You are on page 1of 12

Yunit IV

Huwag Mo Lang Sabihin, Isulat Mo Rin!


Aralin 15

Pagkalap ng Datos sa
Pananaliksik:
Mga Hakbang, Lapit, at
Pamamaraan
Layunin ng Talakayan
 matukoy ang iba’t ibang klasipikasyon sa datos;

 mailahad ang mga lapit at pamamaraan sa pangangalap ng datos; at

 matalakay ang kahalagahan ng interbyu bilang mabisang paraan sa


pagkuha ng datos.
Daloy ng Talakayan
 Pangangalap ng datos: ang mabusisi at malawak na
hakbang sa gawaing pampananaliksik;

 Klasipikasyon ng datos;

 Lapit at pamamaraan ng pangangalap ng datos;

 Interbyu bilang paraan ng pagkuha ng datos; at

 Bentahe at disbentahe sa pagsasagawa ng interbyu.


Pangangalap ng Datos: Ang Mabusisi at Malawak
na Hakbang sa Gawaing Pampananaliksik

Maituturing na pinakamabusisi at pinakamalawak na gawain ng


pananaliksik ang pangangalap ng datos, kadikit ang pagsusuri sa mga ito. Sa
gawaing pampananaliksik, sinasaklaw ito ng bahaging kaparaanan o
metodolohiya sa pananaliksik na tumutukoy sa mga lapit at pamamaraan sa
pagtamo ng mga inaasahang impormasyon.
Klasipikasyon ng Datos

1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos – Maituturing ang datos bilang


nakasulat na datos kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito.
Kabilang ditto ang mga libro, journal, magasin, pahayagan, liham,
awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan, kalendaryo, at iba pang
kasulatan. Sa kabilang dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay
pasalitang panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossil, artifact, at
iba pang katulad nito.

2. Primarya, sekondarya, o terserang datos – Maaari ding organisahin


ang datos batay sa ikalawang klasipikasyon. Naituturing na primarya ang
datos kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-
aaralang paksa. Sekondarya naman ang datos kung hindi ito kapanahong
saksi ng paksang pinagtutuunan at gumamit lamang ng mga primaryang
datos. Terserang datos naman ang turing sa mga sangguniang gumamit,
nagtipon, at naglagom ng mga primary at sekondaryang datos.
Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

1. Pananaliksik sa laboratoryo – tumutukoy ito sa ginagawang pag-


eeksperimento ng mga nasa larangan ng agham pangkalikasan.

2. Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga


dokumento at impormasyon – tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula
sa mga dokumento at babasahing makikita sa aklatan, artsibo o sinupan,
Internet, pribadong koleksiyon, simbahan, munisipyo, museo, at iba pa.

3. Pananaliksik sa larangan – tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook


ng pinag-aaralang paksa.
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos

Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang


pagsasagawa ng interbyu. Sa biglang tingin, ang paraang ito ay hindi
nangangailangan ng maraming kagamitan—tanging recorder at sulatan lamang—
at ng komplikadong kasanayan sa pakikipag-usap. Gayunman, hindi
nangangahulugang walang dapat isaalang-alang sa pagpili ng interbyu bilang
paraan ng pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Listahan sa Pagpili at Paghahansa sa Interbyu:

