You are on page 1of 17

Aralin 5.

2
Pangwakas na Gawain:
HAKBANG SA
GAGAWING
PANTURISMO
HAKBANG 1
PAGPILI NG PAKSA

Ito ang kinakailangan pag-usapan at


pagkasunduan ng pangkat upang magkaroon ng
malinaw na direksiyon kung anong paksa ang
pag-aaralan.
HAKBANG 2
LIMITASYON NG PAKSA

Kinakailangan pag-usapan ang partikular


na paksa na gagamitin sa isasagawang pag-aaral
upang hindi masayang ang panahon na
gugugulin sa pananaliksik.
HAKBANG 3
PROSESO NG PANANALIKSIK

Kailangang awtentiko ang datos dahil isang


makatotohanang proyektong panturismo ang gagawin.
Maaaring mapagkuhanan ang datos ang mga
dokumento, sariling obserbasyon sa lugar/pook,
interbiyu na gagawin sa mga awtoridad ng pook,
artikulo, balita, dokumentaryo, aklat, at iba pa.
HAKBANG 4
PAGGAWA NG TALATANUNGAN

Gumawa ng talatanungan na gagamitin sa


pagsasagawa ng interbiyu at survey; mga
obserbasyon batay sa aktuwal na pagmamasid
sa mga kilos, saloobin, pag-iisip ng mga tao; at
iba pa na makatutulong sa paglalarawan ng
kultura ng mga tao.
HAKBANG 5
KUWANTITATIBO NA PAGSUSURI

• Kinakailangan na pagtulungan ng pangkat ang


pagbibigay ng interpretasyon sa mga resulta ng mga
nakalap na datos at ayusin ang klasipikasyon ng datos.
• Pagsamahin ang magkakaparehong datos at ihiwalay o
ibukod ang mga naiibang datos nang maging
organisado ang pagbibigay ng interpretasyon.
HAKBANG 6
PAGBUO NG KONGKLUSYON

Bumuo ng kongklusyon sa naging resulta


ng pag-aaral sa napiling pook. Batay sa
ginawang pag-aaral, ilahad din ang natuklasang
kakaibang katangian ng pook at kaugalian ng
mga tao na kanga-hanga na magandang isama
sa gagawing proyektong panturismo.
HAKBANG 7
PAGGAWA NG BALANGKAS

Gumawa muna ng balangkas kung paano


tatalakayin ang pagkakasunod-sunod ng
impormasyong nakuha sa pag-aaral na ginawa.
Nakikita sa balangkas ang planong pagtalakay
sa paksa.
Dalawang Uri ng Balangkas
• Una, ang balangkas sa paksa\
-maaaring gumamit ng salita, parirala, o
ideya lamang ang ipapakita.
• Pangalawa, balangkas sa pangungusap
-ito ay nagtatapos sa tuldok at ang bawat
bahagi ay kailangang konsistent sa paggamit sa
pangungusap.
HAKBANG 8
PAGSULAT NG PANANALIKSIK

• Isulat nang pormal ang isinagawang pag-aaral.


• Gamitin sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang
awtentikong datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
Tatlong bahagi sa pagsulat ng resulta
ng pananaliksik
• Panimula- Tumatalakay ito sa paksang pinag-aaralan,
kahalagahan ng pag-aaral, at ang layunin ng pag-aaral.
• Katawan- Ipinapakita dito ang ginawang prosesong ng
pananaliksik tulad ng paglikom ng awtentikong datos,
instrumenting ginamit sa pagkuha ng impormasyon, at
pagsasagawa ng obserbasyonsa napiking pook.
• Wakas- Ipaliwanag sa bahaging ito ang resulta sa pag-aaral at
ang konklusyon sa napiling paksa.
Aralin 5.3
Pangangalap at
Pagsasaayos ng Datos
1. Pangangalap ng Datos
May ibat ibang paraan ng pangangalap ng
datos. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

A.People Trail – uri ng datos na


tuwiran o hindi tuwirang nagmula
sa isipan ng isang indibidwal na
nakalap sa isang panayam.
1. Pangangalap ng Datos
May ibat ibang paraan ng pangangalap ng datos.
Ilan sa mga ito ang sumusunod:
B. Paper Trail – isang uri ng pasalitang
diskurso na binubuo ng dalawang tao o ng
isang pangkat.
• Aklat, magasin, diyaryo, flyers, brochure,
dyornal, at iba pa
1. Pangangalap ng Datos
May ibat ibang paraan ng pangangalap ng
datos. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

C. Electronic o E-trail- datos o


impormasyon na nagmula sa mga
digital storage at media, online, at
mobile platform.
2. Pag-aayos ng Datos
• Ito ay maaaring maging gabay sa paglalakbay o
pagbiyahe, pagproseso ng dokumento, o maging
ang pagsasagawa o pagsubok sa ibat ibang kultura
ng pinuntahang lugar sa Pilipinas.

• Kung gayon, maaaring gamitin ang mga pang-uring


ordinal o ang mga pang-uri na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng ideya o pahayag (una,
ikalawa, ikatlo, at iba pa.
HALIMBAWA:
Mga hakbang sa paglilinis ng lukan o tulya bago
kainin:

1. Una, ibabad ito sa tubig para pasukahin upang


maalis ang putik.
2. Ikalawa, lilinisin at pakukuluan sa malaking
kawa.
3. Sumunod, aalisin ang laman nang isa-isa.
4. At panghuli, babanlawan muli ito upang
masiguradong malinis.

You might also like