito ay dulot ng isang kakaiba at
nakalulungkot na pangyayari. Ito ay ang kamatayan
ng dalawang taong nag-iibigan.
Si Pyramus ay ang pinakamakisig na
binata at si Thisbe naman ay ang
pinakamagandang dalaga sa Silangan. Sila ay
nakatira sa Babylon, ang lungsod ni Reyna
Semiramis. Ang dalawa ay naninirahan sa
mga bahay kung saan isang pader lamang ang
naghihiwalay sa dalawang tahanan.
Ang dalawa'y lumaki sa magkatabing
tahanan, natutuhan nilang mahalin ang isa't isa.
Nais nilang magpakasal subalit tutol dito ang
kanilang mga magulang. Ngunit, sabi nga ng
karamihan, ang pag-ibig ay hindi kayang pigilan.
Ang lalong pagpipigil sa apoy ay siyang lalong
nagpapaliyab dito. Ang dalawang pusong nag-
aapoy sa pagmamahalan ay hindi kailanman
mapaghihiwalay.
Walang sinuman ang nakaaalam na may maliit
na bitak sa pader na naghihiwalay sa dalawang
bahay, na kung saan ang mahinang tinig ay
maririnig sa kabilang bahagi. Walang nakaalam
nito maliban sa dalawang nagmamahalan. Nagawa
nilang mag-usap habang silang dalawa ay nasa
magkabilang bahagi ng pader.
Ang pader na ito na naghihiwalay sa
kanilang dalawa sa magkabilang panig
ang naging paraan nila para makausap
ang isa't isa. "Nang dahil sa iyo, hindi
kami makapaghalikan" sabi ng dalawa.
"Subalit mabuti at hinayaan mo kaming
makapag-usap.
"Subalit mabuti at hinayaan mo kaming
makapag-usap. Hinayaan mong masabi
namin ang mga salita at marinig ito." Ito ang
paraan nila ng pa8- uusap, at pag takipsilim
na at kailangan na nilang maghiwalay,
pareho nilang hinahalikan ang pader kahit
hindi ito lalapat sa labi ng nasa kabila ng
pader.
Tuwing umaga, kapag ang bukang-liwayway ay
nariyan na at ang sinag ng araw ay pilit na inaabot
ang mga pagitan ng mga damo sa paligid, tatakbo
ang dalawa sa maliit na biyak ng pader upang
mag-usap, magpapalitan n8 mga salita ng
pagmamahalan. Subalit ang mga ito ay hindi sapat
sa kanilang mga nag-aalab na damdamin.
Dumating na ang araw na hindi na nila kaya ang
ganitong kalagayan.
Napagkasunduan ng dalawang nagmamahalan na sa gabi
ring iyon, sila ay tatakas at lalayo paalis ng lungsod,
upang sa wakas ay magkasama na sila at maging malaya.
Napagkasunduan nilang magkita sa isang kilalang lugar,
sa Puntod ni Ninus, sa ilalim ng puno doon, ang puno ng
mulberry na hitik na hitik sa mga bungang simputi ng
niyebe na malapit sa isang bukal ng tubig. Hindi na sila
makapaghintay at para bang napakatagal ng buong araw
na iyon.
Sa wakas, lumubog na ang araw sa dagat, at
sumikat na ang kadiliman ng gabi. Sa kadiliman,
tumakas na si Thisbe patungo sa puntod na
kanilang tagpuan. Naghintay siya sa tagpuan
ngunit hindi pa dumaratingsi Pyramus. lang
sandali pa, sa liwanag ng buwan, nakita ni Thisbe
ang isang leon, isang leon na maaaring nakapatay
na dahil ang mga kuko at bibig nito ay puno na ng
dugo.
Patungo ang leon sa bukal ng tubig upang pawiin ang
uhaw nito. Malayo pa ang kinaroroonan ng leon kay
Thisbe kaya makatatakbo pa siya para tumakas, subalit
habang siya'y tumatakbo papalayo, nahulog niya ang
kaniyang alampay. Nilapitan ng leon ang alampay, kinagat
ito, pinunit-punit gamit ang kaniyang matatalas na ngipin
at kuko at nang lumao'y tumakbo at naglaho na ang leon
sa kakalhuyan.
