Professional Documents
Culture Documents
RESULTA NG
PANANALIKSIK
INIHANDA NG IKA-LIMANG
GRUPO
Ayon kina Catherine Marshall Rossman (1990) sa
aklat na “Designing Qualitative Research”, ang
pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos,
ketegorisasyon, at pagsisiyasat ng mga ebidensya
upang mapatunayan o mapasubalian ang inisyal
na mga proposisyon ng pagaaral.
Ito ay proseso ng pagbibigay ng kaayusan o
estruktura sa napakaraming datos na nakolekta
sa mga naunang bahagi ng panananliksik
PRESENTASYON NG DATOS
Mahalagang gawin muna ang proseso ng
tabulasyon o pagsasaayos ng mga impormasyong
nakalap.
Kailangang alisin ang mga katanungan na hindi
maayos o may kulang na sagot ng kalahok
Kapag nasala na, maaari nang simulan ang
tallying sa pamamagitan ng paglalapat ng datos
sa working tables o iba pang paraan ng
organisasyon batay sa pagsusuring gagawin
Pagkatapos nito ay ginagawa ang pinal na
talahanayan o chart o anumang uri ng
presentasyon ng datos
KUWANTITABONG PANANALIKSIK
1) TALAHANAYAN
Ito ay ang pinakasimpleng paraan ng
pagbubuod ng mga obserbasyon.
Naglalaman ito ng mga tiyak na datos gaya ng
mga numero, bahagdan, at iba pa na maaaring
pagmulan ng kalakaran o paghahambing.
Porsyento ng mga
Estudyante
Ingles at Filipino 0%
Filipino 65%
2) GRAPH
Ang mga graph at chart naman ay biswal na
presentasyon ng mga numero o bahagdan na
maaaring magpakita ng kabuuang padron,
ugnayan, o kalakaran batay sa uri nito.
70%
60%
50%
40%
30%
20%
10%
0%
Katutubing Wika Ingles Ingles at Filipino Filipino
Porsyento ng mga
Estudyante
Kung mas
magiging
tiyak ang
layunin na
ipakikita ng
kalakaran ng
kaparehong
datos sa itaas,
sa paglipas ng
panahon, ay
mas angkop
na gamitin
ang LINE
GRAPH.
3) PIE CHART
Ito ay nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati-hati ng
bawat bahagi.
Upang maunawaan ng babasa ang talahanayan o
graph, kailangang ilagay ang titulo ng datos,
angkop na GRID at kung sino ang kalahok na
pinatutungkulan ng datos.
KUWALITATIBONG PANANALIKSIK
Inoorganisa ang pagtalakay sa pamamagitan ng
paulit-ulit na mga tema o paksang lumalabas sa
datos
Maaaring gumamit ng CHECKTLIST o anomang
balangkas sa obserbasyon upang mapadali ang
paghahanap ng mga temang ito.
Maaari ding bumuo ng ibat ibang KATEGORYA ng
datos ang mananaliksik upang hindi maging
sabog sa pagtatalakay.
Kailanagang isaisip ng mananaliksik na walang
istandard o istritikong pamamaraan sa
presentasyon ng datos. Mananaliksk ang
magpapasya nito batay sa suliranin at kabuuang
disenyo ng pananaliksik.
PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON NG DATOS
Ayon kina Graham Hitchcock at David Hughes
(1995) sa aklat na Reserch and the Teacher: A
Qualitative Introduction to School-Based
Research,ang interpretasyon ay isang paraan
kung saan ang mananaliksik ay umuusad mula sa
deskripsyon ng kung ano ang kaso tungo sa
pagpapaliwang kung bakit naging kaso ito.
Mas binibigyang diin ang tanong na BAKIT.
Binibigyan ng kahulugan ang impormasyon,
bumubuo ng mga ugnayan at paghahambing at
tinutukoy ang mga sanhi at posibleng
kahihinatnan.
Binibigyang diin ang mahahalagang impormasyon
na ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap at
ipinapaliwanag ang mga pagkakaugnay nito.
Ginagamit ang TEORETIKAL na gabay at
mahahalagang konseptuwal na balangkas.
Iwasan ang mapanlahat na pahayag o SWEEPING
STATEMENTS. Ito ay ang mga pahayag na walang
basehan.
Mahalaga ang CROSS-REFERENCING o pag-
uugnay-ugnay ng mga resulta mula sa ibat ibang
bahagi ng pagtatalakay.
PARAAN NG PAGSUSURI SA TALAHANAYAN