1. Angkop ba ang pagsasagawa ng interbyu kung pag-uusapan ang:


a. paksa ng pananaliksik;
b. pangangailangan sa detalyadong impormasyon;
c. akses sa kakapanayamin; at
d. kasapatan sa oras at salapi?
2. May malinaw ba akong bisyon sa mga usaping tatalakayin sa panahon ng interbyu?
3. Maisasaayos ba ang iskedyul ng mga interbyu, sapat upang makabuo ng transkripsiyon at analisis
ng mga ito?
4. Kumpiyansa ba akong ang aking personal na pagkakakilanlan ay hindi magiging hadlang sa
pagkuha ng mga kakapanayamin, at sa kanilang bukas at tapat na tugon sa aking mga itatanong?
5. Nakapagsangguni at nakakuha na ba ako ng pahintulot sa awtoridad para sa gagawing interbyu?
6. Malinaw ba sa akin ang pamantayan sa pagpili ng kakapanayamin?
7. Naisaayos o napili na ba ang oras at pook ng interbyu?
8. May limitasyon ba sa oras ang isasagawang interbyu at batid ba ito ng mga kalahok?
9. Nabigyang-pansin ko na ba ang angkop na paraan ng pagpapakilala (estilo ng pananamit, digri
ng pormalidad, at iba pa)?
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Hakbang na nararapat bigyang-pansin bago isagawa, habang isinasagawa,
at pagkatapos isagawa ang interbyu:
1. Bago ang interbyu
• Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impormasyong nais mong makuha.
• Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at lugar ng interbyu nang may
malinaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
• Magsaliksik tungkol sa paksa at taong iinterbyuhin.
• Maghanda ng mga gabay na tanong.
• Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa interbyu gaya ng tape o digital recorder,
panulat, at sulatan.
2. Habang nag-iinterbyu
• Dumating sa itinakdang petsa, oras, at lugar ng interbyu.
• Magpakilalang muli sa iinterbyuhin at talakayin sa kaniya ang kaligiran ng paksa at
layunin sa isasagawang interbyu.
• Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.
• Magpasalamat sa pagpapaunlak ng ininterbyu.
3. Pagkatapos ng interbyu
• Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit sa interbyu
• Gawan ng transkripsiyon ang interbyu.
Bentahe at Disbentahe ng Pagsasagawa ng Interbyu

1. Bentahe

• Lalim ng impormasyon – sa pamamagitan ng interbyu, nakakakuha ng mga datos na


nagpapalalim at nagdedetalye sa isang partikular na paksa.
• Bagong ideya – maaari ding makakuha ng bagong ideya ang mga mananaliksik mula sa mga
impormasyong makukuha.
• Kagamitan – ang interbyu ay nangangailangan lamang ng simpleng kagamitan.
• Pokus sa iniinterbyu bilang tagapagbahagi ng impormasyon – isang mabisang paraan ang interbyu para
sa pangangalap ng mga datos batay sa ideya at opinyon ng isang tao.
• Fleksibilidad – masasabing ang interbyu ang pinaka-flexible na pamamaraan sa pangangalap ng
datos.
• Katumpakan (Validity) – dahil sa tuwirang ugnayan ng mananaliksik at ng taong pinagmumulan
ng datos, kagyat na nalilinaw ang anomang kalituhan sa proseso ng interbyu.
• Mataas na antas ng pagtugon – karaniwang naisasaayos ang panahon ng interbyu batay sa
kaluwagan ng iinterbyuhin.
• Nakalulunas – kumpara sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos, karaniwang isang
masayang karanasan ang interbyu para sa iniinterbyu dahil sa elemento nitong mas personal.
Bentahe at Disbentahe ng Pagsasagawa ng Interbyu

2. Disbentahe

• Mahabang oras – bagaman maaaring maikli o mahaba ang isang interbyu, maaaring ang
pagsusuri sa datos ay maging mahirap at mangailangan ng mahabang oras.
• Pagkamaaasahan (Reliability) – ang makokolektang datos ay karaniwang natatangi sa
partikula na konteksto at indibiduwal.
• Interviewer effect – ang ugnayan ng mananaliksik at kalahok ay may epekto sa kalidad ng
datos na makukuha sa interbyu.
• Pagpipigil sa sarili – maaari ding makaapekto sa iniinterbyu ang presensiya ng recorder o
kamera habang isinasagawa ang interbyu.
• Halaga ng gugugulin – posibleng maging malaki ang gastusin ng mananaliksik kung pag-
uusapan ang kaniyang ginugol na oras, pagtungo sa lugar ng mga iinterbyuhin, at
pagsulat ng transkripsiyon.

You might also like