Iyon ang nadatnan ni Pyramus nang siya's dumating, ilang minuto
pagkaalis ng leon. Nas. harapan niya ngayon ang alampay na may
bahid ng dugo at mga yapak n leon patungong kakahuyan. Ang
katapusan ay hindi maiiwasan. Hindi si.9 makapaniwala na si
Thisbe ay patay na. Pinatay ng leon. Hinayaan lamane niya na ang
kaniyang iniibig na magtungo sa isang lugar na punong-puno ng
kapahamakan, at wala man lang siya sa lugar na iyon upang unane
magtanggol sa kaniyang sinisinta.
"Ako ang pumatay sa iyo Thisbe," sak niya.
Pinulot ni Pyramus ang alampay, hinagkan ito, at
hinalikan, dinala niya ito sa ilalim ng puno ng
mulberry. "Ngayon', sabiniya, "inumin mo rin ang
aking dugo." Binunot niya ang kaniyang espada at
itinarak sa kaniyano dibdib. Sumirit ang kaniyang
dugo sa mga bunga ng mulberry na animo'y
nagtubog sa mga ito sa matingkad na kulay pula.
Kahit na takot na takot si Thisbe sa leon, mas takot
siya na biguln ang kaniyang iniibig na si Pyramus.
Sinubukan niyang bumalik sa puno na may
makikintab at mapuputing bunga. Subalit hindi
niya ito makita. Naroon pa rin ang puno, subalit
wala ni isang maputing bunga ang nakasabit sa
mga sanga nito. Habang tinititigan ni Thisbe ang
puno, may kung anong gumalaw sa ibabaw ng
lupa, sa ilalim ng puno.
Napaatras siya sa pagkagulat, nanginig sa takot.
Ngunit, dahil sa anino, nakita niya kung ano ang
bagay na 'yon na nasa lupa. Iyon ay si Pyramus,
naliligo sa sariling dugo at nag- aagaw-buhay.
Daglian niyang nilapitan at hinagkansi Pyramus.
Hinalikan ni Thisbe ang malamig na labi ni
Pyramus at nagsumamong tumingin ito sa kaniya,
at siya ay kausapin.
"Ako ito, ang iyong Thisbe, ang 'yong
pinakamamahal," umiiyak na sabi ni Thisbe. Nang
marinig ni Pyramus ang kaniyang pangalan, pilit
niyang binuksan ang kaniyang mga mata upang sa
unang pagkakataon, masilayan niya ang kaniyang
minamahal. Matapos masilayan ni Pyramus ang
kaniyang sinisinta, kamatayan na ang nagsara ng
kaniyang mga mata.
Nakita ni Thisbe na bumagsak ang espada ni
Pyramus mula sa kaniyang kamay, katabi nito
ang kaniyang alampay, puno ng dugo at punit.
Ngayon, naintindihan na niya lahat. "Ang
sarili mong mga kamay ang tumapos Sa iyong
buhay," sabi niya, "at ang iyong pag-ibig sa
akin. Ako ay magiging matapang din.
Ako ay maaari ring magmahal. Kamatayan
lamang ang may kapangyarihan na
makapaghiwalay sa atin. Ngunit ang
kapangyarihan ng kamatayan ay hindi kayang
talunin ang ating pagmamahalan." Itinarak ni
Thisbe ang espada, na basa pa ng sariwang
dugo ni Pyramus sa kaniyang dibdib.
Nang lumaon, nahabag ang mga diyos at ang mga
magulang ng magsing-irog. Ang matingkad na
pulang kulay ng bunga ng mulberry ang walang
hanggang tanda ng tunay na pagmamahalan nina
Pyramus at Thisbe. Iisang banga lamang ang
kinalalagyan ng mga abo ng dalawang
nagmamahalan, na kailanma’y hindi
mapaghihiwalay, kahit pa ni kamatayan.
Wakas!!

You might also like